“10…..9….8….7” countdown ng pamilya ko mula sa kabilang linya, gaya nung psko ay hindi rin sila umuwi ngayong new year kaya nakahiga lang ako.
“Happy new year anak” bati ni papa mula sa kabilang linya “Pasensya kana anak, hindi kami na naman kami nakauwi” patuloy niya
Simula nung umalis sila mama at papa kasama ang kapatid ko, ipinangako nila sa akin na uuwi sila para kamustahin ako. Uuwi sila sa mga espesyal na araw gaya ng pasko, ngunit hindi nila ginawa ‘yon. Limang taon akong nagcecelebrate ng pasko at bagong taon kasama ang lola ko pero ngayon mag-isa nalang ako. Miske nung graduation ko ay hindi sila nakadalo, buti nalang nandito si lola para saluhin ako kapag nasa ilalim na ako ng problema ko.
“Happy New Year pa” naiiyak na bati ko “Happy New Year ma, Happy New Year Elena” umiiyak na patuloy ko
Rinig ko sa kabilang linya ang mga paputok na pinapaputok nila. Gaya ng mga paputok at rinig ko rin ang mga tawa nila. Mukhang nagkakasiyahan na sila habang ako'y nagmumukmok mag-isa. Pinapasundo ako ni lola sa pinsan ko ngunit hindi ako sumama, nahihiya na ako kay lola dahil nagiging pabigat na ako sa kanya.
“Sige na Anrena, happy new year” saad ni mama bago pintay ang linya
Pagkababa niya ay umiyak ako dahil pakiramdam ko wala na siyang pakealam sa akin. Kapag tumatawag ako lagi syang nagmamadali sa pagpatay ng linya, ni hindi man lang nangangamusta. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa pagkaka-iyak ko…..
Nasasaktan na ako sa ginagawa ng mama ko………
Nagising ako dahil sa amoy mula sa kusina ko, bumaba ako para tignan kung sino ang naroon. Nagulat ako nang nakita kong hubad na naka-suot ng apron si Vince, nakapamaywang siya habang tinitikman ang niluluto niya. Humarap siya sa akin at napatitig ako sa katawan niyang puno ng pawis, kumuha ako ng towel at inabot ito sa kaniya.
“Gising kana pala? Happy New Year” nakangiting saad niya “Sabi ni Fatima, hilig mo daw ang spaghetti kaya ipinagluto kita nito” patuloy niya
Kailan sila nag-usap ni Fatima?
“Happy New Year din, bakit ka napunta dito?” tanong ko
“Kase….gusto kita makasama” nakangiting saad niya “Oo nga pala may dala akong saging” patuloy niya’t itinuro ang lamesa
Nakita ko ang ilang piling ng saging, hindi ko hilig ang saging dahil hindi ako mapatae kapag kumakain ako nito.
“Ang dami naman niyan” tugon ko
“Madaming piling dahil gusto kita makapiling” seyosong tugon niya kaya umiwas ako ng tingin
“Ano yan? Sauce?” pag-iiba ko sabay dungaw sa niluluto niya dahil sa tensyon ng sinabi niya kanina
“Oo, tikman mo kung pasado sa panlasa mo” aniya, kumuha ako ng kutsara upang tikman ito. Pagkasubo ko ay kumayat ang sauce sa gilid ng labi ko. Pupunasan ko palang ay bigla niyang pinigilan ang kamay ko
“Ako na” patuloy niya, dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata’t uni-unting inilalapit ang kaniyang mukha. Pumikit ako nang maramdam ko ang malambot niyang labi sa labi ko. Nang kinalas niya ang labi niya ay minulat ko ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
I'm Blind With You
Teen Fiction'Love is Blind' Nakakabulag ba talaga ang pagmamahal? Do I believe that 'Love is Blind'? Yes. No. Maybe Yes? Kase kapag nagmamahal, ginagamit ay puso't hindi ang mga mata. Love came from our heart, heart which has no eyes. No? Because I don't under...