"Bakit ganon Edward? Kahit nakita kong nakipaghalikan siya sa iba ay mahal ko pa rin siya" tanong ko kay Edward habang nasa loob kami ng kotse. Ihahatid ako ni Edward sa apartment ko dahil makikipag-usap ako kay Vince.Pinayuhan ako ni lola na kausapin ko raw muna si Vince para linawain ang lahat. Humingi din ako ng tawad kay Elena dahil sa nangyare kahapon sa pagitan naming lahat. Hindi ko alam kung okay lang ba kaming dalawa ni Elena dahil paggising ko ay wala siya at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Wala din si lola dahil magzuzumba siya kasama ang mga kaibigan niya. Si mama at papa lang ang nasa bahay ngunit wala pa rin akong lakas ng loob para kausapin sila dahil hindi ako sumang-ayon na sasama ako sa kanila.
"Edward naman, sagutin mo kase ang tanong ko" pangungulit ko, bahagyang kumunot ang kaniyang noo bago tumingin sa akin
"Kase tanga ka, ang tanga mo Anrena. Ginagago kana, minamahal mo pa" baling niya sa akin, agad nawala ang ngiti sa aking labi at aking ibinaling ang patingin sa kalsada
"Ang sakit mo naman magsalita" angil ko habang diretso ang tingin sa kalsada "Tanga ba talaga ako? Kase ang alam ko ay nagmamahal lang ako kaya handa akong magbulag bulugan dahil nagmamahal ako" patuloy ko, ramdam ko ang titig sa akin ni Edward bago niya bahagyang hinampas ang manibela
"Dito na ako bababa sa kanto, salamat sa paghatid" pilit ngiting ani ko bago bumaba sa kotseng sinasakyan ko ngunit bumaba rin si Edward at hinabol ako
"Anrena galit ka ba? Sorry sa nasabi ko kanina" sambit niya
"Okay lang, mukhang tama ka naman kase ang talino ko pag dating sa libro pero kapag usapang pag-ibig ay napakabobo ko" tugon ko bago tumalikod at naglakad papunta sa apartment ko.
Pumasok ako sa loob ng apartment ko, nagwalis muna ako dahil magabok na sa loob nito. Pagkatapos ko maglinis ay nahiga muna ako sa sofa dahil dinalaw ako ng antok ko. Nagising ako nang may kumatok sa pinto, pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Bernadett.
"Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ko sa kaniya
"Kase nandito ako" sarkastikong sagot niya bago tumawa kaya umirap nalang ako "Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" tanong niya
"Bakit kita papapasukin, e hindi naman sayong bahay ito?" sumbat ko "Isa pa, hindi ikaw ang iniintay ko" patuloy ko
"Kung hindi ako, sino? Nagtext ka sa akin na puntahan kita sa apartment mo" sagot niya kaya napataas ang kaliwang kilay ko
"Ang kapal naman ng mukha mo, si Vince ka ba para itext ko?" pagtataray ko
"Hindi ka maniniwala? Sige, basahin natin pareho kung ano ang text mo" sagot niya bago inilabas ang cellphone at pinakita sa akin ang message na pinadala ko. Nagulat ako dahil totoong sa kaniya pumasok ang text ko dahil para kay Vince talaga ito "Ano? Bakit nagulat ka? Pero alam mo may sa sasabihin ko ay mas magugulat ka. Nandito ako para sabihin sayo na buntis ako" patuloy niya
"Bakit? Ninang ba ako?" tugon ko
"Pwede naman, dahil si Vince ang tatay ng pinagbubuntis ko. Umuwi ka na sa inyo, dahil walang Vince na darating dito" sambit niya bago tumalikod at umalis palayo. Napaupo ako sa sahig dahil sa nalaman ko, napatulala ako dahil hindi ako makaniwala kung nagsasabi ba si Bernadett ng totoo. Inabot ako ng silim kahihintay sa taong hindi ko alam kung mahal ba talaga ako.
"Putang ina me!" mura ko sa sarili ko bago sinampal ang mukha ko "Ang tanga mo, nalaman mong nakabutis ang taong mahal mo pero iniintay mo siya rito. Nakita mo na silang naghalikan, umaasa ka na ikaw ang mahal?" patuloy na tanong ko sa sarili ko
"Wala akong pake-alam kung tanga ako, umaasa ako na mahal niya rin ako dahil nagmamahal ako" sagot ko sa sarili ko. Agad akong umalis at tumakbo patungo sa bahay ni Julius dahil alam kong palagi siyang narito
"Anrena? Bakit ganan ang itsura mo? Anong nangyare sayo? Kasama mo ba si Vince?" sunod-sunod niyang tanong pagkabukas ng pinto
"Hindi ako pupunta dito kung pinuntahan ako ni Vince sa apartment ko" sagot ko "Tinatago mo ba siya rito?" galit na tanong ko
"Ano? Hindi! Hindi ko alam kung nasaan siya" sagot ni Juluis, at dahil wala akong natanggap na sagot kung nasaan ang hinahanap ko ay lumuhod ako
"Parang awa mo na, ilabas mo siya" pagmamaka-awa ko habang pinipigilan ang luha ko
"Anrena, tumayo ka dyan" sambit niya bago ako tinulungang tumayo "Hindi ako ang dapat mong luhudan, mapapatay ako ni Vince kapag nalaman niyang ginawa mo sa akin ito" patuloy niya
"Minahal ba ako ng kaibigan mo?" tanong ko bago bumuhos ang luha ko
"Hindi ko masasagot ang tanong mo, noong una ay galit siya sa iyo pero ramdam ko'y minahal ka niya ng totoo" sagot niya
"Galit? Bakit siya magagalit?" nagtatakang tanong ko ngunit kibit balikat lang ang tugon nito
Tulala ako habang naglalakad at hinayaan ang aking paa na dalhin ako sa kung saan. Dinala ako ng mga paa ko sa bahay ng kaibigan kong si Fatima. Hindi tahimik ang bahay nila dahil sa ingay ni Fatima nguit alam kong mapapnatag ako dahil tama ang lugar na aking napuntahan at tama ang taong aking nalapitan.
Pagkabukas niya ng pinto ay sinalubong niya agad ako, hindi ko alam ang gagawin ko dahil iyak lang talaga ang magagawa ko.
"Anong nangyare sayo?" tanong niya, umiling ako. Hindi ko kayang ikwento sa kaniya ang nangyare sa araw na ito dahil alam kong hindi niya magugustuhan ito.
"Aalis na ako" tugon ko. Habang naglalakad ako kanina ay biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni mama na ako'y isasama na nila
"Ha? Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya
"Sasama na kina mama" tugon ko
"Hindi mo ako maloloko, alam kong hindi iyan ang dahilan kung bakit ka nagkakaganito. Ano ang tunay na nangyare sa iyo?" pagalit niya, hindi ko na kinaya ang bigat ng dibdib ko kaya't hinayaan kong bumuhos ang luha ko
"Ang tanga ko diba?" tanong ko pagkatapos kong ikwento ang lahat ng nangyare sa araw na ito "Pero hindi ko pinagsisisihan iyon dahil ginawa ko lang iyon dahil nagmamahal ako" patuloy ko
"Paano na yan? Kung lilipat ka sa STEM paano na ang pangarap mo? Ikaw pa ang magiging accountant ng company ko" tanong ni Fatima, nagkibit-balikat nalang ako "Di bale! kung hindi ka magiging CPA, mag-asawa ka na lang ng CPA" patuloy niya
"Hindi na ako magmamahal pa" natatawang sagot ko
"Sinabi mo rin noon sa amin na hindi ka magmamahal pero heto ka ngayon at iniiyakan siya" biro niya
Nanatili muna ako sa bahay nina Fatima upang makapagpahinga. Ang sarap sa pakiramdam kapag may kaibigan kang ganito, hindi man kami madalas magkasama ay siya parin ang makaka-intindi sa nararamdaman ko. Nakaidlip ako ng ilang minute sa kwarto ni Fatima at nang makagising, ako'y umuwi na. Pagdating ko ay agad akong pumasok sa kwarto at napansing wala pa rin si Elena
Paggising ko kanina ay wala siya, maging pagdating ko ay wala pa rin siya?
Nasaan siya?............
BINABASA MO ANG
I'm Blind With You
Teen Fiction'Love is Blind' Nakakabulag ba talaga ang pagmamahal? Do I believe that 'Love is Blind'? Yes. No. Maybe Yes? Kase kapag nagmamahal, ginagamit ay puso't hindi ang mga mata. Love came from our heart, heart which has no eyes. No? Because I don't under...