Chapter 7

11 4 3
                                    

“Ang kati naman niyan, kailangan pa ba yan?” anas ko kay Kraine

Simula nang iwan naming silang dalawa ni Fatima sa apartment ay nagkaayos sila. Bestfriends nalang daw sila dahil pareho silang mahilig sa lalaki. At pinaki-usapan niya kami na Kraine nalang ang itawag sa kaniya, sinusuportahan nalang namin siya total bulgar na sa lahat na bakla siya.

“Ano ka ba girl, hindi kami makakapayag na mukha kang los-yang sa harap ng maraming tao” tugon ni Kraine

WOW! Ganon na ba talaga ako ka loose young? Ang sama naman ng lumalabas sa bunganga ng baklang ito.

Pumayag ako na making muse ng team nina Vince. Nung una ay unayaw ako ngunit hindi nila ako tinantanan, mana siguro ang mga ito kay Vince dahil siya any pinuno ng grupo.

“WOW! Wow na wow talaga, bakla sobrang ganda mo” namamanghang sambit ni Fatima sabay tingin sa akin

Tumingin ako sa salamin, may make-up ang aking mukha, tuwid ang aking buhok na mahaba at hindi gaanong bulgar ang katawan ko sa suot ko.

Ako ba talaga ito? Hindi ako marunong maglagay ng make-up, isa pa’y makati ito sa mukha.

Ngayon napatunayang losyang talaga ako. Buti nalang nandito ang mga kaibigan ko para hindi nakakahiya ang itsura ko.

Dumiretso ako sa classroom para puntahan yung team nila Vince, intramurals ngayon kaya maglalaro sila ng basketball. Pagkapasok ko sa classroom ay nagulat ako sa mga titig ng kaklase ko.

“Grabe, lalo siyang gumanda. Dapat kasi ako nalang yung naging muse nila Vince” bulong ni Ella, hindi ko nalang sila pinansin at pumunta na lang ako sa upuan ko. Muse ng section namin si Ella, nagtataka nga ako kung bakit ako ang pinili nila.

“Okay, kailangan na nating bumaba nandon na ang players” anunsyo ng Class President namin “Yung muse, nandyan na ba?” patuloy niya

Nang itaas ko ang aking kamay ay nanlaki ang mga mata niya “Ang ganda” namamanghang bulong niya

Pagkapasok namin sa covered court, hinanap ko ang players na kaklase namin. Nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod na suot ang damit pang-escort. Hindi ko kilala ang escort kaya’t nagulat ako ng humarap ito sa akin. Natulala siya habang palapit ako sa kaniya at ganon din ako sa kaniya.

What the fucking fucking fuck? Bakit siya ang escort? Hindi ba’t player sya?

“Hoy” sigaw ko sa kaniya habang nakatulala siya “Nasan na ang escort? Bakit kinuha mo ang damit ng escort n'yo” tanong ko

“Anrena hindi kase makakapunta ang escort natin kaya si Vince nalang yung pumalit” singit ni Jacob na team captain nila “Kayong dalawa ang Muse at Escort ng team natin” saad niya sabay alis

"Ayos ba?" nakangising sambit niya "Nagmake-up ka ba? Bakit parang walang nabago sa mukha mo? Mukha ka pa ring----" naputol ang sinasabi niya nang tumalikod at umalis ako ngunit hinabol niya ako at hinawakan sa braso

"Hindi mo ako pinatapos sa sinasabi ko" patuloy niya

"Nanggagago ka na naman" saad ko sabay irap

"Wala naman talagang nabago sa mukha mo. May make-up ka man o wala, ikaw parin ang maganda sa aking mga mata" seryosong saad niya habang nakatitig sa aking mga mata

Umiwas ako ng tingin dahil sa pag-init ng aking pis-nge dahil sa sinabi niya.

Naging maayos ang laro at sa huli’y nanalo ang team namin. May mga oras na pinupunasan ni Vince and mukha ko kapag pinapawis ito.

I'm Blind With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon