Chapter 12

10 3 6
                                    

Paggising ko kinabukasan ay nanlalamig at umiikot ang paningin ko. Agad kong dinampot ang cellphone ko upang matawagan si Fatima.

“Hello? Napatawag ka?” bungad ni Fatima mula sa kabilang linya

“Bes, ma-may sakit a-ata ako”nanginginig na tugon ko

“Ano? Nasaan ka? Ano bang ginawa mo kagabi?” tanong niya

“Pa-pasabi absent ako” saad ko bago ko pinatay ang linya


Muli ako tumulog at nagising ako nang may naririnig akong nagluluto sa kusina ko. Medyo mayos na ang pakiramdam ko dahil uminom na ako ng gamot, pero kumakalam na ang sikmura ko. Bumaba ako para tignan kung sino ang nagluluto sa kusina ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Vince na nakasuot ng uniform habang nagluluto.

“Bakit ka nandito?” tanong ko

“Dahil sayo?” patanong na sagot niya

“Hindi ka ba naligo kagabi?” patuloy niya, umiling ako

Dahil kase sa halik mo nagkandadawala-wala na ako sa matinong pag-iisip ko.

“Um-absent ka?” tanong ko “Okay lang naman ako dito, bumalik kana sa klase mo” patuloy ko, ngunit hindi niya ako sinagot sa tanong ko

Kumain kana?” tanong niya, umiling ako Ipinagluto kita, umupo kana don” patuloy niya sanay turo sa dining table. Sinundan niya ako sa lamesa dala ang adobong niluto niya.

Kakain ako basta ipangako mong babalik kana sa klase mo” sambit ko kaya tumango siya, binilisan ko ang pagkain para hindi siya ma-late sa klase

Dahan-dahan pigil niya “Hindi ako mala-late” patuloy niya

Pagkatapos ko kumain ay iniligpit niya ang pinagkainan ko. Pina-inom niya ako ng gamot bago siya umalis.


Hindi na kami masyadong magkasama ni Vince, tuwing hapon nalang siya pumupunta sa apartment. Hindi narin kami laging magkasabay dahil nala-late siya, dumadating s’ya sa classroom na pawisan na tila ang layo ng nilakad niya.

“Hi, good morning” bati niya pagka-upo sa upuan niya, pinunasan niya ang kaniyang pawis

“Good Morning, bakit late ka na naman?” tanong ko

“May inasikaso lang ako, kumain ka ba?” tanong niya, umiling ako’t kumunot ang noo niya

Nakalimutan ko kase patuloy ko, bigla siyang lumabas ng classroom at nang dumating siya ay may dala siyang pagkain. Pinangtinginan kami ng mga kaklase ko bago magbulungan.

Kainin mo muna habang wala pa si Ma’am” aniya sabay abot ng binili niya, ramdam ko ang titig niya habang kumakain ako’t maya-maya’y umimik siya

“Hindi muna ako sasabay sayo mamaya, may aasikasuhin muna ako” saad niya, tumango ako

Ano kaya yung laging inaasikaso niya?

May iba na ba s’yang hinahatid?

May iba na ba s’yang pinupuntahan?


I'm Blind With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon