Chapter 16

10 3 10
                                    


“Nandito ako para ligawan ka sa ayaw o gusto mo” sambit niya bago hinawakan ang kamay ko, lumayo ako para hindi niya marinig ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko


“Paano ang pag-aaral ko?” nakatungong tugon ko


“Liligawan kita hanggang sa matapos mo ang pag-aaral mo” sambit niya, hinawakan niya ang baba ko para hulihin ang tingin ko “Liligawan kita dahil mahal kita at ayaw kong mawala ka” patuloy niya hbang nakatitig sa aking mga mata kaya nagiwas ako ng tingin

Paano kung mapagod siya sa paghihintay?

“Tara sa loob, ipapakilala kita kay lola” pag-iiba ko ng usapan, pagkapasok namin ay pinakilala ko siya kay lola


Pumasok ako sa loob ng kwarto para makapagbihis, iniwan ko si Vince sa sala kasama si lola. Pagkababa ko ay nagtatawanan sila kaya umupo ako sa tabi ni lola para makitsismis.

“Apo nandito ka na pala? Ang tagal mo magbihis, naghintay tuloy ang manliligaw mo” biro ni lola “Alam mo bang kaya nandito ang aking apo ay dahi----“ tinakpan ko ang bibig ni lola kaya naputol ang sinasabi niya

“Lola naman e” anas ko, pumunta si lola sa kwarto niya para makapag-usap kami ni Vince

“Bakit ka ba talaga nandito?” tanong ko ulit dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko

“Ang kulit mo talaga” anas niya habang pinipisil ang ilong ko na tila nanggigigil “Mahal nga kita, iniiwasan mo ako at natatakot akong mawala ka” patuloy niya, ramdam ko ang pag-init at pamumula ng aking pisnge

“Aray” angil ko dahil sa panggigigil niya sa ilong ko

“Namumula ka” biro niya

“Paano ako hindi mamumula e pinisil mo ang ilong ko?” sumbat ko

“Hindi naman ilong mo yung sinabi kong namumula, tumigin ka pa sa salamin upang makita mo kung alin” nakangisng aniya, umirap ako.

Hindi na namin pinag-usapan jo Vince ang dahilan ng pag-iwas ko, ang mahalaga ay nandito na siya sa tabi ko at liligawan pa ako


Habang nag-uusap kami ni Vince ay dumating na si Edward at Fatima, umupo sa tabi ko si Edward, ramdam ko ang pagkunot ng noon i Vince.


“Bes ang pogi ni Edward, kayo na ba?” biro ni Fatima upang inisin si Vince, alam ni Fatima na pinsan ko si Edward

“Ano kaba?” pigil ko sa kaniya


“Pogi rin naman si Vince” baling ni Fatima kay Vince “Sino ang pipiliin ko, mahal ko o mahal ako?” pakantang biro niya kaya hinampas ko siya, tinawagan namin si Kraine para makasama namin siya

“Hi pogi” bungad ni Kraine pagkapasok sa pinto namin, bahagyang lalapitan at yayapusin niya si Edward ngunit pinigilan ito ni Fatima

“O tabe, kay Anrena yang si Edward” biro ni Fatima habang nakatingin kay Vince na masama na ang tingin

“Akin si Anrena” singit ni Vince, kinilig ako


“Whoaaaaaaaaaaaaaaa” sigaw ni Fatima at Kraine “Kayo na ba?” tanong ni Kraine kay Vince

“Nililigawan ko siya” seryosong tugon ni Vince

“Ateng, namumula ka na” nakangising biro ni Kraine kaya nasamid ako.

Tumayo si Vince at Edward, pareho silang pumunta sa kusina. Pagkarating nila sa sala, may dalang juice si Vince habang ang dala naman ni Edward ay tubig. Sabay nilang inabot ang baso, hindi ko alam kung alin ang kukuhanin ko.

I'm Blind With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon