2

123 11 7
                                    

R-18

Kinaumagahan nagising nalang ako sa pag-aaway ng mga kapatid ko. Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay. Si Kaye Patricia ang sumusunod na akin dalawang taon ang agwat namin siya ang halos katuwang ko sa lahat.

Ang pangatlong kapatid ko naman ay si Magnus Aljon. Dalawang taon din ang agwat nila ni Kaye.

Habang ang bunsong kapatid ko naman ay si Charvi Evah isang taon lang ang agwat nila ni Magnus.

"Kuya naman eh! Akin na nga yang cellphone ko!" padabog na sinasabi ni Evah.

"Tama na yan Jon! Magigising si ate Yesh." Pagsusuway naman sa kanila ni Kaye. Kaming apat lang ang nakatira dito sa bahay.

Dito kami nakatira sa Savannah binigay to saamin ng aming tito na naninirahan na sa ibang bansa.

Apat na taon ng hiwalay ang mga magulang namin. At si mama lang ang bumubuhay sa aming magkakapatid.

Sa madaling salita naghiwalay ang mga magulang namin dahil hindi sila nag work.

Pwede pala yun na kung saan bumuo kayo ng malaking pamilya tapos doon niyo marerealize na hindi pala kayo mag wowork.

Simula ng maghiwalay si mama at papa ako na ang tumayong magulang sa mga kapatid ko.

Dahil kinuha kami sa puder ni papa. At nilagay kami sa isang bahay kung saan kaming apat lang ang gagalaw.

Hindi kami naiingit ng kapatid ko sa mga taong may kompletong pamilya dahil na rin pinaintindi ko sa kanila na meron pa ding matatawag na pamilya kahit watak na. At pinaparamdam ko sa mga kapatid ko na mahal ko sila.

"Ate Kaye! Sabi ko naman kay ate Yesh wag munang bilhan si Evah ng cellphone dahil nga hindi maganda ang nadudulot ng social media ngayon! Lalo na sa mga batang katulad niya!" Napangiti nalang ako.

Parang ako yung lumuwal kay Magnus para mapangiti ako sa sobrang mangha ko sakanya.

"Ate Yesh!!!!!" sabay katok ni Evah sa pinto ko.

"Ano ba yan Evah!! Hindi na tuloy pumantay ang kilay ko! Wag mong gisingin si ate may trabaho 'yan mamaya." napatigil sa pag katok si Evah siguro kinuha ni Kaye.

Inayos ko ang sarili ko at kama ko. Kinuha ko ang towel ko at humarap sa salamin.

"You're beautiful." sabi ko sa repleksyon ko sa salamin.

Narealize ko na bumababa na kasi ang self esteem ko at dahil yun sa mga flaws na meron ako. Meron akong stretch marks sa butt cheeks ko also I have a darkened underarms.

Hindi ko alam kung paano o saan ko nakuha ito. Sabi ni mama nakuha ko ito dahil tumaba ako at sabi niya na mawawala din daw  ang darkened underarms ko unti-unti kapag pumayat ako.

All women has a flaws. I don't find disgusting having a tiger strips, pimple marks,uneven skintone and darkened underarms. You don't need to be ashamed on your flaws.

Your flaws will make you stronger.

I'm still on processing loving my flaws. I smiled at myself and I realized even my own smile betrayed me. Hindi ko na siya kilala. Kaya imbes mag isip lumabas nako sa kwarto.

"Good morning. Anong nangyayari?" pababa ako sa hagdan ng makita ko na si Kaye ay nag aayos ng gamit niya at si Magnus naman ay kumakain.

"Ate!" palapit na sabi ni Evah sakin.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon