14

88 6 0
                                    



"You remembered me?" Bastion said.

I made a gesture with my hand 'a little bit' at tumawa ako.



"Asher the fat." sambit ko.



"Yesha the bully." ngumiti siya sa akin.

Ngayon ko lang ulit natandaan ang batang inaapi ko dati nung elementary ako. Esm kasi siya at ako naman ay nasa star section. Dumadayo siya sa building namin na siya lang ang mag-isa, mataba pa siya nung time na yun.



Inaapi ko siya dahil inaapi siya ng mga schoolmate din namin dahil mataba siya, inaapi ko siya upang hindi na siya bumalik sa building namin. Isang araw pumunta ako sa building nila para may ibigay sa kanilang teacher. Ako naman ang pinaalis niya at nagkasagutan kami.



Simula non trinato ko na siyang kaaway at ganoon din ang trato niya sa akin. Nasa grade 4 yata ako nung time na yun. Hanggang natapos kami ng elementarya ay magkaaway pa din ang trato namin sa isa't isa. Sa tagal na din ng panahon nakalimutan ko na din siya.



"Oy! Ano yan?! Ano yan?!" singit ni Ryker.



"Kayo na lang ba ang mag-uusap?" sabi ni Kaitlyn.



Bumaling ako sakanya and I rolled my eyes on her. Nakita yun ni Basti kaya naman narinig kong mahina siyang tumawa.



Tumungo kami ni Basti sa mesa at umupo kami. Nakita kong nag salin-salin ng tingin si Farrah sa aming dalawa ni Basti at ng nakita niyang nakatingin ako sakanya ay agd nalang siya lumagok ng beer at ngumisi habang iniinom ito.

May binulong naman si Draven kay Basti at natawa silang dalawa. Bumaling ako sa gilid ko kung saan nakaupo si Basti pero lumagok din ito ng beer binalik ko ang aking tingin sa harap at lumagok din ng beer.

"Basti! Seryosong tanong, kailan ka titigil sa pag-aasa?" pasigaw na tanong ni Ryker. Nasa dulo kasi siya ng mesa at nasa gitna kami ni Basti kaharap namin si Farrah,Oxor,Kaitlyn at Charlie.



Nakita kong bumaling si Basti sa akin pero hindi ko nalang pinansin.

"Hangga't hindi ko nakikitang wala na talagang pag-asa." sabi ni Basti.

Napuno ng hiyawan ang aming mesa dahil sa sinagot ni Basti. Napatigil lang ang lahat ng may dumating na dalawang babae at nag tutulakan.



"Ba't kasi ito pa, Lara." sabi ng babaeng tinutulak ng Lara ang pangalan. Nagpupumiglas ang babae.



"Come on Tab, this is you're chance." sabi ng Lara.



Nakatuon ngayon ang atensyon namin sa kanilang dalawa. Nakita kong nakataas ng kilay sila Oxor,Ryker at Kaitlyn. Habang tahimik namang tumitingin si Draven,Farrah at Basti. Si Stella naman ay nakangiti sa kanila at si Aiden naman ay walang pakealam at lumalagok lang ng beer.



"Hi Lara!" bati ni Stella.



"Oh! Ikaw pala Stella, hindi kita nakilala. I like your haircut. How are you? This is Tanya my friend. She's from Antique." pangiti na sabi ni Lara at nakita kong siniko niya yung kasama niya na parang may inuutos.



"I'm good." ngumiti si Stella at bumaling kay Tanya. "Hi Tanya! Ba't namumutla ka? May sakit ka ba?" bati ni Stella.

"Ahh?" may tinitingnan siya at agad naman siyang bumaling kay Stella. "Wala." nahihiya niyang sagot at bumalik agad ang tingin niya sa tinitingnan niya kanina.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon