3

116 10 1
                                    

Habang kumakain ako ng break ko ay maraming pumapasok ulit sa aking ulo. Pagkatapos ng klase ko kanina ay dumiretso na ko dito sa store. Hindi ako makapag-isip ng maayos.

"Oh? Yesha? Baka ma over break ka sa kakatulala mo dyan." Sabi ni Ate Rhoda. Matagal ng crew dito si ate Rhoda. Siya yung nag train sakin sa lahat.

Napatingin ako sa orasan namin at nagulat na 10 minutes nalang over break na ko. Kaya dali-dali kong kinain ang aking break na ala king.

"Kaya mo pa ba?" napatingin ako kay ate Rhoda. Parang iba agad yung meaning 'nun para sakin.

"Opo, ate Rhod." Ngumiti ako sakanya para siguraduhin ko sakanya na ayos lang talaga at kaya ko pa.

"Nandito lang kami Yesh. Pag nahihirapan ka wag mong alalahin na maiiwan kami dito. Pagpatuloy mo ang pangarap mo." Lumapit si ate Rhoda saakin at inayos ang uniform ko.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako magtatagal dito. Alam ko din naman na hindi sapat ang sahod na kinukuha ng ibang crew dito para sa pang araw-araw na gastusin sa kanilang pamilya.

Nandito lang naman ako dahil ayokong mag sayang ng oras ko. Nagkaroon ako ng pamilya dahil nandito ako.

Hindi ko nararamdaman ang pagod pagkatapos ng aking klase kapag napupunta ako dito. Dahil alam kong mas pagod ang mga crew dito kesa sakin. Pero nakukuha pa nilang ngumiti ng sobra.

"O, siya sige yesha. Out ko na eh. Mauuna na ko pakitingin nga ng schedule ko bukas." sabi ni ate Rhoda habang kinukuha ang hairnet niya at nilalabugay ang buhok niya.

Agad kong tiningnan ang schedule niya. "9-5pm. Expo." Sambit ko sakanya.

Napatingin ako sa orasan at meron na lamang akong limang minuto. Kaya dali-dali akong nag toothbrush at nag retouch ng aking make up.

"Sige, ate Rhod. Balik na ko ingat sa pag-uwi." sabay takbo ko papuntang counter kinuha ko agad yung timecard ko at hinanap ko yung mic namin.

"Sir pa break out po." sabay lahad ko sakanya ng aking timecard.

"Mabuti naman nakabalik kana. Mahaba na kasi yung pila Yesh." nilagyan naman ni sir Jake yung timecard ko kung anong oras ako nakabalik.

"Bumalik kana sa pos mo Yesh. Yung ibang costumer sa pos 3 kunin mo." tumango nalang ako sakanya at sinunod ang kanyang sinabi.

"Hi! Good evening dito lang po yung hindi pa nakaka order." At yung unang pumunta sakin ay hula ko isang highschool student. Base na din sakanyang uniporme.

" Hi good evening! Welcome to McDonald's. What's your order maam?" Nakangiti kong sabi.

Isang oras pa lang akong nag tatake ng order at namataan ko na parang may tumitingin sa akin. Habang kinukuha ko ang order ng bagong customer sa harap ko ay napatingin ako sa pumipila sa likod niya.

At nakita kong may nakangiting asungot sakin. Pinanliitan ko siya ng mata na parang sinasabi ko sakanya na wag-kang-pumila-dito.

Nang siya na ang susunod na customer na kukunan ko ng order ay padabog akong nagsalita ng "Good evening sir. What's your order?"

Napatingin siya sa dibdib ko at ngumiti. Agad-agad kong tinakpan ang akig dibdib. "Manyak." Pabulong kong sabi.

"Chill. I'm just staring at your nameplate. Good evening Yesha Hyzrha." Pang-aasar niyang sabi.

Napahiya na naman ako ulit sakanya. Ewan ko ba bat naiinis ako sa asungot na to. Kahapon ko lang naman siya nakita.

"What's your order?" walang gana kong sabi.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon