38

61 6 0
                                    

"Saan mo ako dadalhin?" Tarantang sabi ko sakanya. "Yung kotse ko!" Sigaw ko.

"I'll drive you home." Seryosong sagot niya.

"Paano yung kotse ko?" Tanong ko sakanya.

May pinindot siya sa sasakyan niya at nakita kong may tinawagan siya. Nagulat ako kung sino yon.

[Oh? Anong maipaglilingkod ko?] Tamad na sabi ni Angelo ng sinagot niya ang tawag.

"Drive Yesha's car home, nasa parking lot ng The Cave." Sabi niya.

[Yesha's car daw! Sayo baka mo.] Tumawa siya ng malakas. [Sige, aalis na ako.]

Agad naman akong bumaling kay Basti, kelan lang sila nag-usap? Atsaka sasakyan daw ni sino? Ni Basti?

"Sasakyan ni sino Angelo?" Tanong ko sakanya. Narinig kong nagmura siya ng mahina ng marinig niya ako.

[Ano yon? Hindi ko marinig? Choppy ka pre! Wag ka ng tumawag ulit! Ingat ka!] Sabi niya at agad niyang binaba ang tawag.

"Kaninong sasakyan daw?" Natataka kong tanong.

I saw Basti licked his lower lips and bite it.

"You're pissing me off," galit kong sabi at bumaling na ako sa harap, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil na din meron pang alak sa sistema ko.

Naramdaman ko na lamang na may mahinang humahaplos ng pisngi ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nag-alalang tingin ni Basti sa akin.

Ngumiti siya sa akin, and I suddenly flinched. Tumingin ako sa labas ng sasakyan at nakita kong nasa harap na kami ng bahay ko.

"I'll get inside, thanks." Dali-dali kong labas sakanyang sasakyan.

When I entered my house, tumayo ako sa likod ng pinto at sinandal ko ang katawan ko doon. Hinawakan ko ang dibdib ko.

"Why are you beating so fast?"

Dumiretso na ako sa kwarto ko, hindi na ako sumilip sa bintana kung nakaalis na ba siya o hindi pa. I just texted Stella and my friends that I'm already home.

Kaya naligo muna ako at nagbihis na din. Pagkatapos kong magbihis ay uminom ako ng maraming tubig para mawala na talaga ang alak sa ulo ko.

I'm already wearing on my pajamas. Stella texted me na hindi niya pa alam kung anong oras siya uuwi. Kaya sinabi ko sakanya na mauuna na ako sa pagtulog because it's already 2am.

Hindi pa ako nakakaakyat ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa labas ng bahay. Kaya ng tiningnan ko yon. It was my car. Angelo is already here.

Dali-dali akong lumabas para harapin siya. Nakita kong pinapauna niyang lumabas si Hashna, na nagtataka naman sa inaasta ni Angelo.

Nasa harap na ako ni Hashna at nasa likod niya naman si Angelo nagtatago, I crossed my arms to my chest at tinaasan ng kilay si Angelo.

"Kaninong sasakyan to Angelo?" Tanong ko sakanya, tinuro ko ang sasakyan na ipinhiram niya sa akin.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Hashna sa sinabi ko. Mas lalo pang nagtago si Angelo sa likod ni Hashna.

"Uhh...Yesh? Can we talk it inside?" Sabi ni Hashna.

Tumango na lamang ako at nauna ng pumasok sa bahay, naramdaman ko na lamang na nakasunod silang dalawa sa akin.

Umupo kami sa dining at tinitigan ko silang dalawa.

"Mayroon ba akong hindi alam?" Tanong ko sakanilang dalawa.

Nakita kong bumuntong hininga si Hashna at tinitigan si Angelo, ngumiti lamang si Angelo sakanya.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon