15

104 6 0
                                    



"Samahan mo ko, Asher."



I saw him stiffened when I called him in his first name.



"Let's go." Tumayo ako at hinatak ko ang kamay niya nagpahila naman siya sa akin.



Nakarating kami sa university gym at agad ko namang nakita ang sasakyan niya.



"Open the car, Asher." Utos ko sakanya tulala pa din ang kanyang reaksyon pero agad din naman siyang ngumiti at umiling. Kinuha niya ang kanyang susi at pinatunog ang sasakyan.



Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng pinigilan ni Basti ang kamay ko at siya mismo ang bumukas sa pinto ng kanyang sasakyan. Pumasok ako sa kanyang kotse at nakita kong umikot siya papunta sa driver's seat.



Pagkapasok niya ay agad naman siyang umupo at bumaling sa akin. "Seatbelt, please."



"Oh," agad ko namang sinunod ang kanyang sinabi.



"San tayo pupunta? May dinner tayo."



"Hindi ko naman yun nakakalimutan, Asher. Sm city tayo malapit para malapit lang sa Bourbon." Simpleng sabi ko.



Tumango nalang siya at sinimulan ng paandarin ang sasakyan niya. 



"How was it?"



Tumingin lang ako sa bintana at masayang ngumingiti. "Ang sarap sa pakiramdam na okay na ang lahat and also unting-unti  ko ng nakikita ang sarili ko."



"Congrats, I'm so proud of you." Seryoso niyang sabi.



Mas lalong dumagdag ang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang salitang yun sa kaniya. "Thank you."



"By the way, I'm going to New Zealand in two days. May gusto ka bang ibigay sa akin?" Automatikong bumaling ang ulo ko sakanya at dinilat ko ang mata ko sa sobrang gulat.



"Why are you going there?"



"Important matters." Ngumuso siya pagkatapos niyang sabihin yun.


City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon