24

65 5 0
                                    

Our finals done. Next week ay mag papractice na kami para sa graduation. Dahil pagkatapos ng isang linggong practice graduation na namin.

Next week na darating si mama at next week na din ang graduation nila Basti. Pero mauuna ang graduation nila Kaye kesa kina Basti.

Si Farrah ang Valedictorian sa batch namin at si Angelo ang Salutatorian. Kaitlyn was very depressed about it.

Dalawang point lang daw ang lamang ni Angelo sakanya. Nandito kami ngayon sa Half Moon field. Naglalabas siya ng loob niya at nakikinig lamang kami sakanya.

Nakahiga kaming apat sa field at nakatingin sa ulap. Si Charlie naman ay nakaupo lamang.

"Nakakainis talaga! Sure na ba yon? Di na ba talaga mababawi yon?" Tanong ni Kaitlyn.

"Alam mo may kasalanan ka din naman." Sabi ni Charlie.

"Masyado ka kasing kampante. Ilang araw na kitang nakikita na babad na babad talaga sa cellphone mo." Sabi ni Farrah.

"Kaka kano mo yan sis." Sabi ni Stella.

Sinabunutan naman ni Kaitlyn ang sarili niya ng sinabi iyon ni Stella.

"San kayo mag kokolehiyo?" Pag-iiba ni Kaitlyn sa usapan.

Agad naman akong napaisip sa sinabi ni Kaitlyn.

"Dito pa din siguro. Kayo?" Tanong ko sakanila.

"Dito pa din." Sabay na sagot ni Charlie,Stella at Farrah.

"Then I'll be the one that will be apart?" Tumawa si Kaitlyn.

"San ka?" Tanong ni Charlie.

"Doctors." She smirked.

"Hindi mababasehan ang pagkakaibigan natin dahil lang magkalayo tayo." Sabi ko kay Kaitlyn.

"Saan ba si Basti?" Tanong ni Farrah.

"San Agustin dalawa sila ni Draven." Sabi ko.

"Oxor and Aiden will be here also." Sabi ni Stella.

"What about Ryker?" Tanong ni Charlie.

"St.Pauls daw." Sabi ni Stella.

"We will be apart huh?" Sabi ni Kaitlyn.

"I'm afraid that we might forget what friendship we have. This is a serious step to our dreams." Emosyonal na sabi ni Kaitlyn.

Narinig ko na kanya-kanya kami ng buntong hininga sa sinabi ni Kaitlyn.

"Sana kapag naabot natin ang pangarap nating lahat ay nandyan pa din tayo sa para isa't-isa. Walang kulang at walang nawala." Dugtong ni Kaitlyn.

"Ang drama mo naman." Sabi ni Farrah. Bumangon si Kaitlyn at nagbunot ng damo. Hinampas niya ito sa mukha ni Farrah at napabangon na din si Farrah na natatawa.

Binalik din ni Farrah ang ginawa ni Kaitlyn kaya ang kinalabasan ay pati kaming dalawa ni Stella ay nadadamay. Kaya napabangon na din kami.

"Tama na nga yan," natatawa kong pigil sa kanilang dalawa.

Marami na kasing tumitingin sa amin at akala nila ay nag-aaway talaga silang dalawa.

Kaya napatigil naman silang dalawa.

"Ba't hindi kaya pagkatapos ng graduation ay mag summer vacation tayo? Tayo lang ulit." Sabi ni Stella na parang magandang ideya yon sakanya.

"Hindi ako pwede ng April darating si mama." Sabi ko sa kanila.

"Uuwi pala si tita? Kelan siya babalik?" Tanong ni Stella.

"Di pa nga nakakauwi tinatanong mo agad kung kelan siya babalik." Sabi ni Farrah.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon