23

58 5 0
                                    

"San kayo ni Basti ngayon?" Tanong ni Kaitlyn sa akin habang tumatambay kami ngayon dito sa Half Moon.

"Hindi ko alam he just texted me that he'll gonna pick me up," sagot ko sa tanong ni Kaitlyn.

Tumango siya sa sinabi ko at binalik niya ang kanyang tingin sa kanyang cellphone.

"Kamusta kayo?" Tanong ni Farrah.

"I've never love this way before and I've never felt this kind of love. Sakanya ko lang naranasan to." Tumingin ako kay Farrah at nakita kong ngumiti siya habang ang kanyang tingin ay nasa football field.

Nakita kong sumulyap si Kaitlyn sa akin pero binalik niya din ulit ang kanyang tingin sa kanyang cellphone.

"I'm happy for you, that finally. Hindi na kami mag-aalala na baka masaktan ka. Dahil alam namin na nasa tamang tao ka." Tumingin si Farrah sakin at ngumiti.

"Please be reminded that no matter what happen we're just here to the both of you." Binalik ni Farrah ang tingin niya sa football field.

Dumating naman si Stella at Charlie, maraming bitbit na bulaklak si Charlie at ganoon din si Stella. Valentine's day kasi ngayon. Meron din namang nagbigay sakin at tinanggap ko naman yon.

Nagpaalam naman ako kay Basti at sinabi niya sa akin na wala namang daw problema kapag tinggap ko ito. Hindi naman daw ako maagaw ng iba. I love how he trusted me.

Simula ng maging kami ni Basti ay mas lalo ko siyang nakilala. Hindi siya yung tipong tao na babawalan ka sa lahat, dahil hahayaan ka niyang gawin ang gusto mo. Pero wag ka lang gagawa ng bagay na ikakasira ng relasyon niyo.

Nasanay kasi ako na kapag gumagawa ako ng isang desisyon ay kailangan ko pang humingi ng pahintulot.

Si Basti yung taong hindi ka pagbabawalan kung hindi susuportahan ka pa.

Naalala ko pa nung isang araw ay sinamahan niya kong bumili ng grocery para sa bahay. Nung nasa mall na kami ay nadaanan namin ang H&M kaya sabi ko sakanya ay kung okay lang ba na pumasok muna kami saglit.

"Ba't ka pa nagtatanong sakin? Next time don't ask me just do whatever you want." He pinched my cheeks after saying it.

Nakapasok na kami doon at tumingin-tingin ako sa mga damit. Nakita kong nakatingin din siya sa mga damit pero sa pambababae kaya hindi ko na siya pinansin.

May nagustuhan akong damit pero hindi ko alam kung magugustuhan ba iyon ni Basti o hindi. Kaya kumuha ako ng isa pang damit na hindi masyadong bulgar kahit hindi ko iyon masyadong gusto.

"Asher," tawag ko sakanya kaya napaharap naman siya sa akin.

"Which one?" Tinaas ko ang dalawang damit na nasa kamay ko at nakita kong ngumiwi siya.

"That one is like," turo niya sa damit na hindi ko masyadong gusto.

"You're hiding what you grind on if you wear that." Ngumiwi siya.

Tinuro niya ang damit na una kong kinuha. "That one baby, show to them what you got." He smiled at me.

"Thank you." I said it  softly.

Ngumiti siya sa akin at may kinuha siyang damit at pinakita iyon sa akin. It was a short sleeveless and fitted dress, sobrang ganda non.

"This one will suit you too, do you like it?" Tanong niya sa akin.

Ngumiti ako sa sinabi niya at tumango. Yun lang sana ang bibilhin ko kaya binalik ko ang damit na una kong kinuha. Nakita kong kumunot ang noo niya.

"What are you doing Yesha?" Seryoso niyang sabi.

I smiled apologetically to him. "Yan nalang yung bibilhin ko." Tinuro ko yung damit na napili niya.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon