26

72 5 1
                                    

July, Tomorrow is my birthday. Lahat kami ay nag-aadjust pa din para unang taon namin ngayon sa kolehiyo.

Wala pa ding nagbago sa samahan namin. Mas lalong tumibay pa kami. Kami ni Asher? Magkalayo man ang paaralan namin pero hindi kami nauubusan ng oras sa isa't-isa.

Minsan nasa bahay siya at minsan naman ay nasa bahay ako nila. We try to help to each other kahit magkaiba ang course namin.

Meron din akong mga bagong kaibigan dahil hindi ko na kaklase sina Charlie at Stella.

Nandito ako ngayon sa Half Moon naghihintay sakanila dahil halos magkakaparehas lang kami ng oras sa vacant.

Nakatingin lang ako sa cellphone ko habang nag-aantay sakanila. While I was scrolling on my social media accounts. Naramdaman ko na may umupo sa gilid ko. Kaya binaling ko ang tingin ko doon.

At nakita ko si Angelo. He smiled at me. "Advance happy birthday, Yesh." Sabi niya.

Ngumiti ako sakanya. "Thank you." At tumango ako.

Binaling niya ang tingin niya sa harap. "It's been what? One year and five months?" He smirked.

Nagulat ako ng marealize ko ang kung ano ang ibig sabihin niya, nakita niya siguro ang reaksyon ko kaya napatawa siya.

"I'm just happy to the both of us, nahanap natin ang pag-ibig na sigurado para sa atin pero hindi natin yon nahanap sa isa't-isa kundi sa ibang tao." He smiled. Mas lalong lumapad ang ngiti niya ng may makita siya.

At ng binaling ko ang tingin ko kung saan siya ay nakita kong naglalakad si Hashna papalapit sa amin at nakangiti. Kumaway pa siya sa akin ng makita niyang tumingin ako sakanya. I smiled at her.

"I really love that girl." Sabi ni Angelo at parang may humaplos na ligaya sa puso ko ng marinig ko iyon sakanya.

Nakalapit na si Hashna sa gawi namin ay ngumiti ako sakanya at lumapad ang ngiti niya. "Hi Yesha!" Magiliw na sabi ni Hashna sa akin.

"Hi Hash." I smiled at her.

"Happy birthday nga pala," sabi niya.

"Thank you." Sabi ko sakanya.

Naramdaman kong tumayo si Angelo sa gilid ko. "Let's go?" Tanong niya kay Hashna.

"Aalis na tayo? Kakadating ko lang." Ngumuso si Hashna at tumawa naman si Angelo ng makita niya iyon.

Inakbayan naman ni Angelo si Hashna at bumaling siya sa akin, "Mauna na kami Yesh." Sabi niya.

I smiled at the two of them they look cute together. I nooded to them. Ayaw pa sanang umalis ni Hashna pero kinaladkad na siya ni Angelo. Kaya napatawa na din ako sakanilang dalawa.

Habang nakatingin ako sakanila sa malayo ay naramdaman ko ang presensiya ng isa sa mga kaibigan ko. Umupo siya sa gilid ko.

"Look how you grow apart." Panimula ni Farrah.

"Paano kaya kung hindi ka bumitaw? Sasaya kaya kayo katulad ng saya na meron kayo ngayon?" Dugtong ni Farrah.

"Kung meron man akong natutunan sa relasyon niyo ni Angelo yun ay ang magpalaya dahil darating ang kasiyahan at pag-ibig sa oras na hindi mo inaasahan." Bumaling ako kay Farrah at ngumiti siya sa akin.

Madami pa kaming pinag-usapan hanggang sa dumating na din ang iba pa naming kaibigan. Yung ibang kaibigan ko ay reklamo ng reklamo dahil daw mahirap ang course na kinuha nila.

Pero alam ko na sa likod ng mga reklamo na yon ay pursigido sila sa mga pangarap nila.

Day after, today is my birthday. I grabbed my phone when I woke up. Nakatanggap ako ng bati sa mga kaibigan ko. Yung mga pictures ko na hindi kaaya-aya ay nandoon na sa mga stories nila.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon