31

56 8 2
                                    

"I'm sorry Amarah, but I love someone else..." Sabi ko kay Amarah.

I cannot say that she's my first love but she's my first girlfriend.

"Ako ba hindi mo mahal?!" Sumisigaw niyang sabi.

Nandito kami ngayon sa canteen. Nakita kong napatingin ang mga tao sa gawi namin ng marinig nila na sumigaw si Amarah.

Hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya pero agad naman niyang itinakwil yon.

"Sino yan Bas?! Sino ba siya? Kilala ko ba?! Nilandi ka ba niya?!" Galit na sabi ni Amarah.

Yumuko nalang ako habang sinisigawan niya ako, "I'm sorry."

Pagkatapos kong sabihin yon ay nakatanggap ako ng sampal. "Sorry nalang ba dahil hindi mo ako mahal?"

Tinikom ko ang bibig ko. Masakit ang pagkakasampal niya sa akin pero nararapat naman iyon para sa akin.

Pumasok ako sa isang relasyon para lamang masigurado ko kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para sa isang babae na hindi naman mapapa sa akin.

Hindi ko alam kung bakit kahit pili ko siyang winawala sa sistema ko ay patuloy ko pa din siyang naiisip.

I was in Grade four that time when I first saw her. Esm student ako at star section student siya. Palagi akong pumupunta sa classroom nila para makita siya.

"Oh?! Nandito ka nanaman?!" Sigaw sa akin ng batang Yesha.

Ngumiti lang ako sakanya at inirapan niya ko.

"Di tayo close," sabi niya.

"Edi maging close tayo.." Mahinang sabi ko.

Nakita kong sumimangot siya sa sinabi ko. "Ayaw kong awayin din nila ako. At ayokong makipagkaibigan sa mataba!" Sigaw niya sa akin.

Bigla akong nanlumo sa sinabi niya, "Pag ba papayat ako magiging kaibigan na kita?" Tanong ko sakanya.

"Depende." Pumasok na siya sa loob ng classroom nila dahil na din tinawag siya ng mga kaibigan niya na ayaw sa akin.

Hindi ko din alam kung bakit galit sila sa akin siguro dahil ESM ako.

Simula noon ay palagi akong sumusulyap sa classroom nila pero sinusungitan niya din ako.

Nung umuwi ako sa bahay ay pumunta ako sa kwarto nina mommy at daddy.

"My, how be slim po?" Tanong ko kay mommy. Nakita kong nagkatinginan sila ni daddy sa sinabi ko at tumawa silang dalawa.

"Why baby?" Tanong ni mommy sa akin.

"My natitipuhan na ba ang anak ko?" Tanong ni dad sa akin.

I pouted my lips.

Naramdaman kong ginulo ni dad ang buhok ko.

"My baby is getting older na." Niyakap ako ni mommy.

"Hindi mo kailangan magpapayat anak, gwapo ka naman anak at papayat kapa paglaki mo." Sabi ni mommy.

"Talaga po?" Di ko makapaniwalang sabi.

Tumango naman si daddy sa sinabi ko, "Kaya crush lang muna. Wag mo munang liligawin kapag crush mo pa lang siya. Ligawan mo kapag mahal mo na." Natatawang sabi ni daddy.

"Eh dad? How would I know that I already love her? What's the difference of love and crush?" Tanong ko.

Umismid si daddy at tumingin sa akin, "The difference of having a crush is just having a temporary attraction. It will fade Ash, while love? The attraction is permanent it will never fade." Paliwanag ni daddy.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon