36

59 7 0
                                    

"We didn't know that you've been on a situation like that Yesh," naluluhang sabi ni Farrah.

Kinwento ko ang lahat sakanila lahat ng rason ko kung bakit ko nagawa yon.

"Sarili lang namin ang naiisip namin noong mga panahon na yon, at hindi man lang ako nakiramdam na may problema kana palang hinaharap." Malungkot na sabi ni Kaitlyn.

"That was already four years ago, kasalanan ko naman kung bakit nagkaganoon." Ngumiti ako sakanila pagkatapos kong sabihin yon.

"Sinabi ko lang kasi hanggang ngayon bitbit ko pa ang guilt na ginawa ko." Bumuntong hininga ako pagkatapos kong sabihin yon.

"We're sorry..." Mahinang sabi ni Kaitlyn.

"Lahat tayo may mali. Ang importante ay may natutunan na tayo." Singit naman ni Oxor.

Napatingin ako kay Oxor, "Did they know that we met last three years ago?" Tanong ko sakanya.

He smiled awkwardly, at napakamot siya ng ulo niya. Natawa ako nung napatingin lahat ng kaibigan namin sakanya.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko siya.

"Wag kayong magalit sakanya, yon ang pinabor ko sakanya." Singit ko.

Kinwento ko sakanila kung paano kami nagkita at ano ang mga nangyari sa akin sa New Zealand sa apat na taon.

What struggles did I face and how did I stand up with my own. Pati na din ang mga kalasingan ko doon pagkatapos ng trabaho.

Habang kinekwento ko iyon sakanila ay nakangiti lamang sila sa akin.

"I'm so proud of you," sabi ni Farrah pagkatapos niyang sabihin yon ay nakita kong lumuha siya habang ngumingiti.

Tiningnan ko sila isa-isa. "Proud din naman ako sainyong lahat." Ngumiti ako pagkatapos kong sabihin yon.

"Next goal? Let's have our own family!" Sigaw ni Kaitlyn at tumayo bitbit ang isang bote ng alak.

"Have a family? Nagka clinic kana wala ka pang nagiging jowa!" Tawang sabi ni Ryker.

"Speaking of family.." Tumingin ako kay Farrah at bumaling naman siya sa akin. "Nagka pamilya na pala ang kuya mo Far?" Tanong ko sakanya.

Nakita kong natigilan ang mga kaibigan ko sa sinabi ko at nagkatinginan sila. Ngumiti lamang si Farrah sa akin at nag-simula siyang magkwento.

Nagulat ako sa kinwento niya at naghahalo-halo ang emosyon ko dahil sa sobrang saya.

Madami palang nangyari simula nung umalis ako.

"Alam mo ba ng umalis ka kahapon kasama si Tanner ay lahat kami ay sumalo ng galit ni Bastion?" Sabi ni Ryker sa akin.

Nanuot ang noo ka sinabi niya. "Paano mo nakilala si Tanner?" Tanong ko sakanya.

Natawa si Oxor, "Tanner was Aiden's cousin's bestfriend. At naging malapit din sila." Sabi ni Oxor.

"Yung cousin ni Aiden ang pinunta ko doon sa New Zealand nung nagkita tayo." Dugtong naman ni Oxor sa sinabi niya.

Nagulat ako sa rebelasyon na sinabi nila sa akin. "Kayo paano kayo nagkakilala?" Tanong ni Charlie sa akin.

Tiningnan ko sila isa-isa at ngumiti ako sakanila. Sinimulan kong ikwento sakanila kung paano ko nakilala si Tanner at ang mga sumunod naming pagkikita.

Lahat sila ay nagulat sa ikinwento ko. "Pero alam ko namang may kasalanan ako." Pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Kaya simula noon hindi na ako nagpapakalasing kapag lumalabas kami." Dugtong ko sa sinabi ko.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon