17

70 4 0
                                    



December 23, araw na aalis kami papuntang Guimaras para doon i celebrate ang pasko namin. Maaga kaming nagising ng mga kapatid ko kahit sa tanghali pa kami aalis. Kagabi kasi inayos na namin yung mga damit na dadalhin namin pero pina double check ko ulit sa kanila para hindi sila makukulangan sa damit. 



Dalawang van ang gagamitin at dadalhin namin patungo doon. Gusto sana namin na mag sumakay na lang sa pumpboat papunta doon pero may dala kaming sasakyan. Kaya kailangan naming sumakay ng barko. May susundo sa amin dito mamaya para sabay-sabay na lang kaming pumunta doon.


Lahat kami ay excited para sa outing na ito. Kaya halos lahat ng pinag-usapan namin kagabi ay tungkol sa mga gagawin namin. Hindi ko nga alam kung natulog ba sila dahil sa sobrang excited nila.


Pagkatapos ng mga kapatid kong tingnan kung kompleto na ba ang gamit nila ay inutusan ko na silang mag-ayos na. Ako naman ay gumawa ng mga pagkain na pwede naming kainin habang nasa byahe kami, dahil pagkatapos naming sumakay ng barko ay medyo pa ang byahe namin papuntang Alubijod. 



Habang naghahanda ako ng pagkain para mamaya ay tumunog ang cellphone ko.


Asher:

Good morning gorgeous, eat your breakfast na. :)

8:47 AM


Napangiti naman ako ng mabasa ko iyon. Simula ng umuwi si Basti galing sa New Zealand ay nahahalata ko din na unti-unti siyang gumagalaw sa akin. Simpleng bagay lang ang ginagawa niya pero nakikita ko iyon. Agad naman akong nagtipa ng reply ko para sakanya.


Yesha

Good morning, mamaya na ako kakain. I'll see you later :)

8:49 AM

Nagulat na lang ako ng may kumurot sa tagiliran ko at nakita kong si Kaye iyon na may panunuyang tingin sa akin.


"Ganda ng ngiti ng ate ko ngayong umaga ah?" Pang-aasar niya sa akin. Kakatapos niya lang maligo, nakapag damit na siya pero nakabalot pa din ang kanyang buhok ng towel. Kumuha siya ng sandwhich na ginagawa ko at kumagat doon habang nakatingin sa akin na nakangiti.


"Si kuya Basti ba ang rason? Kaya tinanong mo pala siya sa akin nong isang araw, dahil may namamagitan na sa inyo." My sister pursed her lips.


"Alam mo ang pasmado ng bibig mo, walang namamagitan sa amin." Pagklaklaro ko.


"Wala o wala pa?" Pang-aasar niya sa akin umiling nalang ako at hindi ko siya pinansin. 


Matapos mag-ayos ng mga kapatid ko ay ako na ang huling nag-ayos. Pinalinis ko sa kanila ang mga gamit na kumakalat at pinalinis ko na din ang bahay para malinis naman sa pag-alis namin at magpapahinga na lang pagdating namin.


 I just wore High-Waisted Shorts and Button down polo shirt plain white with black plain flipflops. I put a sunscreen before applying my light make up. Saktong patapos na ako ng tumunog ang cellphone ko ng tiningnan ko iyon ay nakita ko na tumatawag sa akin si Stella sinagot ko naman kaagad yon. 


[Hello,] panimula ni Stella sa kabilang linya halata sa kanyang boses na sobrang excited niya.


"Oh?" Walang gana kong sagot, iniipit ko ngayon ang cellphone ko sa balikat ko dahil inaayos ko ang bag ko.


[Tapos na kayo? Papunta na kami, papasok na kami.]


"Oo, sige baba na ako. Patayin mo na." 


City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon