7

101 7 0
                                    




Hindi ko na sinundan ng tingin si Angelo at Jane ng makababa sila sa sasakyan.

Wala man lang akong nararamdaman na sakit ng makita ko sila.

Siguro sinasabi ni lord kunin niya muna yung nararamdaman ko ngayon at hayaan ang sarili kong magsaya.

Naramdaman ko na bumukas ang back seat at pumasok si Stella doon habang nakita ko naman na umikot si Basti papunta sa driver's seat.

Ngumiti nalang ako sakanya simula ng makapasok siya seryoso siyang tumango sa akin at nagsimulang paandarin ang sasakyan.

"I saw Angelo." pagbabasag ni Stella sa katahimikan.

"Sinong kasama niya?" pinaandar ko ang radyo ng sasakyan.

"Eleanor." pag aalinlangan niyang sagot.

"Baka mag didinner lang sila. Wala namang malisya sa pagkakaibigan." seryoso kong sabi.

"Tanga ka nga." mahinang sabi ni Stella at hindi ko na yun pinansin.

Kahit na ilang beses na akong sinaktan ni Angelo at lokohin ayaw ko pa rin na sinisira siya sa ibang tao kaya kung pwede ko naman siyang pagtakpan ay pagtatakpan ko siya.

Umismid si Basti ay napatingin ako sakanya.

"Ganoon talaga pag nagmamahal lala tumatanga ka." sambit naman ni Basti.

Stella just rolled her eyes. "Iba talaga pag nanggaling sa mas tanga." napatingin siya sa bintana.

"Pag ako nagmahal hindi ko hahayaang maging tanga ang sarili ko." seryosong sabi ni Stella.

Nagkibit balikat naman si Basti habang nagmamaneho.

Kung meron mang taong hindi nagiging tanga sa pag-ibig yun yung mga taong hindi nagmamahal ng totoo.

Minsan nasasabi natin na hindi tayo magiging tanga katulad ng ibang tao pero hindi natin namamalayan na nagiging isa na tayo sa kanila.

Nakarating kami sa parking lot ng City time square nasa likod lang kasi ng isang mall ang The Cave.

Bumaba kami at nagpaalam na si Basti na mauuna na siyang pumasok dahil hinihintay na siya ng kanyang mga kaibigan.

Kaming dalawa naman ni Stella ay tumungo muna sa Yakimix kung saan kumakain sila Charlie.

Kumaway si Charlie sa amin ng makita niya kami tapos na silang kumain at hinihintay nalang kaming dalawa ni Stella.

Humalik ako sa kanilang tatlo habang ganoon din ang ginawa ni Stella.

"How was it?" Tanong ni Kaitlyn kay Stella.

"Tumiklop." hagikgik ni Stella ay nakitang kong siniko siya ni Kaitlyn ng bumaling ang mata ko sa kanila.

"Binook ko na kanina thru facebook yung vip table" Napatingin si Charlie sa kanyang relo.

"It's 9:47 PM. The night is still young pasok na ba tayo?" Tanong ni Charlie.

"Kelan kapa papasok pag tumanda na ang gabi?" pabalang na sabi ni Kaitlyn.

Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Kaitlyn at naisipan na naming tumungo sa Cave ng makapasok kami ay konti palang ang sumasayaw sa dancefloor.

Pumunta kami sa table na binook ni Charlie we put our phones on the table. Yun ang rules naming lahat na walang gagamit ng gadgets kapag lalabas kami.

We are here to enjoy and think for ourselves for just a hour.

May kinuhang Jack Daniel's si Kaitlyn sa bouncer at sinayaw niya ito habang pinapakita niya sa amin.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon