41

67 5 0
                                    

Bigla akong hinila ni Basti papalayo kay Tanner at nilagay sa likod niya.

"What are you doing?" Tanong ni Basti kay Tanner.

Nakita kong tinikom lamang ni Tanner ang kanyang bibig habang nakatingin kay Basti ng bumaling siya sa akin ay mahina siyang tumango at ngumiti.

"Sasamahan ko lang naman si Yesha sa paghahanap sayo." Seryosong sabi ni Tanner.

Naramdaman kong napahigpit ang pagkakahawak ni Basti sa pulso ko ng sinabi iyon ni Tanner.

"You don't need to." Maikling sabi ni Basti.

Bumaling si Basti sa akin at seryoso akong tinitigan. "Bas-"

"Let's go Yesh." Naputol ang sinabi ko ng magsalita siya at hindi pa ako nakakapagsalita ay dahan-dahan niya akong hinila papalayo kay Tanner.

"Bas, galit ka ba?" Tanong ko sakanya ng makalayo kami kay Tanner.

Baka kasi akalain niya nagkahalikan kami ni Tanner dahil natatabunan ako ni Tanner sa gawi niya.

Bumuntong hininga si Basti at hinarap ako. "I'm not, Yesh." Sabi niya at ngumiwi siya.

Tumango na lang ako at nagpatuloy si Basti sa paghihila sa akin papunta sa sasakyan niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako doon. Umikot siya papunta sa driver's seat ng makaupo siya ay hinawakan niya lang ang steering wheel habang nakatingin sa harap.

Pinaandar niya ang sasakyan ng hindi man lang kami nag-iimikang dalawa. There's something about our atmosphere.

Kinakabahan ako na parang hindi ko alam kung bakit. Buong biyahe ay iniisip ko nalang kung paano ko sisimulang kausapin si Basti.

He looks very serious while driving, kaya mas lalo akong kinakabahan. Kilala ko si Basti. Hindi siya nagpapadalos-dalos sa mga nakikita niya at hindi siya madaling magselos.

Pero ba't iba ang kaba na nararamdaman ko? Ba't parang nararamdaman ko na may mangyayaring hindi maganda?

When we arrived at the hotel, pinagbuksan ako ni Basti ng pinto ng hindi pa din siya umiimik sa akin.

Wala pa ang sasakyan nina Aiden, baka nauna kami dito sa reception. Bago pa ako makapagsalita kay Basti ay nagsalita na siya.

"I'll just get something to our room." Sabi niya.

"Can I come with you?" Tanong ko sakanya.

Tumingin siya sa akin na nakakunot ang kanyang noo, "You're really coming with me."

Ngumiti ako sakanya pero hindi niya man lang iyon binalik sa akin. Nauna akong naglakad papunta sa kwarto namin habang nakasunod siya sa akin.

Habang nasa elevator kami dahil kaming dalawa lang ni Basti ang nakasakay dito ay narinig kong mahinang natawa si Basti sa likuran ko, kaya bumaling ako sakanya.

"Did you think that I am angry?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako.

"I'm mad Yesh.."

"When I saw you two." Mahinang sabi niya.

"I thought you're kissing to each other..." Dugtong niya pa.

"Bas, It's not what you-"

"Yeah baby.. I know... I was relieved when I saw your lipstick didn't smudge." Ngumiti siya pagkatapos niyang sabihin yon.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko papalapit sakanya. He puts his mouth to my neck and kissed it.

Nanindig ang balahibo ko sa ginawa ni Basti sa akin. "Bas? Anong ginawa niyo ni Lara?" Tanong ko sakanya.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon