35

52 6 0
                                    

I was on my way to the place where I'll fit my gown for Aiden's wedding.

Noong araw na nakita ko si Basti at Stella I decided to leave. Hindi na ako tumuloy kahit na pagkarating ko sa Medicus ay inaway ako ni Angelo dahil kailangan niya daw ng kape.

"Damot mo naman girl! Kape lang eh!" Panunuya niyang sabi.

Hindi ko sinabi sakanila na nakita ko si Basti at Stella dahil nga ayokong maapektuhan sila sa oras ng trabaho nila. Kaya nanahimik nalang ako.

When I arrived there, merong isang lalaki doon. Masiyado siguro akong naging maaga sa pagpunta. Dahil wala pa sila.

Kaya pumasok na ako. I was wearing a light blue ruched drawstring bodycon dress paired with my white branded sneakers.

My hair was in a low bun and I'm also wearing a sunglasses. I was wearing a light make up dahil uuwi naman ako pagkatapos ko dito.

When I entered the shop. Maingay ang lalaking nandoon at kinakausap niya ang staff. Meron namang agad na lumapit sa akin at inassist ako.

"I'm one of the bridesmaids for Aiden's wedding." Sabi ko sa babae at agad naman niya akong pinapunta malapit sa lalaki.

Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin. Sinimulan na ng babae na sukatin ang braso ko.

"I don't know who is she!" Malakas na sabi ng lalaki. Ayaw ko sanang pakinggan kung ano ang pinag-uusapan nila pero masyado malakas ang boses niya.

"What's her name? Try mo i search baka maganda!" Sabi ng isang staff na nagsusukat sakanya.

"I tried! Pero walang lumabas!" Inis niyang sabi. "Maybe she's ugly, kaya wala siyang social media accounts." He laughed after saying that.

His voice was very familiar.

"If that fireman didn't show me a picture of her, I'll go back home." Natatawa niyang sabi.

"Yesha Hyzrha, what name is that!? So weird! Maybe her parents likes letter H so much!"

Kaya agad akong napabaling sakanya, kaya pala pamilyar ang boses ng mukong. Dahil si Tanner pala to.

Ba't ba nandito to? Nandito ba to para buwisitin ako?

Inalis ko ang shades ko at nilagay ko yon sa ulo ko. "Excuse me!?" Tanong ko sakanya kaya agad naman siyang napabaling sa akin.

"Dadaan ka?" Tanong niya sa akin at ngumiti sa akin ng makita niya ako.

"Nagkita nanaman ulit tayo," tumawa siya pagkatapos niyang sabihin yon. "Baka tayo talaga para sa isa't-isa." Dugtong niya sa sinabi niya.

Narinig ko na napatawa ang staff sa sinabi niya. Kaya tiningnan ko sila at tumigil sila sa pagtawa. Binaling ko ulit ang tingin ko sakanya.

"Lakas ng apog mo no?" Naiirita kong sabi sakanya. At ang nakakainsulto pa doon ay tumawa siya.

"I'm Tanner, will you be my girlfriend?" Ngumiti siya sa akin ng malapad.

"Sabog ka ba?" Naiinis na talaga ako sa mukha na pinapakita niya. Dahil nakatingin lamang siya habang nakangiti.

Humagikgik ang isang staff doon sa sinabi ko pero umismid nalang siya, "Sir Tanner you're already done." Sabi sakanya.

Nagpasalamat si Tanner at tumango na lang. Binalik niya ang tingin niya sa akin. Binalik ko na lang ang tingin ko sa ibang direksyon. Kahit na alam kong nakatitig siya sa akin.

"Maam what's your name po?" Tanong ng babaeng nagsusukat sa akin.

Tumingin ako kay Tanner na naghihintay din ng sagot, nakaupo siya ngayon habang tumitingin sa akin. I smirked at him.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon