6

113 7 0
                                    






Hinatid ako ni Stella sa bahay at umuwi siya para mag ayos para sa night out namin mamaya.


Susunduin niya ako dito sa bahay pagkatapos niya. Hindi malayo ang bahay ni Stella sa akin nasa kabilang subdivision lang siya nakatira.


Pagkabukas ko ng gate ay nakita ko ang motor ng aking kapatid agad ko namang tiningnan ang oras sa aking cellphone.


5:56 PM


Lumabas si Magnus at sinalubong ako.


"Ate napaaga ka ah?" bungad niya sa akin.


"Hindi pa nakasaing si Evah." nagkamot siya ng ulo niya.


"It's okay. Lalabas kami nila Stella mamaya. Make sure to lock the doors before you sleep." diretso kong pasok sa bahay.


"Hi ate!" tumakbo si Evah sa akin at humalik sa pisngi ko.


Parang hindi grade 8 ang kapatid ko kapag nakikita niya ko.


"Naligo kana ba ulit, Evah?" I asked her at naamoy ko siya.


"Ginamit mo naman ba ulit ang shower gel ko?" tinaasan ko siya ng kilay at pinitik ang kanyang ilong.


Tumawa nalang siya at bumalik sa dining para gawin ang kanyang mga assignment.


Pumunta muna ako ng kusina para uminom ng tubig.


"Where's Kaye?" pagtatanong ko sa kanilang dalawa.


"Upstairs creating some drama." tamad na sabi ni Magnus.


"Alright. Magnus yung bilin ko wag mong kakalimutan." tumango nalang siya at umakyat na ako.


Bago ako pumunta ng kwarto ay kumatok muna ako sa kwarto ni Kaye ng pinagbuksan niya ko ay nagulat ako sa mukha niya.


"What happened?" pag-aalala kong sabi.


Gulong-gulo ang buhok niya at hula ko hindi pa naliligo ulit kasi meron pa siyang kilay at mascara.


"Hindi ako pumasa sa long test namin ate." napanguso siya at medyo naiiyak.


Hindi ko naman siya masisisi kung nasasaktan siya dahil hindi siya pumasa.


Alam kong goal niya talaga na pataasin ang kanyang mga marka.


Hindi naman kami pini pressure ni mama sa grado namin pero sinasabi niyang wag lang naming pabayaan.


"Chill. Long test palang naman. Wag kang malungkot okay?" Hindi ko alam kung gumaan ba ang pakiramdam niya sa sinabi ko.


"I'll go out tonight. Make sure to lock the doors before you sleep. Review mo kung tama yung mga sagot ni Evah at Magnus sa assignments nila also ask them what they learn about their lesson. Unplug niyo yung mga wires sa baba bago kayo matulog." paalala ko sakanya


Marami akong bilin sakanya dahil siya ang ikalawang nakakatanda sa aming magkakapatid. Kapag wala ako ay siya ang papalit sa akin.


She just rolled her eyes on me.


"Yeah, hindi mo naman kailangan e remind sakin yun ate." pasungit niyang sabi.


Kinurot ko ang pisngi niya "Naninigurado lang." tinalikuran ko siya at pumunta ako sa aking kwarto.


Pagbukas ko ng aking kwarto ay sinalampak ko agad ang aking bag sa sahig at kinuha ang aking towel.


Agad ko ring kinuha ang aking cellphone at humiga sa aking kama na may towel sa aking balikat.


City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon