44

69 7 5
                                    

After how many months I came back in New Zealand, but this time I came back because I had a big problem to my firm.

This is the very scariest problem that I've ever had. Our firm will face so many penalties. Naging puntirya ang firm namin ng mga hackers dahil marami kaming bagong mga kliyente.

Natulog lamang ako sa buong biyahe ko sa eroplano dahil alam kong pagkalapag ng eroplanong sinasakyan ko ay haharapin ko ang problema sa firm.

When my plane landed in New Zealand, I suddenly felt sad. Hinawakan ko ang tiyan ko habang nakatingin sa tanawin ng New Zealand.

"Baby.. I'm sorry that we have to leave your daddy alone. Pero pangako babalikan natin siya pagkatapos ng lahat ng ito." Mahinang sabi ko sa anak namin ni Basti sa sinapupunan ko.

Naghanap ako ng taxi at sumakay ako doon para umuwi muna ako sa bahay dahil yung damit na hanggang ngayon na suot ko ay mula pa sa dinner namin kasama ang pamilya ni Basti.

Pagkarating ko ng bahay ay wala pang tao doon. Kaya dali-dali lamang akong naligo at nagbihis. Hindi man lang ako nakakain kahit kaonti lang dahil sa pagmamadali na ginawa ko.

Hinanap ko ang susi ng sasakyan ko at lumabas na ako para tumungo sa firm. Pagkarating ko doon sa firm ay maraming sasakyan na nakaparada sa labas.

Napatulala ako ng sandali at bumuntong hininga ako bago lumabas ng sasakyan. I'm wearing a simple mustard polo paired with jeans and pointed heels.

Pagkapasok ko pa lang ay parang aatras na ako dahil sa sobrang daming tao na nandoon at may mga pulis. Dali-dali akong naglakad papunta sa opisina ko at nakita ko ang nagkakagulo kong empleyado sa hallway at kinakausap ang mga kliyente namin.

When I entered my office nandoon si Devi may tumatawag sakanya habang ang kamay niya naman ay sumusulat.

"Dev." Tawag ko sakanya at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.

"I'll call you back sir." Sabi niya at binaba niya ang tawag. Naglakad siya papalapit sa akin at kitang-kita ko sa mukha niya ang stress.

"What happened?" Tanong ko sakanya habang naglalakad ako sa mesa ko.

"I'm sorry Yesh, I didn't do my best." Nangingiyak niyang sabi.

"It's okay Dev, it's normal." Sabi ko sakanya. Kahit na sabihin kong normal iyon ay alam kong malaki ang problema na hinaharap namin.

Umupo na ako sa swivel chair ko at pinaandar ko ang laptop ko.

"Last week the data of our clients started to lost.." Paliwanag ni Devi.

"I thought we just misplaced the data.. But last two days ago there are so many data that had been lost."

Tumango lamang ako sa paliwanag ni Devi. "Most of our clients understands it. But there are some that will file a case against us."

"Yesh.." Tawag ni Devi sa akin, napabaling ako sakanya.

"The hackers are also asking for ransom.."

"If we refuses to pay the ransom, the hackers will delete the data or expose the confidential data to others." Dugtong niya sa sinabi niya.

Napasandal ako sa swivel chair ko sa sinabi ni Devi. "How much money they asked?" Tanong ko.

"100,000 dollars each data." Garagal na boses na sabi ni Devi.

"Ilang data ba ang ninakaw nila?" Dugtong na tanong ko.

"87, Yesh."

"Saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera?!" Napatayo na ako dahil sa gulat ko pati si Devi ay nagulat sa sigaw ko.

City of Love Series #1: Sweet CatastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon