Chapter 2. New life

3.5K 91 4
                                    


Chapter 2. New life

Claudette's Pov

Napabalikwas ako mula sa kinahihigaan at habol ang hiningang umupo sa kama. Napahawak ako sa mukha at kinapa-kapa ito. I'm sweating that's why I wiped it with my bare hands. I sighed. Nanaginip na naman ako at tungkol na naman iyon doon sa batang hinampas ng kahoy. I don't know what to do this time because it's hunting me over and over again. Palagi na lang.

Iniikot ko ang paningin sa buong paligid. Nasa isang kwarto ako ng mansion nina Ethan and I admit it that it was really amazing and beautiful. Wala kaming ganito kalaking bahay at wala rin kaming ganong kalalaking negosyo. Simpleng second floor lang ang bahay namin at ang pera namin ay nagmumula lang sa isang maliit na kumpanyang pagmamay-ari nina lolo at lola na ipinamana nila kay papa. My mom already passed away last month at doon na nagsimulang magbago ang mga galaw ni papa.

Kapag umuuwi ako ng bahay galing school ay palagi ko siyang naaabutan sa sala na umiinom at kapag wala naman akong pasok ay nakikita kong balisa siya at hindi makatagal sa isang lugar. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganon hanggang sa naabutan ko sa bahay yung mga lalaking nakaitim. Doon ko lang nalaman na malaki na pala ang pagkakautang ng papa ko sa isang leader ng mafia pero hindi ko siya kilala. Sa unang araw palang na wala si mama ay kinausap na niya akong tumigil muna sa pag-aaral at hindi ko alam kung anong dahilan.

Nagpumilit akong itutuloy ko ang pag-aaral at doon kami nagsimulang mag-away ni papa. Kaya nung araw na wala siyang maibigay sa'kin na allowance ay nagdecide akong humanap muna ng trabaho at sa tulong naman nung isang kaibigan ko ay nakahanap ako. Nagtrabaho ako para sa allowance ko ngunit natigil iyon nung mamatay ang manager nung coffee shop na pinagtatrabahuhan ko at pumalit ang isang napakasungit na babaeng ilang taon lang ang tanda sa'kin. She fired me that's why I tried to find another job pero nawalan na ako ng gana nung walang tumanggap sa'kin.

Masyado akong stress sa mga araw na iyon at hindi ko na napansing may ibang tao na pala sa bahay at katulad nga nung sinabi ko, sinabi nila sa'kin yung totoong pakay nila at yun ay ang ako ang magiging kabayaran ng utang ni papa sa kanila. They inject something to me that made me fall asleep at dahil na rin siguro sa pagod ko ay tuluyan na akong bumagsak at hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari.

I was so scared when I woke up sa isang kulungan ng malaking ibon kung meron man. I'm hopeless that time but suddenly I felt safe when Ethan came in the picture. Kahit papaano ay naibsan ng presensya niya ang takot at kaba ko. Should I say thank you to him. Kailangan ko ba iyong suklian. Should I treat him as my master in exchage of what he did to me o manatili na lang sa isang tabi at walang kahit na anong gagawin bacause after all, he just bought me. Para ko na ring ibinenta ang sarili dahil sa halaga ng perang inilabas niya. Para sa kanya ba ay 100 billion dollars ang halaga ko? Bakit pakiramdam ko ang sakit no'n.

Napabalik ako sa huwisyo nung may kumatok sa pinto at narinig ko ang marahang pagbukas nito. Unti-unti akong lumingon rito at napapikit din nung makita si Ethan na topless and I guest, kaliligo lang niya dahil na rin sa towel na nakatapis sa kanya.

"Bakit ka nakapikit?"rinig kong tanong niya. Naramdaman kong lumagpas siya sa'kin at tila may inilapag sa bedside table. Is he serious about his question? He's topless for pete's sake and take note, ngayon lang ako nakakita ng lalaking topless sa mismong harapan ko. Nakaramdam ako ulit ng presensya sa harapan ko at napayuko na lang ako at napatakip sa mukha. Wahhh anong gagawin niya.

"You can open your eyes now binibini"

"Ayoko"paulit-ulit akong umiling at narinig siyang nagbuntong hininga. I swallowed hard. Should I open my eyes now? Pero hindi siya nakadamit at bakit naman hindi siya nagdamit bago pumunta rito? Nananadya ba siya?

"Binibini, open your eyes now and look at me"rinig kong utos niya ulit ngunit sunod-sunod ulit akong umiling.

"M-magdamit ka muna"

"That's why I'm asking you to open your eyes because I'm in my clothes now"Napatigil ako at dahan-dahan na ibinaba ang kamay ko. I open my one eye just to make sure that he's wearing his clothes now and thank god he is. I completely open my eyes and look at him. He's standing in front of me.

Sumalubong ang nakangiti niyang mukha pagtingin ko sa kanya and I almost shout because my heart starts beating so fast. He's really handsome. Naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko kaya naman agad-agad akong nag-iwas ng tingin para na rin maiwasan ang mga mata niyang parang nang-aakit and he almost succeeded because I almost wan't to kiss him but I looked away. Mahirap na at baka kung mapahiya lang ako.

"I brought breakfast for you"

Napatingin ako sa pagkaing inilapag niya sa hita ko. Namilog ang mata ko nung makita iyon at wala sa sariling napangiti. It's my favorite chicken adobo and it smells so good. Gusto ko iyong lantakan na pero naalala kong may tao pala na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. I rolled my eyes. Don't tell me he's just going to watch me while eating. Isa sa pinakaayaw ko ang may nakatingin sa'kin habang kumakain. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nagiging masungit kapag gano'n. Siguro hindi ko lang gusto na may nakatingin sa'kin kapag kumakain dahil naaasiwa ako.

Pero bakit ngayon ay tila hiya ang nararamdaman ko kapag nakatingin sa'kin si Ethan. I shooked ny head. Maybe it's just that, I just met him last night. Yun lang siguro iyon at idagdag pa na iba ang paraan ng pagkakatitig niya sa'kin.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha niya ang mga pinaglagyan ng pagkain at muli itong inilapag sa bedside table. Muli siyang tumingin sa'kin ngunit diretso lang akong nakatingin sa ibang direksiyon at nanatiling tahimik. Ano bang sasabihin niya at mas lalong hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Nagdadalawang-isip ako kung mauuna akong magsalita at sasabihin ang salitang 'thank you' o mananatiling tahimik. I sighed and face him.

"Thank you"walang alinlangang sabi ko sa kanya. I swallowed as I saw his lips formed a smile. I bit my lower lip. Why do I feel hotness right now. Why is he so sexy in the way he smiled. Maybe there's a different charms.

"Your welcome binibini"

Napakunot ang noo ko. Bakit yun ang tawag niya sa'kin. "Why are you keeping on calling me binibini"nakakunot noong tanong ko. I just don't understand why because duh I do have a name and it's Claudette not binibini.

He smiled sweetly."It's my way on showing respect to a woman like you"

My lips formed an 'o' when he uttered those words. Lihim akong napangiti. Siguro binibini rin ang tawag niya sa mga babaeng malalapit sa kanya. Mukhang mabait naman siya at siguro nilalabas niya lang ang nakakatakot niyang ugali kapag kailangan tulad roon sa auction. Napailing ako ng mahina.

"Yun ba ang tawag mo sa mga babaeng malapit sayo?"curious na tanong ko. I know it's a yes but I just wanna hear it from him.

"No"

Napakunot ulit ang noo ko. Ang gulo naman nitong kausap. Kanina sabi niya iyon ang way niya ng pagpapakita ng respeto tapos ngayon ang sagot niya no. Ang labo parang kayo ng jowa mo.

"You are just the only one I called binibini"Napatigil ako sa sinabi niya. Why do I felt butterflies in my tummy. The way he uttered those words is so sexy. Bakit pakiramdam ko ang saya ko at bakit ko iyon nararamdaman. I should not. Sinundan ko siya ng tingin nung naglakad siya patungo sa bintana at dumungaw roon na tila pinagmamasdan ang tanawin sa labas. I smiled again. Kahit nakatalikod siya ay makikita parin ang magandang hubog ng kanyang katawan. "BTW binibini, this will be your new life and you will meet your new family later"sabi niya habnag nakatalikod sa'kin. New family and new life. I smiled sweetly. Finally, I can start my new life now.

"You're calling me binibini, then  should I called you ginoo?"

Nakita kong tila natigilan siya ngunit kalaunan ay tumingin rin siya sa'kin ng may malawak na ngiti sa labi.

"You can, my binibini"

_______
Good evening mga Milers. Medyo mabagal siguro ang update sa story na ito kaya sana makapaghintay kayo. Enjoy reading and keep safe.

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon