Chapter 10. Telling her the truth

1.8K 63 1
                                    


Chapter 10. Telling her the truth

Claudette's Pov

Nagising akong may nakadagan na mga braso sa tiyan ko kaya hindi ako masyadong makahinga. Tumingin ako sa tabi ko at bumungad sa'kin ang mala-anghel na mukha ni Ethan na payapang natutulog. I scan his face from his eyes into his lips. He's really perfect. I wonder what's his ideal type. Napaka-perpekto niya at hindi nababagay ang isang tulad ko sa isang gaya niya.

I was about to remove his arms on my tummy pero humigpit ang yakap niya sa'kin na para bang ayaw niya akong umalis but for pete's sake, ang laki niyang tao, ang bigat rin ng kamay, para akong mapipipi sa higpit ng yakap niya. I sighed tsaka ko tinapik-tapik yung pisngi niya pero hindi talaga umaayon sa'kin ang umagang ito dahil mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya at sumubsob lang sa leeg ko. Nanlulumo akong huminga ng malalim at pumikit ng mariin.

Tinapik ko na lang ulit ang pisngi niya dahil talagang hindi na ako makahinga. Gusto ko soyang sigawan pero baka kainin niya ako ng buhay. Kakaiba pa naman ang ugali niya pag galit and I can see it through his eyes. Yung tipong tsokolate ang kulay ng mata niya but it's getting dark when he's angry.

"Ginoo? Gising"

No response. Tinapik ko ng paulit-ulit ang pisngi niya at tinulak-tulak ko na rin siya para magising pero wala parin siyang response. Baka kapag nawalan na ako ng hininga ay doon lang siya magigising. I sighed again tsaka ko inulit ang paggising sa kanya.

"Goodness ginoo, are you trying to kill me. I can't breath"pigil ang galit na sabi ko at doon lang niya nagmulat. He blinked his eyes several times while staring at me tsaka niya niluwagan ang pagkakayakap sa'kin pero hanggang doon lang iyon. Hindi parin niya ako pinapakawalan kaya naman nailang ako bigla. Parehas kaming nakaharap sa isa't isa habang nagtititigan pero agad akong umiwas ng tingin. This is so awkward.

"Good morning binibini"ngumiti siya pagkatapos iyong sabihin habang ako naman ay nahihiyang ngumiti.

"G-good morning.....can you release me now?"napangiwi ako nung mawala ang ngiti niya. I admit that I like his arms around me but, I just woke up at hindi pa ako nag-tooth brush.

"Oh that? Okay". Ngumiti siya ng tipid tsaka niya ako tuluyang pinakawalan mula sa yakap niya. Siya ang unang bumangon at dumeretso sa banyo ng hindi tumitingin sa'kin. I bit my lower lip bago ako bumangon rin. Did I say something wrong? Kumunot ang noo ko at binalikan ang mga salitang sinabi ko. Wala naman akong sinabing iba kundi 'release me'. Napaisip naman ako. Baka iba ang pagkakaintindi niya. Nagkibit ako ng balikat tsaka ako tumayo mula sa pagkakaupo sa kama.

Tumingin ako sa wall clock na nasa taas ng head board ng kama. It's already 7:20 in the morning. Medyo madilim pa rito dahil wala namang bintana rito sa kwartong ito. Meron ng kuryente kasi nakabukas na ang isa sa lampshade na nasa side table at yun ang nagbibigay ng liwanag dito sa loob.

Tumingin ako sa suot ko at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko nung makita na bumakat doon ang suot kong underwears. Muli akong napaupo sa kama at ginawang panakip ang kumot na puti. Bakit ang nipis ng longsleeve na ibinigay niya. Goodness. Napapikit ako ng mariin. Syempre madilim kagabi kaya hindi ko napansin. I shooked my head.

Narinig kong bumukas ang banyo kaya napatingin ako roon pero agad din akong napaiwas ng tingin nung makitang topless na naman si Ethan. He's always like that. Masasanay din ako. Katatapos niyang maligo dahil sa may tumutulo pang tubig mula sa basa niyang buhok.

Lumapit siya sa'kin na nakakunot ang noo at inabot sa'kin ang isang towel. Siguro napansin niya ang kumot na nakatakip sa'kin.

"Tuyo na yung damit mo kahapon. You can wear it now. Sa bahay ka nalang magpalit ulit."

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon