Chapter 31. Ethan

1.5K 45 0
                                    


Chapter 31. Ethan

Claudette's Pov

Pagmulat ko pa lang ay malamig na tubig agad ang bumungad sa'kin. Halatang nilagyan pa nila ng mga ice cubes iyon na bahagyang tumama pa sa mukha't katawan ko. Now I'm completely wet and cold. Isang timba pa ulit ng malamig na tubig ang ibinuhos nila sa'kin na nagpagising ng tuluyan sa aking diwa.

I gaped for air dahil na rin sa giniginaw na ako at nanghihina na. Is this really my end? I hope not. Gusto ko pang makita ang pamilya na kumupkop sa'kin espacially Ethan. I wan't to see him right now. I wish Ethan could be here right now to save me like before when I was in an auction. Ethan arrived on time that night at sana ngayon rin before I could wish that I'll be dead right now.

"Ayos pala 'tong bagong laruan natin eh."tatawa-tawang sabi nung nagbuhos ng tubig sa'kin. Kumuyom ang kamao at galit siyang tinignan.

"Aba pare, sinamaan ka ng tingin"sabi nung isa at umiling-iling.

Napayuko ako at napaiyak na naman. Wala akong magagawa. Nakatali ako at nanghihina kaya wala akong magagawa kundi tanggapin ang mga ginagawa nila. I'm hopeless. So hopeless that I can't even get away from this situation. Masyado na akong nanghihina. There's no food to eat, no water to drink, no prince charming to save me.

Dapat pa ba akong umasa na mabubuhay pa ako. Ilang araw na akong hindi kumakain at walang sapat na tulog. Marami na akong sugat sa katawan at bahagyang punit na rin ang ibang parte ng uniform na suot ko. Gusto ko ng magpahinga. Gusto kong tumigil muna sila.

I cried silently at sinarili ko na lang ang mga hinanakit na nararamdaman ko. I don't have Ethan here to lean on. Walang mag-aalaga sa'kin dito. Bakit wala pa sila. Bakit wala pa si Ethan. Hinahanap ba talaga nila ako o hindi. I shooked my head. I should trust him for this thing. Alam kong darating soya at ililigtas ako. Tama. Magtiwala lang ako sa kanya.

Muli kong iniangat ang tingin ko at nakitang palabas na silang lahat ng kwarto ngunit naroon pa rin ang mga nakakalokong tawanan nila.

Again, I gaped for air and pray na sana ay makatakas ako. Kailangan kong makaalis dito. Kahit nanghihina ay pinilit kong igalaw ang katawan ko at pilit na kinakalas ang pagkakatali sa kamay ko. Inilibot ko pa ang paningin sa buong kwarto hanggang sa napatingin ako sa paanan ko and a half smile formed on my lips. Luckily, may maliit na pocket knife roon na siguro ay nahulog ng isa sa mga lalaki kanina but the problem is, pa'no ko iyon makukuha kung nakatali ang paa at katawan ko.

I bit my lower lip and think a way to pick that gaddam knife. I sighed. How? Iginalaw ko ang mga paa ko at mga kamay ko upang lumuwag ang tali at ngayon ay umayon na sa'kin ang tadhana dahil lumuwag ng konti ang pagkakatali sa kamay ko. Gumalaw-galaw ako ng paulit-ulit at tiniis na lang ang sakit ng katawan ko sa tuwing bahagyang naiipit ang mga sugat ko. Thank god it's worth it dahil wala ng tali ang kamay ko. Yung katawan at mga paa ko na lang ang may tali.

Dali-dali kong pinulot ang maliit na pocket knife at akmang tatanggalin ko na ang tali sa buo kong katawan nang may biglang narinig akong putukan mula sa labas. Nanlaki ang mga mata ko at agad na inalis ang pagkakatali sa katawan ko. I hope they are here. Sana nandito na sila Ethan.

Tumayo ako agad ngunit agad ding napaupo dahil parang umikot yung paningin ko. Siguro gutom na ako kaya gano'n na lang ako kahina. I stayed like this hanggang sa unti-unti ng nawawala ang hilo ko tsaka ako unti-unting tumayo. Dahan-dahan akong tumakbo papunta sa pintuan at gano'n na lang ang tuwa ko nung hindi ito nakakandado.

Bahagya muna akong sumilip sa labas ng pinto bago ako tuluyang tumakbo sa mahabang hallway. Now, I need to find the exit. Liliko na sana ako pero nakaramdam ako ng malamig na bagay na ulo ko. Napapikit ako ng mariin.

"Aalis ka kaagad. Sayang naman. Balita ko ay hindi ka pa naaangkin ng kahit na sino maging ang gago mong boyfriend?"rinig kong sabi nito. Napakunot ang noo ko. Bakit alam niya na boyfriend ko si Ethan. I gulped. Nandiri ako sa mga sinabi niya kaya pumikit ulit ako at nung makahanap ako ng tyempo ay mabilis akong humarap sa kanya at sinipa siya sa sikmura. Nabitawan niya ang baril na hawak niya at maagap na napahawak si kanyang tiyan.

Kahit naman papa'no ay may natutunan ako sa mga pinapanood namin nina Janice na action movie. But it's just basic. Hindi ako magaling sa ganitong mga labanan. Kung sa patalinuhan ay pwede pa pero sa ganito ay ewan ko na lang.

Mabilis kong dinampot ang baril na nabitawan niya at agad soyang binaril sa pareho niya paa. Nanginig pa ako sa ginawa ko at natakot. I shooked my head. Ayoko pa ring pumatay kaya iniwan ko na lang siya roon habang sumisigaw. Tumakbo pa ulit ako sa mahavang hallway at lumiko sa kanan. Sabi nila, right is always right pero sa ngayin ay hindi ako naniniwala dahil nakasalubong ko ang dalawang lalaki na tumatakbi na ngayin sa direksiyon ko.

Napatigil ako sa pagtakbo at napasabunot sa buhok. Napamura pa ako nung sunod-sunod silang nagpaputok sa direksyon ko at buti na lang napaluhod ako agad. Mabilis ko ring inasinta ang baril na hawak ko at pinaputukan sila ng hindi nakatingin sa kanila. Bahala na kung mapatay ko sila. Bakit kasi ang sasama nila. Ayokong pumatay pero ayokong may mabiktima pa silang iba. Kung ako ang tatanungin, mas mabuting piliin ang nakararami kesa umasa na magbabago ang kanilang mga ugali.

Tumingin ako sa direksyon nila at nakitang pareho na silang nakahandusay sa sahig. I sighed. 'I'm sorry' sabi ko pa bago ulit tumakbo. Sana isa sa mga kaibigan ko ang makasalubong ko pero malas ako kasi may nagpaputok ulit sa direksiyon ko mula sa likod. Lumingon ako rito at napasigaw nung matamaan ang kaliwang braso ko. Malapit lang sila sa'kin at tatlo sila. Kung papalarin ako ay sana matamaan ko sila. Napaluhod ako sa sakit pero pinilit kong asintahin ang baril na hawak ko at nakipagpalitan ng putok. Nakita kong natamaan ko na yung dalawa na ngayon ay nakandusay na rin sa sahig habang yung isa ay sa hita ko natamaan.

Huminga ulit ako ng malalim bago ko siya binaril at nanalaki ang mga mata ko nung nakita kong dumugo yung noo niya. Natamaan ko siya sa noo pero tila ako naman ang susunod na hahandusay sa sahig dahil sigurado akong mauubusan na ako ng dugo. Nagmadali akong tumayo at tumakbo ulit habang sapo-sapo ng kanang kamay kong may hawak na baril ang braso kong dumudugo. Napangiwi ako dahil sa sakit pero pinilit kong hindi umiyak kahit gustong-gusto ko ng umiyak ng malakas pero naisip kong hindi ito ang tamang oras at lugar para umiyak dahil nasa kalagitnaan ako ng madugong labanan.

Ang daming bangkay na nakahandusay na sahig na nalalagpasan ko na. I need find Ethan right now dahil pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng ulirat dito. Kahit hindi na si Ethan ang makasalubong ko basta ba isa na lang sa mga kaibigan ko. Pagod na ako. Pagod na pagod na.

Lumiko ulit ako sa kanan at may nakasalubong na namang isang lalaki. Goodness. This is so not right. Bakit ang daming sumusulpot sa dinadaanan ko. Hindi ba pwedeng makalabas na lang ako rito ng humihinga pa.

I bit my lower lip and gaped for air. Napapagod na talaga ako. Muli kong inasinta ang baril na hawak ko at nagpaputok sa direksiyon niya.

Habol ang hininga na napaluhod ako sa sahig nung makitang nakahandusay na rin siya. Mabilis ang bawat paghinga ko at napapangiwi sa hapdi ng sugat ko. Kailangan ko na talagang makalabas rito dahil kung hindi, matatagpuan akong wala ng buhay.

Muli akong tumayo at ngayon ay nanghihina ng naglalakad sa mahabang pasilyo. Ano ba itong lugar na ito. Nakakasiguro akong hindi ito bahay. Ang alam kong tawag sa mga lugar kung saan dinadala ang mga bihag ng isang mafia ay base. Tama ba ako. Sa base nila ako dinala. At bakit ko pa iniisip kung saan nila ako dinala imbes na hanapin na lang yung exit.

Napailing ako at ngumiwi nung mahawakan ko yung sugat ko. Muli akong tumakbo at lumiko na sa kanan at hindi na kalaban ang nakasalubong ko kundi si Ethan na humahangos na tumakbo sa direksiyon ko.

"Binibini"usal niya bago ako niyakap ng mahigpit at napangiwi na naman ako nung maipit yung braso kong may sugat.

"A-aray. Ethan bitaw"nakangiwing sabi ko sa kanya na agad naman niyang sinunod. Nanalaki ang mga mata matapos makita ang sugat ko sa braso.

"Masakit?"napakunot ako sa tanong niya. Nagtanong pa talaga.

"Hindi. Try mo"sarkastikong sagot ko. Tumawa siya at niyakap ako ulit. I smiled. Ethan is here. I have nothing to worry about.

__________
3 chapters to go.

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon