Chapter 16. Fashion show

1.5K 48 0
                                    


Chapter 16. Fashion show

Claudette's Pov

"Ay pak! Ang ganda mo ateng! Bagay na bagay ka as model. Di ba guys?"

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. They put me a light make-up and accesories on my body. Ngayon na gaganapin ang fashion show kaya naman todo ang kaba ko. Pero naroon ang excitement sa sistema ko. Hindi ko yun maipaliwanag eh. Yun bang may makikita ako o masasaksihan ng hindi ko inaasahan ngayong gabi. Nginingitian ko na lang ang mga papuring sinasabi sa'kin ng lahat na nandito. Dadalo rin ngayon si Sunshine kasi tapos naman na daw ang trabaho niya. Lima naman kaming model na naririto at tig-limang gown din kami ng imo-model. Tuloy-tuloy ang fashion show hanggang sa magsasalita na ang CEO ng kumpanyang kumuha sa'min as model.

"O sige na ateng, isuot mo na itong gown"iniabot sa'kin nung isa pang nag-ayos sa'kin kanina yung kulay puting gown na backless at kumikinang-kinang pa. Nakangiti ko itong tinanggap sa kanya at nagpasalamat muna bago nagtungo sa banyo.

Sabi ng manager ko, puro daw bussiness man ang mga dadalo o di naman kaya ay mga mayayamang tiga-ibang bansa. Napaisip naman ako. I wonder if Ethan would be here later kasi bussiness man din siya o di naman kaya ay si tito Ace at tita Janelle o yung iba pa. I miss Janice so much pero hindi pa ako pwedeng bumalik. Bigla tuloy akong nalungkot sa naisip. Kamusta na kaya sila. Kamusta na kaya siya. Hindi talaga niya ako hinanap. Siguro nga, masaya pa siya nung umalis ako kasi wala siyang inaalala na katulad ko. Is he already had a girlfriend? If it's a yes, I would accept it kasi wala ng dahilan para umasa pa ako sa kanya.

I sighed and forced a smile. Kailangan kong hindi matapilok. Baka mapahiya lang ako. Ang dami pa namang tao.

Lumabas ako ng banyo at bumungad sa'kin ang mga nag-ayos sa'kin ng may kanya-kanyang papuri sa'kin habang sila ay nakangiting lahat. Pumalakpak pa sila ng sabay-sabay kaya hindi ko tuloy napigilan ang sarili na matawa na lang ng malakas. Chine-cheer pa nila ako na kaya ko 'to. Kaya ko 'to.

***

Nandito na kaming lahat sa back stage at naghihintay na lang na matapos ang nagsasalitang emcee. Ako ang panghuling rarampa kaya naman sobrang saya ko no'n nung malaman ko iyon. Kung ako kasi ang mauuna, talagang kakabahan ako ng sobra. Huminga ako ng malalim nung marinig ang ang palakpakan ng mga tao hudyat na magsisimula na ang fashion show. This so not right. Nginitian ako ng mga kasama ko bago sila sunod-sunod na rumampa at nung matapos na ang ika-apat ay tinapik lang niya ang balikat ko tsaka ako nginitian. Huminga muna ako ng malalim bago nagpaskil ng matamis na ngiti sa labi tsaka ako lumabas sa back stage.

Bumungad sa'kin ang maraming tao na nagpapalakpakan at ang mga nagkikislapang camera pagkalabas ko. Nakangiti parin akong rumarampa at inaasahang hindi matapilok. I'm still wearing my sweet smile while walking at bawat hinto ko ay nagpo-pose ako. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwartong kinalalagyan namin at inaasahan na makikita ang isang taong namimiss ko na pero agad ko ring iyong binawi at umiling na lang. I shouldn't do that thing. Sa halip na hanapin ang isang taong inaasahan kong makita ngayong gabi ay hinanap na lang ng mga mata ko si Sunshine. I found her in front. Ngumiti ako sa kanya at at kinawayan naman niya ako habang nakahawak ng phone na tila kinukuhanan ako. Umikot pa ako ng isang beses at pagkatapos ay bumalik na ako sa stage.

Agad naman akong inasikaso ng mga baklang nag-ayos sa'kin kanina pagkabalik ko sa back stage. Ni-retouch lang nila ako at pinagpalit-ulit ng gown. Ang suot ko naman ngayon ay kulay pula sa sleeveless gown. Kumikinang din ito katulad ng suot ko kanina. Napansin ko lang, lahat ng mga imo-model ko ay kumikinang samantalang yung iba ay hindi. Nakakahalata na ako ha. Nagkibit lang ako ng balikat pagkatapos ay muki na namang rumampa. Paulit-ulit lang iyon hanggang sa matapos na ang fashion show.

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon