Chapter 8. Think

1.8K 69 0
                                    


Chapter 8. Think

Claudette's Pov

Nagmamadali kong isinuot ang necktie ng uniform ko at isinunod ang sapatos ko. Hindi naman ako nagmamadali eh kaso nga lang ay ayaw ko namang paghintayin sina Charlie sa baba at nung iba pa. It's just 6:30 in the morning at masyado pang maaga pero lahat sila ay handa na sa pagpasok at ako na lang ang hindi. Saklap diba. Ang aga kong nagising pero ako ang hinihintay nila.

Humarap ako sa full length mirror na nasa tabi ng pintuan ko at napangiwi na lang bigla. Masyadong maiksi ang skirt ko na pinili ni Janice para sa'kin tsaka masyado ring hapit sa katawan ko ang blouse ko. Color black ang skirt ganon din ang jacket at necktie at color white naman ang blouse.

May magagalit ba kapag nakita nilang masyadong hapit sa katawan ko ang uniform. I sighed. Sana naman wala dahil ayokong magpalit ulit. Hindi ko muna sinuot ang jacket ko at nagmadaling kinuha ang bag ko sa ibabaw ng kama at kinuha roon ang korean style na eye glass ko at isinuot iyon. I also tie my hair into a messy ban and it looks good on me.

Hindi naman malabo ang mata ko pero gustong-gusto kong nagsusuot ng ganito sa school. Janice bought this for me no'ng minsang nagpunta kami sa mall para daw makabili ako ng mga gamit ko. She's such a lovely girl at gustong-gusto ko siya. Hindi rin maipagkakaila na maganda siya at fashionista.
Ngumiti akong muli sa repleksyon ko sa salamin bago ko isinukbit sa likod ang bag ko at kinuha ang jacket tsaka marahang pinihit ang seradura ng pinto.

***

Pagbukas pa lang ng pinto ng elevator ay rinig na rinig ko na ang tawanan sa sala na pinangungunahan nina Charlie at Vash. I shooked my head. Maloko ang mga yun pero masarap silang kasama. Kung hindi ba ako ginawan ng masama ng mga kaibigan ko ay sigurado akong gano'n parin ang turing ko sa kanila na parang tunay na kapatid kagaya ng dati. I smiled bitterly. That was before.

Naglakad ako patungo sa direksyon nila at naagaw ko naman agad ang kanilang atensyon. I also saw Ethan staring at me gano'n din ang iba but the others are staring at my body. Hindi ko naman maiwasang mailang dahil sa mga titig nila. Pinapasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa at wala akong magawa kundi ang mailang lang. Sino ba naman kasi ang hindi diba, masyadong maikli ang palda ko at hapit sakin ang blouse na suot ko. Gusto kong takpan ang katawan ko pero masyadong makapal ang jacket.

Narinig kong tumikhim si Ethan kaya naman agad na nag-iwas ng tingin ang lahat maski mga babae. I blinked several times. Mga babae? Napakunot ang noo ko. Bakit pati sila napaiwas ng tingin. I sighed. I forgot that I'm Ethan's property.

"Binibini, sinong pumili ng uniform na yan?"

Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko matagpuan ang dila ko para magsalita. Nakipagtitigan ako sa kanya pero natigil iyon ng may marinig tumatawa sa likod habang pumapalakpak kaya naman napunta roon ang tingin naming lahat.

"Ang sexy mo pala ate. I'm super duper magaling sa pagpili ng clothes mo ano? Sure ako na maraming guy sa school ang mag-dodrol over you because you're super maganda and sexy"

Napangiwi ako nang marinig ang kakaiba niyang pananalita at gano'n din ang iba. Masyadong maarte ang pagkakasabi niya ng mga iyon at para akong nabobobo dahil sa pananalita niyang kakaiba.

I heared Ethan 'tsk' kaya naman nabaling na ulit ang tingin ko sa kanya. All of us here is wearing the same uniform except for Ethan who is wearing a blue longsleeve polo and a pants. Bumakat ang malapad niyang didbdib sa suot dahil na rin sa manipis lang ito. He looks so hot plus he's also wearing an eye glass na katulad ng suot ko. Seriously, he's really handsome.

Kunot ang noo niya nung hinablot niya sa'kin ang jacket ko at siya na mismo ang nagsuot sa'kin. I was about to protest but he just stared at me na ikinatahimik ko naman. Hindi naman ako makapagreklamo sa kanya because after all, I'm his property at hindi na magbabago na binili niya ako sa halagang isang daang bilyong dulyar. I sighed.

Hinila na niya ako palabas ng main door at nagsisunuran naman ang iba at sumakay na sa kani-kanilang kotse.

Tahimik lang ako habnag nakahilig ang ulo ko sa bintana ng passenger seat at gano'n din naman si Ethan. I don't know what's my problem at hindi ko siya matapunan ng tingin. I just see him by my peripheral vision at yun lang yo'n. Hindi ko rin alam kung bakit may parte sa'kin na naghihinayang. Saan naman ako manghihinayang diba? Hindi ko alam pero parang sumisikip yung dibdib ko sa tuwing iniisip ko na binili lang ako ni Ethan. I don't know if that's what we called help o baka may iba pang dahilan. Minsan nga iniisip ko kung anong ginagawa roon ni Ethan bacause that auction is illegal. Only a part or a leader of mafia group can step there. How come he's there.

Gusto kong isipin na isa siyang part ng mafia pero, wala naman akong karapatan na manghusga kung hindi ko pa alam ang buong istorya hindi ba? Isa 'yon sa mga tinuro ng mama ko nung bata pa ako. Before judging others, make sure that you know the whole story of other's life. She also teach that I should give a second chance to someone because we all deserves a second chance.

Sabi nga niya sa'kin noon ay kapag daw nabigyan ka na ng second chance, magpatuloy lang ako hanggang may buhay. I should continue my dreams even if it's hard. Kung nabigyan ka na daw ng second chance, huwag mo na daw iyong sasayangin at sa halip ay agad na ipagpatuloy ang nasimulan. Napaisip ako. Nabigyan na ba ako ng second chance? I asked myself and suddenly, I smiled. Yes, I am.

The moment that Ethan was there to buy me, I was given a chance. Ngayon ko na sisimulan ang naumpisahan. I wan't to be successful someday. Buy my own house and lot, car, build my own bussiness, marry a man who is truly loves me and who I truly love then make a memories with him together with our children but the question is, can I do that all now, that I was finally given a chance.

I smiled bitterly at the thought and shooked my head. No, I can't because I'm someone's property. I can't fulfill my dreams because I'm no longer free. My freedom is in someone's hand. Hindi ko yun hawak at hinding-hindi ko iyon mahahawakan.

"You're spacing out again binibini"

Napabalik ako sa huwisyo at gulat siyang tinignan. Napalunok naman ako nung makitang seryoso ang mukha niya.

"A-ano bang sinabi mo?"

"I'm trying to get your attention but it seems like you're thinking too much again"

Tila may dumaang lungkot sa mga mata niya but when I blinked, it's gone. Siguro namalik-mata lang ako at masyado lang akong nag-aasume.

"Sorry"I uttered. He shooked his head and give me a half smile.

"Don't be"

Natahimik ulit ang pagitan namin na tila may dumaang anghel at kapag gumawa ka ng kahit anong ingay ay babarilin ka na lang bigla. Muli kong inihilig ang ulo sa bintana ng kotse at pumikit. I was trying to remember my childhood pero wala eh. Ang naaalala ko lang ay nung nag-aaral akong magtimpla ng kape at nung tinuruan ako ni mama sumayaw and that's all.

I remember what my mama said when I wake from the hospital bed. Sabi niya kaya daw may benda ang ulo ko ay dahil sa nahulog daw ako mula sa puno na nasa likod ng bahay namin. I was just a kid back then kaya mabilis akong maniwala pero habang tumatagal ay nagsimula ko ng mapanaginipan ang tungkol sa isang bata na hinampas ng kahoy sa ulo ng isang lalaki. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang labo sa part na tinignan ko ang mukha ng lalaki. It wad a totally blurr kay hindi ko rin matukoy kung sino ba ang lalaking iyon.

"Binibini?"

"Hmm?

"What do you think of me?"

Napatigil ako sa tanong niya. Parang ang dinig ko pa ay may bakas ng lungkot ang boses niya but I'm not sure about it. Ano nga bang tingin ko sa kanya. Napaisip naman ako. Sa totoo lang, hindi ko rin alam eh. Ano bang tingin ko sa kanya.

Tumingin ako sa kanya at nagkibit lang ng balikat. I saw him smiled pero hindi iyon katulad ng dati na matamis. It was bitter smile at hindi ko alam kung bakit ako biglang nalungkot.

Ilang minuto pa'y huminto ang sasakyan at doon ko lang napagtanto na nakarating na pala kami. Hindi ko na siya hinintay pang pagbuksan ako at tahimik lang akong lumabas.

Maglalakad na sana ako papasok sa loob pero may pumigil sa'kin and I saw Ethan with his just half smile.

"Binibini, I'll wait for your answer"

__________
A/N:
Delay ang ud para sa story nina Zander kasi tinatamad na ako hehe bukas na lang promise. Good night Lilies!!

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon