Chapter 7. Secretary

2K 54 2
                                    


Chapter 7. Secretary

Claudette's Pov

I woke up 4:30 am in the morning despite the fact that I sleep late last night. Hindi ko rin alam kung bakit ang aga kong nagising, siguro dahil sa mamaya na ang pasukan pero masyado atang maaga para doon. Come to think of it, 8:30 ang pasok ko at alam ko na rin amg schedule ko pero 4:30 pa lang at ano namang gagawin ko sa ganitong oras.

I shooked my head. Nagkibit balikat lang ako bago inihanda ang isusuot kong uniform tsaka nagtungo sa baba para maghanap ng makakain.

Paglabas ko ng kwarto ay sobrang tahimik ng paligid at sobra iyong nakakabingi. Pakiramdam ko may magpapakitang multo sa harapan ko at papatayin ako. Naalala ko yung pinanood ko nung nakaraang araw, it was horror at sobrang nakakatakot na umabot na sa puntong hindi ako nakatulog. My goodness. Ang tanda ko na pero takot ako sa multo. Natawa ako ng mahina bago binuksan ang ref at kumuha roon ng ingredients but I was so lucky nung makakita ako ng mix ingredients para sa pancake at ang kailangan na lang ay iluto. Napatigil ako sa akmang pagsalang ng pancake sa pan at napailing. I wan't chocolate para maiba.

Pinatay ko muna ang apoy bago ako naghanap ng chocolate powder sa mga cabinet na nandito at nung makita ko na ang hinahanap ay agad ko itong inihalo sa mix na ingredients at muling isinalang sa pan.

Oh I forgot to tell you that I'm no longer dreaming but, I still wan't to know who's the guy in my dream. Oo nga at hindi na ako nananaginip pero binabagabag ako ng curiosity ko kung sino ba yung lalaking yun.

Yun na tuloy ang palaisipan sa'kin. I sighed at tsaka ko itinuon ang atensyon sa pancake. This is my first day of school again kaya dapat bawal ma-stress.

🎶When I first saw you
I already knew
There was something inside of you🎶

Pagkanta ko sa favorite kong song. I smiled bago ko inayos ang mga kakainin ko sa counter. Dito na lang ako kakain tutal ay mag-isa lang naman ako dahil hindi pa gising ang mga kasamahan ko. And one more thing, it's just 5 in the morning. It took me a half an hour in cooking pancake. Gano'n na ba kahirap magbaliktad. I rolled my eyes bago ulit nagtungo sa kusina para magtimpla ng coffee. One of my talents ay ang paggawa ng iba't ibang lasa ng kape. Natutunan ko iyon nung bata pa ako kasi napapanood ko iyon sa tv. And I still remember the moment when my mother also teach me on how to dance. Ang kwento niya sa'kin ay isa daw siyang leader ng dance troupe sa school nila nung high school pa siya. Napangiti ako sa naalala. Somehow, your parent's past story is the best lalo na kapag kinekwento nila iyon sayo sa isang tahimik na lugar.

🎶I look at you, looking at me
Now I know why they say the best things are free🎶

Pagkanta ko ulit habang nagtitimpla at kumakanta parin ako hanggang sa makabalik ako sa counter but I was shocked when I saw Ethan sitting on the counter. Muntik ko ng mabitawan ang kape sa gulat ko pero buti na lang at nakabalik ako sa huwisyo.

Sumulyap sa'kin si Ethan at malawak ang ngiting bumati sa'kin ng 'good morning' and I just smiled at him and greeted him back bago ako umupo sa tabi niya.

"You have beautiful voice binibini"

Nahihiya akong tumango at awckward na ngumiti sa kanya. I was about to get a pancake nung may mapansin ako. I rolled my eyes secretly. Iisa lang ang Plato at nakalagay roon ang dalawang chocolate pancake at nalagyan ko na rin iyon ng chocolate syrup and there is only one small knife and one fork. So anong kakainin ni Ethan. Akala ko kasi ay ako lang ang magigising ng maaga kaya naman dalawang pancake lang ang niluto ko. Tsk. Stupid.

Tatayo na sana ako ng bigla akong hinila ni Ethan para maupo ulit. Kinuha niya ang kape na tinimpla ko at sumimsim doon. Nakita ko pa ang bahagyang pagtango niya at pagngiti matapos tikman ang kape. Pagkatapos niyang uminom ng kape ay tinikman niya rin ang pancake at tumango na naman habang ako naman ay pinagmamasdan lang siya. Kahit medyo magulo pa ang buhok niya ay hindi ko maitatangging gwapo pa rin siya. His messy hair make him more cool and cold but warm at the same time. Yung tipong malamig siya kung magsalita pero kapag naramdaman mo ang mga balat niya sa balat mo ay para namang napapaso ka. That's what felt when the first time I saw him in an auction.

Nakita kong muli siyang naghiwa ng pancake at akala ko ay isusubo na naman niya pero nagulat ako nung itapat niya ito sa bibig ko. Nawiwerduhan ko siyang tinignan pero sinenyasan lang niya akong isubo ko na lang kaya wala akong ibang choice kung hindi ang ngumanga. I gave him a half smile at nodded. Para sa'kin ay mas masarap kapag may iba't ibang flavor ang pancake like what we are eating right now or strawberries, grapes pero syempre, chocolate pa rin ang pinaka-masarap para sa'kin.

"Today is your first day in class right binibini?"

"Yes"

"Hmmm.."tumango-tango siya but I have this feeling na meron pa siyang gustong sabihin kaya hindi na ako nagdalawang isip para magtanong.

"Ginoo, what else do you wan't to say?"

He smiled. "I like you calling me ginoo"

"You do?"

"Yes"

Napangiti ako sa sinabi niya. Ethan may have a two personality pero mas maganda na rin ang gano'n hindi ba. Because he can be a demon sometimes but he's an angel when he look at me but somehow, I'm thinking that I have also two but I don't know what it is.

"So, ano ngang sasabihin mo?"isinubo niya muna sa'kin ang pancake bago siya nagsalita.

"I wan't you to be my secretary"

Pinanlakihan ko siya ng mata sa narinig. He wan't me to be his secretary? Bakit ako?

"Why me?"turo ko sa sarili. Kung magiging sekretarya niya ako eh di mahahati ang oras ko sa pagtatrabaho at sa pag-aaral. I can't focus to anything else but just to my studies.

"Don't worry binibini. Hindi naman makakaapekto sa studies mo ang pagiging sekretarya ko"

Mas lalo naman akong naguluhan sa sinabi niya. Anong hindi, oo kaya at isa pa, scholar lang ako. Napakunot ang noo ko. Wala ba siyang seretary?

"Wala ka bang secretary?"

Ayan na, naitanong ko at siguro naman ay meron. So kapag meron, bakit pa niya ako kailangan.

"I don't have. You know, hindi kami naghihire ng mga secretary para sa'ming mga may company na naririto kasi yung mga anak na babae ng mga tita namin ang siyang nagiging secretary namin."

Napanganga ako sa sinabi na parang mas lalo pa akong naguluhan. Ibig sabihin ay kapag hindi nila kaibigan o kamag-anak ang magiging secretary nila ay hindi sila pumapayag sa gano'n? Bakit naman? Isa pa, naubusan na ba siya ng babaeng kaibigan kaya wala siyang sekretarya? Isa pa, kung lahat ng mga lalaking kaibigan niya ay may mga kumpanya na kahit sa murang edad lang eh nagtatrabaho na din ba sila at may mga sekretarya na mula rito sa mansion din nila?

Para lang akong tanga na nag-iisip kung bakit gano'n na lang. Wala ba silang tiwala sa iba. Napaisip naman ako. Sabagay kung ako ang may kumpanya ay mas pipiliin ko pang kakilala ko na lang ang maging empleyado ko kaysa sa iba. Mamaya baka may masamang balak eh.

"Si Zander din ay walang secretary gano'n din yung iba kaya nga ginawang scholar ni mommy yung mga anak ng mga tauhan namin para sila na lang ang magiging secretary ng mga wala pang secretary so binibini, can I have you?"

Para atang iba ang pagkakaintindihan ko sa sinabi niya. Napaisip ulit ako, wala namang masama kapag um-oo diba?

"Sige pero, tuwing kailan mo naman ako magiging secretary?"

Napangiti siya sa narinig but I just rolled my eyes. I don't have any choice because I'm still scared of him. Baka mamaya ay bigla na lang siyang magpalit ng anyo at magiging dragon siya tapos bubigahan niya ako ng apoy eh di naging toasted na ako.

Masyado kang paranoid Claudette. Ang tanong eh magagawa niya ba yun?

Oo nga 'no. Tsaka hindi naman siya dragon ah.

"Friday to sunday. Wala naman kayong klase tuwing friday so you need to come with me."

I just nodded while smiling at him. Ngumiti rin siya sa'kin bago ulit niya akong subuan ng pancake. Siguro ang pagiging sekretarya ko ang gagamitin kong kabayaran para sa mga ginawa nilang kabutihan sa'kin. It's not bad especially when Ethan is just beside me.

___________
Song tittle:
Angel of mine by Monica

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon