Chapter 22. First kiss

1.6K 48 0
                                    


Chapter 22. First kiss

Claudette's Pov

"Ate!Tapos ka na ba?!"

Napapikit na naman ako ng mariin dahil sa paulit-ulit na pagkatok sa pinto ng banyo ni Janice. I gulped. This is so not right.

I scan myself reflection  to the mirror and I silently curse again. Ngayon na magaganap ang pool party at tinawag ako ni Janice dito sa kwarto niya. Akala ko naman may importante siyang sasabihin, yun pala ay ipapasuot niya lang sa'kin yung two piece na binili niya 'daw' para sa'kin. Ayoko sana isuot ito kaso nga lang, naitulak na niya ako dito sa loob ng banyo kaya wala akong choice kundi isuot na lang ang swimsuit. I rolled my eyes. Masyadong revealing. It's beautiful at nasisiguro kong mmahal din ito. Hindi hapit at hindi din naman maluwag. I sighed. Tatakpan ko na lang mamaya bago kami magtungo sa pool.

"You can do this Claudette. Wala naman sigurong ibang bisita."pagpapalakas ko sa sarili. Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng banyo.

Paglabas ko ay bumungad sa'kin ang mga second generation girls at mataman akong tinititigan mula ulo hanggang paa. Akala ko ba si Janice lang ang nandito. Tinignan ko sila isa-isa at nakitang nakasuot na rin sila ng swimsuit or two piece. I sighed. Bakit sila ganyan makatingin? Pakiramdam ko tuloy nakakahiya ako. Parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko.

"Ohhh!! Maganda pala talaga ang katawan mo ate"

"Oo nga"

"No wonder kinuha kang model"

"Naiinggit ako sa katawan mo"

"All boys out there will droll over your body"

"Perfect plus beautiful face"

"Pak!!"

Nakahinga ako ng malalim dahil sa wakas nakabalik na sila sa huwisyo. Kaninang tinitignan nila ako pakiramdam ko kakainin nila ako ng buhay. Wala rin kasi akong confidence sa katawan. Matakaw ako pero hindi naman ako tumataba. Akala ko nga noon eh merong dragon sa tiyan ko pero wala. Siguro, hindi ako tumataba kasi minsan eh tumatakbo ako lalo na pag pauwi ng school.

Nung wala pa ako dito kina Ethan ay palagi akong naglalakd pauwi. Pwede naman akong mag-commute pauwi pero ewan ko ba, mas gusyo kong maglakad at tumakbo na lang. Yun siguro ang naging excercise ko noon. Ngayon kasi ay nag-gygym na ako. Utos yun ng manager kong bakla.

I sighed and walk towards Janice na sa tingin ko ay hindi parin nakakabawi sa pagkakatitig sa'kin.

Tinapik ko siya sa balikat pero wa epek. Huminga ako ulit ng malalim at tinapik siya ulit pero wala parin. Kumunot ang noo ko at tinignan ang mga girls na nagpipigil ng tawa. Sinenyasan ko sila para humingi ng tulong na nakuha naman nila agad. Nagsenyasan silang lahat at humugot ng malalim na hininga habang ako naman ay napatakip sa magkabilang tenga.

"JANICE LANE LEE-SANTOS!!"

Sabay-sabay nilang sigaw na nagpatalon naman sa gulat kay Janice. Teka, anong sabi nila? Santos? Bakit may Santos yung pangalan niya. May boyfriend na ba 'to.

"Bakit may Santos?" Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon para magtanong. Walang nagsalita pero kalaunan ay sabay-sabay ulit silang nagsalita.

"Nathaniel Santos"

"Ahhh"Tumango-tango ako at nakangiting tinignan si Janice na masama ang tingin sa girls pero namumula naman ang pisngi. Napabungisngis ako. Crush niya ba yun? Maybe? Nagkibit na lang ako ng balikat at kinuha ang black net coat sa gilid ng kama ni Janice tsaka ito sinuot.

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon