Chapter 32. Mission accomplished

1.5K 41 0
                                    


Chapter 32. Mission accomplished

Claudette's Pov

"Kuya Ethan!!"

Sabay kaming napatingin ni Ethan sa sumigaw sa pangalan niya mula sa bandang kanan namin. Nanlaki ang mga mata ko nung makitang sina Julia at Janice iyon. Teka, bakit sila kasama. Hindi ba't masyado pa silang bata para sa mga ganito especially Janice. She's just 14 years old for goodness sake.

Tumingin ako kay Ethan ng masama. I heared him sighed. "I'll explain to you later but for now, we have to finished this"

Tumango na lang ako sa kanya at agad na sinalubong sina Janice na humahangos papunta sa gawi namin.

"Nasaan yung iba?"tanong ko habang pasulyap-sulyap sa paligid.

Nanlaki ang parehong mata nina Janice at Julia. Tahimik na napakunot noo naman ako.

"Asan na si ate Karen"nanlalaki ang mga mata na tanong ni Janice kay Julia. I gulped. Kumg kasama nila si Karen, bakit wala siya rito?

"Guys!!"

Sabay-sabay kaming apat na napatingin sa direksyong nanggalingan nina Janice at Julia nung marinig namin ang tila humihinging tulong na si Karen. Nakita namin siyang humahangos na tumatakbo sa'min at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nung makita ang dumudugo niyang braso at sa likod niya ay mga lalaking sa tansya ko ay nasa sampo hanggang isang dosena. Goodness. This is so not right.

Napalunok ako at hinanda ang sarili kahit wala naman akong alam sa pakikipaglaban. Buti na lang nandito si Ethan at sina Janice pero hindi naman palaging sa kanila na lang ako umaasa ano. I need to defend and protect myself alone. Binitawan ko ang kamay ni Ethan na mahigpit na nakahawak sa'kin. Maang pa siyang tumingin sa'kin but I just gave him a sweet smile and mouthed "I'll be okay" to him. Tinanguan namin ang isa't isa bago ako bahagyang lumayo sa kanya.

Huminga ako ng malalim bago ko sinangga ang kamao ng lalaking sumugod sa'kin. Kanina pa ako nagtataka, bakit wala dito sina tita Janelle? Napakunot ang noo ko habang nakikipag-arm to arm combat sa kaharap. At isa pa, bakit ang daming men in black na sumusugod sa'kin, nandiyan naman yung iba pero mukhang ako yung puntirya nila. Problema ng mga 'to?

Napapagod na ako pero parami ng parami ang mga men in black at tila hindi maubos-ubos. I was about to punch the other men in black in front of me nung may tumulak sa'kin dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Aray ha!!"galit na sigaw ko sa tumulak sa'kin mula sa likod. Ang sakit ng puwet ko. Galit aking tumayo at tinuro yung dalawang men in black na nasa harapan ko. "You and you, mga bwiset kayo!!"nanggagalaiti na sigaw ko at susugod na sana ulit kaya lang ay may humatak sa braso ko kaya napatigil ako at timingin rito.

"Jennylyn"nakangiting usal ko sa may hawak ng braso ko. Ngumiti siya at umiling-iling. Inilibot ko ang paningin sa paligid at nakita ang ilan sa mga kaibigan namin. Thank god they're here. Kahit papa'no ay nakahinga ako ng maluwag. Siguro naman mananalo kami rito.

"Ako na ang susugod para sayo. Mukhang mainit ang ulo mo. Bumalik ka na kay Ethan"

Tumango lang ako sa kanya bago ako tumakbo kay Ethan na pinipilipit yung leeg nung isang men in black at sinipa niya pa yung isang papasugod sa kanya. Astig. Lalapit na sana ako kaso ay may nakita akong lalaki sa may bandang likod niya at nakatutok ang baril niya kay Ethan. Inilibot ko ang paningin at may nakita ulit akong mga men in black sa likod nina Janice at Julia na papasugod na rin sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko at nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Janice at Ethan. Nataranta ako kaya hindi ko sinasadyang matapakan ang bangkay ng isang men in black. Sinulyapan ko ito at bumaba ng tingin ko sa mga kamay niyang may hawak na baril.

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon