Chapter 5. Stranger

2.3K 69 0
                                    


Chapter 5. Stranger

Claudette's Pov

Tahimik akong naglalakad sa hallway no'ng mapansing nagtatakbuhan sina Charlie kasama ng iba papunta sa direksiyon ko. Napakunot naman ang noo ko. Anong meron? Bakit kung makatakbo sila ay daig pa ang mga batang naabutan ng curfew? I shooked my head and wait for then to reach my direction para matanong ko sila.

"What's going on?" tanong ko kay Charlie na siyang unang nakarating sa pwesto ko.

"Yow, Claudette!" aniya sa mababang boses at kasunod nito ang paghugot niya ng malalim na hininga. Takbo kasi sila ng takbo eh. "Magpapractice kaming mga kasali sa banda doon sa music room." he added that made my lips formed an 'o'.

Napaisip naman ako. Tutal wala akong gagawin, pwede siguro akong manood sa kanila. Yeah!! That's a great idea!!

"Sama ako" nakangiting saad ko na tinanguan lang naman niya.

"Tara na"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinablot niya ang kamay ko at hinila ako pabalik sa pinanggalingan ko kanina. Sa third floor kasi ang music room at nandito rin ang kwarto ko pati na rin ang kwarto ni Ethan at no'ng iba pa.

"Teka, wala ka bang ibang gagawin?" rinig kong tanong niya na siyang kinailing ko naman.

"Wala na. Nakapag-ayos na ako ng kwarto ko at tapos ko ng basahin 'yong mga hiniram kong libro sa inyo"

"Fan ka talaga ng mga gano'ng love story 'no"

"Oo naman. Mula noon hanggang ngayon!"

"Eh bakit hindi ka mag-request ng mga gano'ng libro kay pareng Ethan? Tiyak akong isang sabi mo lang, susundin ka no'n!"

My eyebrows furrowed because of what he said. Bakit naman ako susundin ni Ethan? Hindi ba't siya ang dapat na sinusunod ko kasi siya ang boss? I let out a deep sigh and shooked my head. Isa pa, nakakahiya namang humingi ng mga gano'ng bagay sa kanya. Hindi naman kami close no'n!

"Huwag na, bibili na lang ako kapag nagka-pera na ako" sambit ko na lang sa kanya pero ano bang inaasahan ko kay Charlie? Syempre, dadaldal parin siya.

"Huh? Sa dami ng pera ng ni pareng Ethan, para sa kanya, barya lang ang halaga ng mga librong gusto mo. Tsk. Tsk!"

Napatango na lang ako sa sinabi niya kahit na ramdam ko ang pagkirot ng puso ko. Alam ko namang mapera siya, kaya nga niya ako nabili eh. I forced a smile at him before I answered what he was saying.

"Sige. Try ko" nakangiting saad ko kahit alam ko sa sarili kong hindi ko naman gagawin ang bagay na iyon.

Muli akong napabuntong-hininga. Muli kong naramdaman ang pagbilis ng paglalakad namin hanggang sa napagtanto ko na lang na tumatakbo na pala kami.

Hila-hila parin ni Charlie ang kamay ko habang tumatakbo kaya naman para kaming hinahabol ng aso sa bilis naming tumakbo. Gano'n na ba siya ka-late sa practice na sinasabi niya? Makahila naman kasi siya eh ang sakit na ng kamay ko sa higpit ng pagkakahawak niya. At isa pa, bakit kasi ang laki ng bahay na ito. Ang haba pa ng hallway na tinaktakbuhan namin. Napaisip ako. Para kaming na isang movie tapos hinahabol kami ng mamamatay tao tapos ang bida ay si Charlie at ako kaso nga lang, hindi ako bagay sa mga gano'n eh. Mahina akong nagkibit ng balikat.

Pagkarating namin sa tapat ng pintuan ng music room ay agad-agad akong hinila ni Charlie papasok. Makahila naman 'to, wagas na wagas ah. Nakalimutan ata niyang si Claudette ako.

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon