Chapter 24. Tree house

1.6K 47 0
                                    


Chapter 24. Tree house

Claudette's Pov

Masaya. Yan lang ang tanging masasabi ko sa relasyon namin ni Ethan. It's been three months nung naging kami at magfo-four months na kami ngayong araw na ito. I'm sitting at the garden swing while staring at the beautiful flowers in front of me. Ang ganda. Sobrang ganda. I can't explain what I'm feeling right now. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwalang kami na. Magfo-four months na. Minsan nga iniisip ko kung siya na ba talaga at kung sakali mang siya, I'm sure that I'll be happy. I smiled. The way he look at me, the way he smiled at me, I'm sure, he's the one for me.

Hindi rin naman maiiwasan ang tampuhan namin sa isa't isa pero hindi rin naman nagtatagal kasi naayos rin namin agad. Yun bang tipong walang matutulog hanggat hindi kami nagkakaayos. Siya ang pinakamahaba ang pasensya sa'ming dalawa kaya hindi ko maiwasang mapangiti na lang. He's really matured to handle this relationship, to handle this childish attitude of mine. Palaging siya ang nagpapakumbaba kahit na ako naman talaga ang may kasalanan at yun ang dahilan kung bakit ko siya lalong minamahal. I love him not just only his good looks but the way he loves me. I always see the love in his eyes, in his voice, in his acts. I love him very much.

Napangiti ako at itinulak ang swing gamit ang mga paa ko. Wala si Ethan ngayon kasi may meeting siya. Ang dami pa nga niyang bilin sa'kin na akala mo mawawala siya ng matagal eh uuwi din naman siya mamaya. I shooked my head and smiled. Huwag daw akong pasaway. Like seriously, minsan lang naman ako pasaway eh, kapag nandiyan yung mga second generation girls. And speaking of the girls, nandon sila sa backyard, gumagawa ng tree house. I rolled my eyes. Sabi nila, kapag daw girls talk, do'n daw kami pupunta. Kita niyo na, dinamay pa ako.

Tumayo ako at nagtungo sa backyard para i-check sila. Wala rin kasi yung mga boys at mga nanay at tatay nila kaya kami lang ang naiwan dito. Syempre gagawa na naman sila ng kalokohan kasi walang sasaway sa kanila. Hindi ko rin naman sila masaway kasi minsan, kasali rin naman ako sa mga kalokohang ginagawa nila. Natawa ako ng mahina at umiling-iling. Well, at least, I have them.

"Oh ano yan, doon yan ilalagay"

"Eh ang pangit"

"Dapat maraming flowers para mas maganda"

"Hindi tayo pwedeng kumuha sa garden ng mga bulaklak kasi magagalit si tita Janelle"

"Edi bumili tayo, basic"

"Anong basic? Ha, pa'no tayo makakalabas aber?"

"Oo nga 'no"

"Tatakas tayo"

"Sige. Ikaw na maunang umakyat diyan sa lintik na pader na yan"

Natawa ako dahil sa pagbabangayan nila sa kung pa'no sila tatakas. Nakita ko pang napakamot si Jennifer sa batok.

"Oh tapos na ba?"natatawang tanong ko sa kanila. Sabay-sabay silang napatingin sa'kin at umiling-iling. I sighed. "Eh bakit kasi hindi na lang tayo magpagawa?"muling usal ko.

Umiling silang lahat."Hindi pwedeng may pumasok. Dapat atin lang ito"

Natawa ako. "Ano pang kulang?"

"Hindi pa namin naikakabit yung pinto tsaka wala pang gamit"nakasimangot na sabi ni Jane bago muling sumulyap sa wood na pinto na nasa paanan nina Julia at Jennifer.

Tumingin ako sa tree house na walang pinto. Lumapit ako rito at maingat na humakbang paakyat sa hagdanan nito at tumingin sa loob. Maayos naman siya kaso nga lang, nakakatakot kasi para akong mahuhulog sa rupok nito. Napangiti ako nung may pumasok na idea sa utak ko at dali-daling kinuha ang papel na nasa bulsa ng short ko. I smiled. Ginuhit ko ang tree house na ito nung minsang lutang ako sa school. Hindi naman sa hindi ako nakikinig pero nagkataon lang talaga na may period ako sa araw na iyon at wala ako sa mood. Inilabas ko yung notebook ko at nag-drawing at gano'n na lang ang gulat ko nung makitang tree house ang naidrawing ko and I admit it, maganda siya.

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon