Chapter 25. Adopted

1.5K 45 0
                                    


Chapter 25. Adopted

Claudette's Pov

"Yeppie!!Tapos na ang ating tree house!!"

Nagpalakpakan kaming lahat pagkatapos isigaw iyon ni Janice. We're done. Sa wakas, natapos din ang tree house na ang hirap gawin ng kami-kami lang. Biruin mo, nakipag-kuntyaba kami dun sa mga lalaking nagdeliver ng mga gamit. Syempre sila ang pinagbuhat namin pero palihim nga lang kasi nandiyan yung mga guards. All in all, matibay at maganda naman ang tree house na ginawa namin. Nagmukha tuloy kaming mga engineer at architect.

"So akyat muna tayo"utos ko sa kanila. Agad naman silang nagsitulakan paakyat ng hagdan at papasok sa unang pinto.

Bale tatlong kwarto ang naririto. Yung unang kwarto ay malawak which is magiging room nina Agatha, Kyline, Jennifer, Christie, and Violet at ang pangalawa naman ay maliit lang na kwarto at yun naman ang magiging room nina Julia at Jane tapos yung kwartong nasa taas which is magiging kwarto naming apat nina Karen, Janice, at Jennylyn ay medyo malawak rin. Bale sa unang kwarto ay may dalawang double deck at isang single bed. Sa pangalawang kwarto ay may dalawang single bed at yung kwarto namin ay may dalawang double deck.

"Wahhhh ang ganda naman!"tili ni Violet at pabagsak na humiga sa isang single bed. I bet gustong-gusto niya ng may maraming pillow kaya bumili na ako ng maliliit na pillow para sa kanya.

"The best yung nag-design!!"tili rin ni Christie habang umiikot-ikot sa buong kwarto at malapit na akong mahilo sa kanya. I shooked my head. Ako ang pinakamatanda rito kaya ako ang ate. At isa pa, binili ko yung mga favorite nila like Violet na gustong-gusto ang bed na maraming pillow, sina janice at Karen na gustong-gustong ang kulay na pink kaya yun rin ang binili kong bedsheet nila. Sina Agatha at Kyline na gustong-gusto ang mga stars kaya naglagay ako ng design na stars sa kisame which is umiilaw kapag madilim. Si Jennifer naman ay gustong-gusto ang malapit sa bintana kaya doon ko na ipwinesto yung isang single bed.

"Wahhh thank you ate Claudette!!"sabay-sabay nilang sigaw pagkatapos ay dinamba na nila ako ng yakap at halos hindi na ako makahinga. Nyemas.

"Okay na guys, hindi na ako makahinga ayoko pang mamatay ano"

"Okay!!"nagtawanan kaming lahat matapos silang kumalas sa'kin.

"Tsaka hindi ka pa mamatay hanggat hindi pa kayo kinakasal ni kuya Ethan"

Namula ako nung nagsimula na nila akong tuksuhin kay Ethan. I gulped. Natahimik lang kami nung tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa ng pantalon na suot ko. Agad ko itong kinuha at gano'n na lang ang pagkataranta ko nung makita ang pangalan ni Ethan sa screen. Tumingin ako sa kanila at sinenyasan tumahimik na ikinatango naman nila.

Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag.

"Hello?"

("You're not in your room binibini. Tell me what did you do again and where are you?")

Nanlalaki ang mga mata kong napatakip sa bibig. What the hell was that. Pa'no naman niya nalaman na wala ako sa kwarto ko. Lumabas ako ng tree house at pinagmasdan ang paligid kung narito siya kasi baka mamaya eh niloloko lang ako nito.

"Ginoo, nasa mansion ako"sinabayan ko pa ng tawa ang sinabi ko para hindi halatang nagsisinungaling. Tumingin ako sa likod at nakitang nakasunod lang sa'kin ang mga girls na parang tinatanong pa ako kung anong nangyayari but I just rolled my eyes to them. Mga tsismosa rin eh.

("Pauwi na ako pati na sina mommy. In 5 minutes nandiyan na ako")

I gulped. 5 minutes?

"S-sige bye"

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon