Chapter 26. Special Place

1.5K 47 0
                                    


Chapter 26. Special Place

Claudette's Pov

Pakanta-kanta kong hinahaplos ang mga braso at hita ko na nakalublob dito sa bathtub. Sabi kasi ni Ethan pagka-alis namin sa gym ay mag-ayos daw ako at may pupuntahan kami that why I'm taking my time. Mas gusto kong magbabad muna para magrelax kasi pakiramdam ko talaga ay sobrang lagkit ko na. Fourth months na kami ngayon. Napaisip naman ako. Ano na naman kayang pakulo ang inihanda niya ngayon.

I sighed.

Si Ethan yung tipo ng lalaking gagawing special ang mga araw mo at siguradong hindi mo makakalimutan ang araw na iyon. He's really that sweet samantalang ako eh wala man lang maibigay sa kanya. Palagi siyang may sorpresa sa tuwing monthsary namin at hinihiling kong, sana at hindi siya magsawa.

I close my eyes to relax myself. The warm water makes me relax at yun lang ang alam kong tanging paraan para pakalmahin ang sarili lalo na kapag nananaginip ako ng masasama. Bigla akong napaisip. Bakit nga ba ako palaging nananaginip ng mga masasamang pangyayari. I don't like it because it makes me scared or afraid about something. Napabuntong hininga ako at kumanta na lang ulit.

🎶Cause the girl in my mirror
Is crying out tonight
And there's no---🎶

Naputol ang pagkanta ko nang may sunod-sunod na kumatok sa pinto ng banyo. Napamulat ako at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nung makita si Ethan na nakasandal sa bukas ng pinto. Teka lang, diba ni-lock ko yun. Pa'no niya nabuksan. Akmang magsasalita pa sana ako at magtatanong pero hindi ko na nagawa kasi pinakita niya sa'kin ang tatlong susi na magkakaiba ang hugis. Sige, isipin niyong heart shape yung isang susi. Biro lang.

Tumingin ako sa kanya at nakitang nakatitig lang siya sa'kin. He also cross his arms and I don't know why.

"Binibini, why aren't you still not finish yet?"he smirked.

Pinasadahan niya ang katawan ko ng tingin at kamuntikan na akong mapasigaw nung mapagtantong kitang-kita niya ang dibdib ko at ang mga hita ko dahil hindi naman masyadong puno yung bathtub. Napalunok ako. Agad namang nag-init ang mga pisngi ko sa pagkataranta kung paaalisin ko ba siya, sisigawan o ano. Muli kong inilubog ang katawan sa bathtub para kahit papa'no ay matakpan ang expose kong katawan.

I heared him chuckled kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"You!!"turo ko sa kanya. "B-bakit ang bastos mo. Hindi ka man lang kumatok!!"sigaw ko sa kanya pero tumawa lang siya. Ako naman ay parang nahipnotismo na naman dahil sa tumatawa siya. He's really handsome.

What are you thinking Claudette. May kasalanan pa yan sayo.

Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan. Bakit ba kasi ang gwapo niya. I shooked my head. Iwinaksi ko ang maamo niyang mukha sa isipan ko at muli na naman akong pinamulahan nung maalala ko yung kanina. I can't believe it. He almost saw everything except down there. I gulped again. So embarrassing.

I bow my head and bit my lower lip because of embarrassment. Nakakahiya. Kasalanan naman niya diba. Bakit kasi pasok na lang siya ng pasok ng kwarto na hindi naman sa kanya. Sana naghintay na lang siya sa labas. Nakita niya talaga. Hindi talaga ako makapaniwala.

"Don't worry binibini, it's a secret"pagkatapos niya iyong sabihin ay tumawa ulit siya habang ako naman ay pulang-pula na ang buong mukha. Napapikit ako ng mariin. Pa'no ko siya haharapin.

Naramdaman ko ang mga yapak niya papalapit sa'kin pero hindi ko siya nilingon. Bakit ako pa yung nahihiya. Diba dapat siya kasi siya naman yung pumapasok ng walang paalam. This is my room for pete's sake. Goodness. This is so not right.

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon