Chapter 3. His family

2.7K 74 0
                                    


Chapter 3. His family

Claudette's Pov

Nagising ako dahil sa magkakasunod na katok sa pintuan. Iminulat ko ang mga mata at tinitigan muna ang kisame na parang iyon ang ang pinaka-interesadong bagay ngayon. Kumurap-kurap pa ako upang maka-adjust sa liwanag na nagmumula sa bintana. Umaga na pala.

Bumangon ako at naglakad patungo sa pintuan upang pagbuksan ang kung sino mang kumatok roon and I was surprised when I saw Ethan wearing his sweet smile. Why do I feel butterflies in my tummy whenever he smiled at me. Tumitig ako sa kanya at kamuntikan na akong mabuwal sa kinatatayuan nung makitang topless na naman siya at tanging tuwalya lang ang nagtatakip sa ibabang parte ng katawan niya. Lumunok ako. Bakit ba palaging ganyan ang itsura niya kapag pumupunta rito? Nananadya talaga siya eh. It's just too simple to grabbed a clothes and wear it but, bakit hindi niya yun magawa. Gosh it's too hot here.

Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod na sa kanya upang maglakad papasok sa kwarto ulit. I admit it that he has a well built body. His broad chest and six pack abs makes me blush and I can't do anything about it but to look away. Mas maganda na ring umiwas ako ng tingin kaysa makita niyang namumula ako. I bit my lower lip. Am I attractive to him? I shooked my head. No, I shouldn't.

"Mag-ayos ka na. My parent's will arrived here later together with my other friends."

Pinilit kong hindi lumingon sa kanya para maiwasan kong makita ang katawan niyang nakabalandra lang pero kalaunan ay nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. Anong sinabi niya? He's parent's and friends will arrived here later. Suddenly I felt nervous. I will meet his family later. What should I do.

Kahapon kasi eh wala kaming kasama rito maliban sa mga yaya, bodyguards, at kina Vash at Charlie. Inilibot din nila ako sa mansion nila at talaga pa lang ang laki nitong bahay nila. Kasya na siguro rito ang isang daang tao. Nakakamangha rin ang view sa rooftop nila. May pool roon at mini bar kaya pakiramdam ko doon ko gustong tumambay kapag nagkataong malungkot ako. Maganda ring mag-star gazing doon. Suddenly I smiled like an idiot. I like it here. It's amazing and beautiful.

Gusto ko ring magkaroon ng maraming kaibigan. Iyong totoong kaibigan kasi yung mga kaibigan ko ay puro plastic. Akala ko pa naman eh pagdating ng araw na malungkot ako ay may dadamay sa'kin pero kaibigan lang pala nila ako kapag may kailangan sila. Katulad ng kailangan lang nila ako kapag gusto nilang magpagawa ng requirements sa school o kahit na ano.

Hindi ko naman kasi sila mapantayan kasi mayayaman sila tapos ako, isang simpleng buhay lang ang meron ako at bukod roon ay wala rin akong sariling kotse. Iyon siguro ang isang dahila kung bakit hindi nila ako gustong maging kaibigan. Isa pa, nakapasok lang naman ako sa LU dahil sa isa akong scholar doon.

Kahit na may kumpanya kami, hindi iyon sapat para matustusan no'n ang tuition sa isang unibersidad. Daang-daang libo ang tuition roon at hindi no'n kayang kitain ng kumpanya namin. Idagdag pa na lumulubog na ang kumpanya dahil baon na ito sa utang kaya nag-aral na lang ako ng mabuti para makakuha ng scholarship and thank god I did it. Nakapasok ako doon last last month lang pero yun nga, nangyari yung hindi ko inaasahang mga pangyayari sa buong buhay ko. I lost my mom at siguro nawala na rin sa'kin si papa dahil sa hindi na kami nagkakapansinan sa tuwing nasa bahay kami.

But now, I'm so thankful because someone save me from danger. Malapit na akong mapahamak pero salamat at may dumating na tao para iligtas ako.

"Take a bath now binibini pagkatapos ay bumaba ka na lang at pumunta ka ng dinning"

Umiwas ako ulit ng tinhin sa kanya bago huminga ng malalim. "O-okay tsaka pwede bang kapag pumupunta ka rito magdamit ka muna"nauutal kong sabi. I heared him laugh kaya naman napatigil ako ulit at napakagat labi. Sexy laugh.

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon