Chapter 17. See each other again

1.5K 54 0
                                    


Chapter 17. See each other again

Claudette's Pov

"Sandali nga Sunshine. Ano ba. Kanina ka pa hila ng hila diyan eh"

"Excited lang ako. Ano ka ba naman Claudette"

I rolled my eyes secretly. Nandito kami sa harap ng isang bar daw na sikat. Kanina pa kami naghihilahan ng kamay ni Sunshine dito sa labas dahil ayaw kong pumasok kasi gagawin ko pa yung activities na ibinigay sa'kin ng school kanina lang. Kung hindi ko pa nasasabi sa inyo, hindi na ako pumapasok at sa halip ay kumukuha na lang ng mga activities. Magtatapos na ako ng college pero hindi ko nasulit dahil na rin sa trabaho ko. Ayaw ko rin namang pumasok dahil baka makita ko lang si Ethan roon. Napabuntong-hininga ulit ako no'ng hinila ako ulit ni Sunshine papasok at sa huli, nagpahila na lang ako. Pumayag na rin akong pumasok.

Ito ang unang beses na nakapasok ako sa isang bar. Hindi naman ako katulad ng iba kasi na palagi lang sinasayang ang oras sa bar at gumagastos ng libo-libong pera at isa pa, wala rin naman akong gano'ng pera noon kasi ngayon lang ako nagkaroon ng libo-libong sweldo. Nakapagbukas na rin ako ng bank account ko. Kailangan ko ng mag-ipon para sa future.

I sighed. Hawak-hawak parin ni Sunshine ang kamay ko at nagpunta kami sa isang stool para umupo roon. Nag-order din siya ng wine para sa aming dalawa. Hanggat maaari ay ayaw kong nalalasing dahil mas lalo lang akong mababangungot. Nga pala, 'yong panaginip ko, bumabalik na naman. Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko roon dahil nadagdagan 'yon ng isang nakakapangilabot na eksena. I don't wan't to mention it right now. Hindi ko kaya dahil para akong masusuka dahil roon. I've been suffering from that nightmare at hindi pa ako nakapagpa-check up sa doktor. I sighed and drink the wine that place in front of me.

"Ang gwapo naman ng mga nadito. Halos lahat ah. Claudette tignan mo 'yon oh. Si boss"

Pinaningkitan ko siya ng mata at inilibot ang paningin hanggang sa mapunta ang tingin ko sa isang grupo ng mga kalalakihan na ikinalaki ng mga mata ko. Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan no'ng lumingon 'yong isa rito sa gawi namin na nanlalaki rin ang mga mata niya no'ng makita ako. What's happening. Sina Ethan 'yon at no'ng iba pang kaibigan niya. Goodness. Hindi dapat ako nagpahila kay Sunshine para lang makapasok rito. This is so not right.

Nataranta ako no'ng itinuro ako ni Charlie at mas lalo pa akong nataranta no'ng tumingin silang lahat sa'kin including Ethan. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakita rin 'yong iba pang girls na kaibigan ko. Teka anong meron. Bakit nandito silang lahat. Sa sobrang taranta ko ay nahablot ko ang kamay ni Sunshine na may hawak na wine kaya nabitawan niya ito at gumawa ng ingay no'ng nahulog yung baso. Napatingin lahat sa'min yung mga taong malapit sa pwesto namin. Goodness.

"Hoy! Anong problemo?"nakakunot na tanong sa'kin ni Sunshine at binawi mula sa pagkakahawak ko yung kamay niya.

"W-we have to go" natatarantang sabi ko habang pasulyap-sulyap sa gawi nina Ethan na ngayon ay nakatayo na silang lahat.

My goodness. This is so not right. Pilit kong hinihila palabas si Sunshine pero sadyang malakas siya dahil na rin siguro sa naka-heels ako. Huwag naman sana akong matapilok sa kakahila sa kanya. Ang eksena tuloy namin ay para akong isang nanay na pinipilit na umuwi ang anak. Pilit ko siyang hinihila pero pilit rin niya akong pinapabalik sa dati naming pwesto. Naghihilaan na kami rito at napapatingin na rin sa'min halos lahat ng mga tao.

"Ano ba kasing problema Claudette. Ang sakit na ng kamay ko ha"

"Kailangan na nga nating umuwi"

"Hoy!Masyado pang maaga"

"K-kasi...."

"Kasi ano?"

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon