Chapter 9. Fear

1.8K 62 0
                                    


Chapter 9. Fear

Claudette's Pov

"Binibini"

Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkakasubsob ko sa sarili kong table dito sa office ni Ethan. Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan ng 'anong-sasabihin-mo-look'. I rolled my eyes when he just give me a smile. This is my first day of being his secretary pero wala naman akong ginagawang paper works. Nakakabanas na dito. Palagi na lang akong nakaupo dito sa table ko. Wala naman akong gadgets para may pagka-abalahan at kung meron man, wala rin naman akong mga account.

For me, facebook is boring lalo na kung wala rin namang matinong mababasa at makikita roon like for example, other people are using social media to bully others o di naman kaya ay maninira sila ng mga dignidad ng iba. I'm not saying that using social media is bad pero sana naman kasi ay gamitin nila iyon ng tama at hindi ang mga ganong bagay.

It's not bad specially when your a student's kasi syempre magagamit mo yun sa studies mo but you should know your limits on using social media. Don't use it to bully others because it may cause depression.

"Binibini, can you make a coffee for the both of us"

"Okay"

Walang imik akong tumayo at nagpunta sa isang room na may glass wall at glass door sa bandang kanan ko. Ilang hakbang lang naman yun mula sa table ko kaya hindi ko na kailangang bumili sa labas ng company.

Ito pa lang ang unang ipinagawa niya sa'kin actually. Ang magtimpla ng kape. I don't know if I'm a secretary here or just a display. Nakakabanas na kaya. Palagi akong nakaupo at sobra ng nakakaantok dahil wala akong magawa.

Pagkatapos kong magtimpla ay nagtungo na ako sa tabi niya para ilapag ang kape. Tumingin muna ako sa labas at gano'n na lang ang kunot noo ko nung makitang makulimlim na at uulan pa ata. It's only 4 in the afternoon. Ang aga naman atang umulan. Inilapag ko ang kape at pasimpleng tumingin sa binabasa niya para makibasa rin. Nakita ko roon ang dalawang babae na duguan sa dyaryong binabasa niya. Napatakip pa ako sa bunganga nung makitang kahapon lang nagyari ang krimen. Yuck. Masyadong brutal. Naliligo silang dalawa sa mga sarili nilang dugo pero nakakaawa sila at the same time.

I sighed. Bigla namang napatingin sa'kin si Ethan kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa dyaryo. Baka sabihin pa niyang tsismosa ako. Hindi naman maling makitsismis ano. Nagmadali akong bumalik sa table ko pero kinabahan ako nung maramdamang nakatingin parin sa'kin si Ethan hanggang sa nakaupo na ako. I look away but it seems like there's a magnet in his eyes that's why I look at him again. Nagsalubong ang paningin namin at hindi ko na naiwasang mailang. Kakaiba talaga ang mga tingin niya. Yun bang inaakit ka na lumapit ka sa kanya kahit wala pa siyang sinasabing salita. Goodness. What am I thinking.

"Binibini?"

Tsaka lang ako tumingin sa kanya nung nagsalita siya. Kahit naman hindi siya tumitingin eh nakakailang parin. I don't know but when sometimes he's around me, I feel safe. Parang ang layo ko sa panganip kapag nandyan lang siya sa tabi-tabi. Hindi ko rin alam kung bakit gano'n na lang ang pakiramdam ko. Ang isang bahagi ng katawan ko ay sinasabing magtiwala lang ako sa kanya at siguradong walang mangangahas na saktan ako pero nandoon parin ang duda sa sistema ko na sinasabing hindi sa lahat ng oras ay nandyan siya kaya pwede parin akong mapahamak but for now, I trust him. I should.....for now.

"Bakit?"tanong ko sa kanya. Sumimsim muna siya ng kape sa tasa habang nakatingin sa'kin bago siya ulit nagsalita.

"Ito lang ang gagawin mo as my secretary". Itinaas niya ang tasa ng kape. Pinanlikihan ko siya ng mata but he just chuckled. Nagtatanong ko siyang tinignan. Seriously? Sira ba siya. Isa akong sekretarya niya tapos ang trabaho ko ay magtimpla lang ng kape. Masyado naman atang boring iyon. Nakakabanas na ngang maupo lang dito tapos yun pa ang trabaho ko in three days. Yun lang, as in. Tsk. Oh well, matutulog na lang ako. Meron namang mahabang sofa at may mga throw pillow din kaya walang problema. Nyeta.

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon