Chapter 14. Her new friend

1.6K 44 1
                                    


Chapter 14. Her new friend

Claudette's Pov

Paulit-ulit akong bumuntong hininga habang pinagmamasdan ang apartment na nakuha ko para pansamantalang matirhan. Pandalawahang tao itong apartment na nakuha ko. Yung magiging kasama ko ay dadating palang mamaya. Maayos naman ang bahay. May dalawang kuwarto, isang cr, maliit na sala at maliit na kusina. Ayos na ito kesa wala.

For the nth time, I sighed again. Pagkatapos ng pagsisigawan naming iyon ni Ethan ay agad na akong umalis. Pinigilan nga ako ni tita at nung iba pa pwera lang kay tito Ace, Ethan, at Zander. Hindi ko nakita si Ethan ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung nasaan siya. Binigyan pa nga ako ni tito Ace at Zander ng credit card eh. Gusto ko sanang tumanggi kaso nga lang masyado ata silang nakatakot para tanggihan ko lang kaya kinuha ko na lang. Kahit na meron ako ng pera nila, hindi ko naman ito gagamitin. I need to find a job para sa pangaraw-araw na pangangailangan ko. Kailangan ko ng part time job para rin sa pag-aaral ko.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig sa sala at nagtungo na sa isang kwarto para ayusin ang mga gamit ko. Siguro maghahanap na muna ako ng trabaho pagkatapos kong mag-ayos. Kailangang-kailangan ko na ng trabaho sa lalong madaling panahon. Ayokong gamitin ang perang ibinigay nina tito Ace dahil magkakaroon naman ako ng utang na loob sa kanila. Siguro naman sapat na ang scholarship ko at pagtira ko roon. Ngayon kailangan ko ng mag-isa. Kailangan ko ng wala siya.

Yung sumbatan namin kanina ni Ethan ay mahirap para sa'kin pero masakit rin. Inaasahan kong pipigilan niya ako pero sadyang wala talaga siyang pakialam sa'kin kaya pinabayaan na lang niya ako. But I like what he did kasi oras na siguro para alisin ko yung nararamdaman ko para sa kanya para kapag nagharap na kami, magiging komportable ako kapag nasa tabi niya. Hindi ko kasi maiwasang mailang sa tuwing tatabi siya sa'kin o titignan niya ako o di naman kaya ay kakausapin niya ako. I admit it na mahirap magmove on pero sana tandaan niyo rin na iyon ang dapat na gawin. Kapag nasaktan ka, then move on. You should forget you feelings for that person para makapag-simula ka ulit. Hindi ko pinagsisisihan ang sinabi ni Ethan. It's for my own good. I will now my life without him.

Gulat akong napatigil sa pag-aayos ng mga damit ko sa cabinet at napatingin sa pinto ng kwarto ko. May kumatok roon kaya agad akong nagtungo roon para pagbuksan siya. I guest, it's my new roommate. Pagkabukas ko sa pinto ay bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ng babae na sa tingin ko ay mas matanda sa'kin ng ilang taon pero mas matangkad ako sa kanya. She's beautiful with a pair blue eyes. Sa tingin ko ay may lahi siyang American dahil na rin siguro sa kutis at mata niya.

"Hello!!I'm Sunshine Murphy your roommate and I hope we can be friends!!"

Inilahad niya ang kamay sa harapan ko at nakangiti ko naman iyong tinanggap. She's too loud. But I like her. She's friendly the way she talks and smile.

"Hi, I'm Claudette Ruiz. Nice to meet you"nakangiting pagpapakilala ko rin sa sarili. Tumango siya pagkatapos ay excited siyang tumalon-talon. Napangiwi naman ako nung tumili siya. Ang lakas ng boses niya. She's really too loud.

"Omo, your so beautiful. Your name perfectly suits you!!"

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya parang nahiya naman ako. I'm still wearing the croptop and short na suot ko kanina sa mansion. Hindi na ako nag-abalang magpalit pa para makaalis na ako agad roon.

"Are an artist?"

Napakunot ako ng noo sa tanong niya. Wala akong confidence sa sarili para mag-artista.

"No"maikling sagot ko. Pinanlikihan niya ako ng tingin at napatingin sa kisame na parang nag-iisip ng sasabihin.

"Ahh alam ko na. Model ka?"

I shooked my head. "No"

"Anak ng presidente ng Pilipinas?"

"Hindi"

"How about, anak ng CEO?"

"Hindi rin"iiling-iling na sagot ko. Ano bang pinupunto niya.

"Ilang taon ka na ba?"muling tanong niya.

"19"

"Kailan ka mag-twetwenty"

"Next year pa"

Nalalaki ang mga mata niyang tuminhin sa'kin habang ako naman ay nakakunot lang ang noo. I don't understand her. Ano bang gusto niya iparating. Nakita kong tumango-tango na parang may malalim na iniisip. Nawiwerduhan na ako. Hindi ko alam kung ano bang iniisip niya.

"Kaka-nineteen mo lang?"

"Yes, three months ago"

"Ang bata mo pala. Ang tangkad mo at ang matured ng mukha mo. Mukha kang model. Ano bang trabaho mo?"

"Wala, nag-aaral pa lang ako"

"Hay naku Claudette, kung may ganyan akong mukha ng kagaya sayo, magmo-model ako. Sa ganda mong yan, sigurado akong makakahanap ka ng manager na magte-train sayo as a model"

Naglakad kami papasok ng kwarto at naupo sa kama ko. Gano'n na lang ang gulat ko nung nagpunta siya sa harapan ko at pinameywangan ako habang ang isa niyang daliri ay nakaturo sa'kin. Maang ko siyang tinignan.

"Meron akong kakilala na naghahanap ng model. Gusto mo ireto kita para naman magamit mo yang ganda mo. Sayang eh!!"

Napasimangot ako sa sinabi niya. Marami ng nagsasabing maganda ako at bagay na maging model pero wala talaga akong lakas ng loob para sa mga ganong bagay. Nung bata ako gustong-gusto kong mag-artista pero takot rin ako na baka i-bash lang ako ng mga tao. Alam ko naman ang pasikot-sikot sa showbiz eh. Kapag naging sikat ka na, maglalabasan naman yung mga artistang insecure sayo. Sisiraan ka nila kaya ka magkakaroon ng mga haters but what can I do right, gano'n talaga ang showbiz, nakala-depress.

"I don't have confidence"sagot ko nalang sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang likod ko. "Mahirap lang naman ako eh. Hindi ako mayaman. Wala akong pera. Wala akong sapat na lakas ng loob para maging isang artista o model" pagpapatuloy ko sa pagsasalita. I heared her sighed.

"Mahirap lang din naman ako Claudette. Pinagbubuntis palang ako ni mama pero iniwanan na kami ng ama ko. Naghahanap ako ng magandang trabaho para kapag guminhawa na ang buhay namin ni mama at nagkaroon ng sapat na pera, lilipad ako papuntang America para hanapin ang tatay ko"

Napatingin ako sa kanya dahil sa narinig. Kung gano'n ay katulad ko rin pala siyang naghahanap ng magandang trabaho para guminhawa nag buhay. I sighed and smiled at her.

"Susubukan ko"sabi ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at tumili ng malakas. Napangiwi naman ako dahil sa lakas ng boses niya. Mega phone lang ang peg. Para siyang sina tita Venus at Janice. Nalungkot ako sa naisip. Ilang oras pa lang ang nakakalipas pero miss na miss ko na sila. I sighed. Siguro gano'n lang talaga kapag naging-close mo na sila. Mahirap ng mawalay sa kanila lalong-lalo na Kay Janice. I remember her face turning red while sobbing. Nagbago ang isip ko na huwag na lang umalis nung nakita ko siya pero agad ko din iyon binawi nung maalala si Ethan. Kailangan ko munang lumayo sa kanila para ayusin ang sarili ko. Paano ko sila babayaran kung palagi na lang akong umaasa sa kanila diba.

Ngumiti na lang ako kay Sunshine na ngayon ay tinititigan ang mga damit kobsa cabinet. Well at least, I met this beautiful girl named Sunshine. Mabait siya at nakakatuwa. She's my new friend at ituturing ko siyang ate magmula ngayon.

"O eto na. Isuot mo ito pagkatapos ay magpupunta na tayo sa magiging manager mo"excited na sabi niya habang nakalahad sa harap ko ang isang dress na sa tingin ko ay hapit sa akin. Gift yan sa'kin ni Janice at kapag isinuot ko yun ay ngayon ang unang beses na magsusuot ako ng ganong klaseng dress. Kulay pula iyon at backless. May konting slit rin ito sa kaliwang hita."Sige na magpalit ka na. Hindi bagay sa isang katulad mo ang ganitong tirahan. Duh you deserve more"she rolled her eyes at tinulak ako sa kabilang gilid ng kwarto para magpalit. This so right. I think, I can trust what she just said.

I deserve more.

________
Opps.. medyo bitin ang chapter na ito so wait lang muna ha.

His Personal Property ✔(Ethan Kim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon