A Race To Your Heart | Phoenix University Series 2
Kabanata 12 | Seatbelt
***
"Egay, kumusta ka na? Hindi ka na namin masyado nakakausap ah." ani Reed.
Nasa hapag-kainan ang magkakapatid dahil katatapos lamang magluto ng hapunan ni Ronan. Kauuwi lamang ni Raegan at may dala itong mga cartolina at cardboard na inilapag niya sa coffee table na nasa salas.
"Busy."
"How are you and Race?" tanong ni Ronan at napakunot ang noo ni Raegan sabay tingin sa kapatid.
"Anong ako at si Race?" deretsong tanong ni Raegan at umiling naman si Rocco. "Ang defensive naman ng sagot mo."
"Tinatanong ko lang kung kumusta kayo eh." tanong ni Ronan emphasizing the word.
"Gumising nga kayo Kuya. Ang laki ng agwat ng edad namin! 17 lang ako at 20 na 'yun."
Hindi na pinakinggan ni Raegan ang mga kapatid niya kahit na may mga sinabi pa ang mga ito dahil halata naman na nang-aasar lang sila.
"Tatlong taon lang agwat eh, akala mo naman 20 years age gap."
Pagkatapos ng hapunan, naghugas ng pinagkainan si Reed at sina Ronan naman ay nagkaniya-kaniyang harap sa kani-kanilang gadget. Samantala, si Raegan ay dumeretso na papasok sa kwarto niya.
Humiga siya sa kama kahit na hindi pa siya nakakapaghubad ng uniporme niya. Kinuha niya ang cellphone na nasa bulsa nang maalala niya na tuluyang nasira ito dahil nahulog ito kanina sa hagdan ng Xenon building.
"Boring. Wala ka na ngang lovelife Raegan, wala ka pang cellphone!" mahinang reklamo ni Raegan at bumuntong hininga.
Alam ni Raegan na hindi agad siya makakabili ng cellphone dahil wala naman bibili nito para sa kaniya. Nakakahiya din naman sa mga kapatid niya dahil pare-parehas silang full scholar ng eskwelahan kaya't hindi namo-roblema sa tuition.
Ang panggastos nila sa araw-araw ay nakadepende sa kung magkano ang padala ng tiyahin nila na nasa Middle East. Minsan ang padala pa nito ay para sa iisang tao lang dahil may pamilya din itong binubuhay sa Tondo.
Gustuhin man ni Ronan na mag-working student ay hindi niya magawa dahil manganganib ang scholarship niya kapag nangyari na magkaroon siya ng bagsak at hindi pumayag ang registrar na baguhin ang schedule niya.
Kaya't umaasa nalang silang magkakapatid sa mga sideline ni Reed at Ronan, ang pag-gawa ng mga project ng ibang estudyante sa Phoenix.
"Egay!"
Napatingin si Raegan sa pinto ng kwarto niya nang marinig ang mahinang boses at mga katok ng kapatid niya.
Bumangon si Raegan at binuksan ang pinto kung saan nakita niya si Rocco na dala-dala ang cellphone nito.
"Hindi ka pa nagpapalit ng pangbahay. Madumi ang uniform mo, magbihis ka na." sermon ni Rocco at ngumiti si Raegan sabay bulong ng 'sorry'.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Raegan at napatingin naman si Rocco sa phone niya.
"Ah. Tinawagan ako ni Race e. Wala daw siyang number mo kaya sa akin tumawag. Ito, mag-usap na kayo. Ibalik mo nalang sa akin mamaya."
Bumaba ng hagdan si Rocco at isinara naman ni Raegan ang pinto. Pumasok siya sa loob ng kwarto at humiga uli sa kama niya habang hawak ang cellphone.
BINABASA MO ANG
A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2
Teen Fiction[ON-GOING] [UNDER EDITING] Raegan Alonzo, mostly called Egay, was a transfer student at Phoenix University. She's currently a senior high school student who struggles in passing her grades to sustain her scholarship. Raegan was the chosen student to...