A Race To Your Heart | Phoenix University #2
Kabanata 18 | Before D-DAY
***
"So anong plano mo sa mga actions mo? Mukhang umamin ka na kay Raegan e." tanong ni Jackson nang magkwento si Race tungkol sa nangyari sa kanila ni Raegan noong isang gabi.
"Hindi ako umamin." ani Race.
"Eh ano pala 'yon?"
"Sanay na si Raegan na binibiro ko siya ng ganoon. Saka alam ko naman na hindi ako type ng bata na yun." sabi ni Race at bumuntong hininga.
Napailing si Jackson nang marinig ang tungkol doon. Alam niya na hindi talaga directly nagko-confess si Race pero sigurado siya na mayroon ng sumibol na pag-ibig.
"Paano kung masanay na ganoon tapos totoo na pala 'yan nararamdaman mo? Hindi ba parang mas mahirap madistinguish alin ang totoo." kumento ni Jackson.
"Ah bahala na. Hindi ko din alam." Mahinang sabi ni Race at hinubad ang hoodie na suot niya.
Araw bago ang D-Day.
Nagtipon-tipon ang mga lalaking miyembro ng club sa loob ng silid para mag-ensayo ng routine na sasayawin at gagawin nila.
Sparkle ang napiling tugtugin ng orchestra ng Chamber Winds at pangungunahan ito ni Race.
Sa isa pang performance, sing and dance naman ang napili ng Old Winds, tulad ng gagawin nina Irene. Ito ang ika-apat na pagkakataon at malamang, huli, na makikita nilang lahat ang specialized performance nina Kevin, Jackson, Race, at Kevin kasama pa ang tatlong old winds.
"Paano mo napapayag si Irene na tayo ang gagamit ng CW?" tanong ni Jin at ngumiti si Race.
"I gave her a deal and hindi 'yun tatanggi." wika ni Race na ikinatingin nina Kiefer.
"Ano 'yun?" tanong nila.
"One day full time practice in Nano Entertainment Rookie Room." ani Race.
Napanganga sina Jackson nang sabihin 'yon ni Race dahil mas gusto nilang sila ang gumamit ng rookie room ng Nano kaysa sina Irene.
"Dapat tayo nalang don! Ang gago mag-desisyon!" dismayadong sabi ni Kiefer at umiling si Race.
"Hindi ako papayag na dun tayo." seryosong sabi ni Race at napasimangot naman sina Kevin na nakaupo sa sahig.
"Ang corny." kumento ni Jin.
"Ang unfair non." naiinis na sabi ni Jackson.
"Hindi kayo magpa-practice ng maayos kung doon tayo dahil sigurado akong girl hunting ang gagawin niyo." sermon ni Race at natawa naman sina Kevin dahil strikto na naman ang dating ni Race.
"Kami lang talaga ang gagawa nun, malabong ikaw." biro ni Kiefer at ngumisi naman si Race. "Ganoon talaga kapag may Raegan na nage-exist." biro ni Race at naubo ang mga kaibigan dahil sa mga jokes na binibitawan ni Race.
"Kupal! Baka marinig ka nina Ronan." Natatawang sabi ni Kevin.
"Mag-practice na tayo. Naka-insert na ang disk sa player." wika ni Race at pumwesto sa harap ng salamin.
Tumayo naman sina Jackson mula sa pagkakaupo nila sa sahig at nagsimulang pumwesto sa kaniya-kaniyang blockings. Nasa gitna si Race at naka-letter V formation sila. Nagsimulang tumugtog ang disk player at malakas ang dating ng musika.
Kakanta at sasayaw silang lahat kaya ang pinili nilang kanta ay Dynamite.
Tahimik silang lahat at seryosong sumasayaw. Itinatama ang madalas na mali nilang step nitong mga nakaraang ensayo. Once a year lang ang performance kaya't full force ang pagbibigay nila ng magandang presentasyon.
BINABASA MO ANG
A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2
Teen Fiction[ON-GOING] [UNDER EDITING] Raegan Alonzo, mostly called Egay, was a transfer student at Phoenix University. She's currently a senior high school student who struggles in passing her grades to sustain her scholarship. Raegan was the chosen student to...