A Race To Your Heart | Phoenix University #2
Kabanata 15 | Peace of Mind
***
"Ayosin mo naman! Alam na masikip eh!"
"Huwag ka nga sumigaw. Baka may makarinig sa 'yo isipin pa nila pinatulan kita!" reklamo ni Race at sinamaan siya ng tingin ni Raegan.
Tinutulungan ni Race na magsuot ng uniporme si Raegan dahil papunta sila sa eskwelahan.
Ikalawang araw na ng event at hindi pa din nabibisita ni Raegan ang event.
Hindi siya mapalagay kahit na binibigyan naman siya ng balita sa mga nangyayari ni Race at nina Jilliane.
Hindi nakapagpatulong sa pagbibihis si Raegan sa mga kapatid dahil maaga ang pasok ng mga ito. Napilitan tuloy siyang i-text si Race kung maaari siyang tulungan nito tutal hapon pa naman ang klase ng binata.
Hinigpitan lalo ni Race ang belt ng skirt ni Raegan kaya kinurot niya ang binata at napa-inda naman si Race dahil sa ginawa ng dalaga.
"Bubuhatin kita at huwag ka maarte kung dumampi yung balat ko sa balat ng binti mo. Nag-skirt ka at hindi ko kasalanan." masungit na sabi ni Race at itinaas ang sleeves ng polo niya.
Umayos naman ng upo si Raegan at saka siya binuhat ni Race na parang bagong kasal.
Lumabas sila ng kwarto at bumaba ng hagdan. May dalang saklay si Raegan para makalakad siya ng maayos at maibalanse siya nito lalo na't may pilay ang kanang paa niya.
Pinagbuksan ni Race ng pintuan ng shotgun seat si Raegan para makapasok at makaupo na ito sa loob. Bumalik naman sa loob ng bahay si Race para isara at ilock ng maayos ang mga pinto at bintana bago sila umalis.
"Wala ka ba nakakalimutan?" tanong ni Race at umiling naman si Raegan na inaayos ang seatbelt niya.
Naunang bumaba sa sasakyan si Race nang makarating sila sa unibersidad. Alam ni Race na pinagmamasdan siya ng mga estudyanteng napapadaan sa may parking lalo na ng mga estudyanteng nasa katapat na building nito.
Naglakad siya papalapit sa pinto ng sasakyan niya at pinagbuksan si Raegan na inilabas ang saklay niya at nagsimulang bumaba rito.
Napasinghap ang mga estudyante nang makitang si Raegan ang bumaba sa sasakyan, ang mga kolehiyala na hindi makapaniwala dahil ito ang unang beses na makita nilang may babaeng sumakay sa sasakyan na itim ni Race.
"Bakit siya kasama ni Race?"
"Baka naman girlfriend na siya ni Race?"
"Paano na si Elle?"
"Ihahatid lang kita sa classroom mo, may klase ako. Sabihan mo nalang sina Jilliane na papunta ka na." sabi ni Race at isinabit ang slingbag ni Raegan sa balikat nito.
Inilock ni Race ang sasakyan niya at saka nagsimulang maglakad sa tabi ni Raegan.
Si Race, presidente ng Chamber WInds at anak ng Nano Entertainment ay may kasamang isang ordinaryong estudyante ng Phoenix University.
Isang malaking chismis na kumalat sa unibersidad at walang ideya si Raegan rito dahil abala siya sa pagche-check kung tama ba sa plano ang nangyayari sa event na inasikaso.
Nakarating sa classroom ng section 8 sina Race at natahimik naman ang buong klase ng pumasok si Race kasama si Raegan. Nakatingin ang lahat sa kanila lalo na sina Wendy na nagulat sa itsura ni Raegan.
"Akala ko nagjo-joke ka lang!" nag-aalalang sabi ni Wendy at umiling si Raegan.
"Kung joke ito, bakit ako may dala na saklay?!" masungit na sabi ni Raegan at umiling naman si Wendy.
BINABASA MO ANG
A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2
Teen Fiction[ON-GOING] [UNDER EDITING] Raegan Alonzo, mostly called Egay, was a transfer student at Phoenix University. She's currently a senior high school student who struggles in passing her grades to sustain her scholarship. Raegan was the chosen student to...