A Race To Your Heart | Phoenix University Series 2
Kabanata 13 | R and R
***
"Ikinakabit ko 'yun seatbelt mo para akin ka lang."
Hindi agad nakapagsalita si Raegan nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Race. Nakabalik lang siya sa sarili niya nang marinig niya ang pagtunog ng seatbelt nang maikabit ito. Lumayo din agad sa kaniya si Race na may mga ngiti sa labi at ang mga ngiti na ito ay hindi nawawala.
"Nababaliw ka na."
"I told you Raegan, you become one of my favorites once you become red." biro ni Race at sinamaan naman siya ng tingin ni Raegan.
"Alam mo bang 17 lang ako at ang ginagawa mo sa akin ay child abuse. Pwede kitang kasuhan ng sexual assault." masungit na sabi ni Raegan at lalong napangiti si Race dahil sa inirereklamo sa kaniya ni Raegan.
"Child abuse pa ba 'yan? Ha! I know you're cute and petite Raegan but don't use your age against me." wika ni Race at hinampas ni Raegan ang braso niya.
"Hey! Easy there! Alam mong nagmamaneho ako, what if ma-aksidente tayo?!" sermon ni Race at nawala ang mga ngiti niya sa labi.
"Okay lang. Sa impyerno ka pupunta, ako hindi." Sabi ni Raegan at isiniksik ang sarili niya sa upuan sabay hawak ng mahigpit sa seatbelt niya.
"I can't afford to pay a big time debt to your siblings. And, I can't afford to lose someone." seryosong sabi ni Race at nag-overtake sa daan.
"Tigilan mo kasi ako ng mga kalokohan mo. Parang Kuya na kita at ang style mo, isa ka na din kina kuya Ronan." reklamo ni Raegan at umiling naman ang binata.
"Naiinis ka ba talaga?"
"Natural! Kaya nga nagrereklamo ako diba? Anong logic ba ang meron ka?"
"Tinatanong ko lang kung totoong naiinis ka. Malay ko ba baka gusto mo lalo na inaasar kita kasi kinikilig ka." pang-aasar ni Race at pinakitaan siya ng middle finger ni Raegan kaya't natawa lalo ang binata.
"You're insane!"
Mahigit isang oras ang biyahe nilang dalawa dahil nanggaling pa sila sa timog. Nag-skyway si Race dahil mas traffic sa service road kung doon siya dadaan.
Sabado pa naman ngyaon at mukhang mayroong sale sa mga mall kaya't madaming tao ang nasa daan.
Mahigit limang minuto din silang hindi nag-uusap at napatingin naman si Raegan kay Race nang hindi inaasahan. Bigla siyang may naalala at hindi napigilan itanong ang sensitibong paksa.
"Bakit kayo nagbreak ni Michelle Avanzado?"
Natigilan si Race nang marinig ang tanong ni Raegan at muntik na niya matapakan ang preno. Tiningnan niya si Raegan saglit na nakatingin sa kaniya.
"O-Okay? T-That's the answer." mahinang sabi ni Raegan at napailing si Race.
"Hindi na ako apektado. Bakit interesado ka?" tanong ni Race at bumalik ang atensyon sa daan.
Nakita niya sa peripheral vision niya na tumango si Raegan at nakatingin ito sa kaniya kaya't napatikhim naman si Race.
"Bakit?" tanong ni Race.
"Affected ka pa din sa kaniya?" nagtatakang tanong naman ni Raegan at umiling agad si Race.
"Hindi nga. Kakasabi ko lang."
BINABASA MO ANG
A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2
Novela Juvenil[ON-GOING] [UNDER EDITING] Raegan Alonzo, mostly called Egay, was a transfer student at Phoenix University. She's currently a senior high school student who struggles in passing her grades to sustain her scholarship. Raegan was the chosen student to...