***
"Bakit parang wala ka sa sarili mo Race?" tanong ni Kevin at tinapik si Race na nakahiga sa couch ng Chamber WInds.
"Naiinis ako." sagot ni Race at mababakasa mo sa mukha nito ang pagka-aburido kaya't tiningnan ni Kiefer ang dalawang nag-uusap.
"Anong meron?"
"Nag-message ako kay Raegan kaninang umaga, until now wala pa din reply." sabi ni Race at natawa naman sina Kevin sabay bato ng crumpled paper sa ulo ni Race.
"Lover boy!" biro ni Kiefer.
"Baka busy?" sabi ni Jin at umiling si Race.
"Memorya ko schedule niya at kung may assignment man siya, nagsasabi siya sa 'kin." kwento ni Race at umiling si Kiefer.
"Dependent siya sa 'yo?" tanong ni Kevin at nagkibit-balikat si Race.
"Independent, kaso gusto ko nakadepende siya sa 'kin." sabi ni Race at binatukan naman ni Kevin ang binata.
"Paano kung bigla mo iwanan 'yun tao? Gusto mo dependent siya sa 'yo. Suicide ba ino-offer mo kay Raegan?" ani Kevin.
"Mukha bang iiwanan ko 'yon? Wala akong plano!" seryosong sabi ni Race.
"Is everything settled about Elle?" tanong ni Kiefer na agad ikinatigil ni Race at tingin sa kaniya.
Napailing naman si Kevin at si Kiefer kaya't huminga ng malalim si Race. Mayroon pa nga pala siyang problema kay Elle kaya't hindi niya magawa ang gusto niya na kasama si Raegan.
"Bakit ba kailangan pa mag-settle ng problema dun? Mahigit anim na buwan na ang lumilipas." reklamo ni Race at umiling si Kiefer.
"Tol, kung ako sa 'yo ipamukha mo na talaga kay Elle na wala na pag-asa." sabi ni Kiefer.
"Anong sinasabi mo?" tanong ni Kevin.
"Edi si Raegan, tutal gusto mo na ipakita sa buong mundo o sa buong Phoenix na si Raegan ang gusto mo, edi gawin mo." sabi ni Kiefer at napailing naman si Race.
"Alam mo na bawal diba?" tanong ni Race at tumango sina Kevin.
"Kaya nga tinanong ka namin noon diba? Seryoso ka ba na gusto mo maging artista ng Nano si Raegan?" seryosong sabi ni Kiefer at tumango naman ngayon si Race sabay hinga ng malalim.
"Ah! Hindi ko na alam." reklamo ni Race at humiga sa couch.
"Gusto ko lang malaman nila na akin si Raegan, bakit ba ang hirap?!" sigaw ni Race kaya't natawa sina Kevin.
"Wala naman mahirap dun kung hindi mo pinayagan si Raegan na mag-artista e." sabi ni Kevin at binatukan na siya ni Kiefer dahil sa sinabi niya.
"That's the best career na magkakaroon si Raegan, bakit ko siya pipigilan?" seryosong sabi ni Race at mahahalata mo na naguguluhan din talaga siya sa mga sinasabi niya.
"Ang mga sinasabi mo na 'yan Race, para ka na din si Tita Elena. Eyeing for someone who can be a star!" natatawang sabi ni Kevin at napabangon naman si Race dahil sa sinabi ng kaibigan niya.
"Hindi kaya nasa Nano Entertainment ngayon si Raegan kaya hindi siya nagrereply?" pagtatanong ni Race at nagkibit-balikat ang dalawa.
"Ikaw ang boyfriend, bakit sa amin mo tinatanong?" tanong ni Kevin at umiling si Race.
"Hindi pa niya 'ko boyfriend." seryosong sabi ni Race at napailing naman si Kevin na parang dismayado.
"Race Mendiola? Pumapayag sa relasyon na walang label? Hindi yata." hindi makapaniwalang sabi ni Kevin kaya't natawa naman si Kiefer.
BINABASA MO ANG
A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2
Teen Fiction[ON-GOING] [UNDER EDITING] Raegan Alonzo, mostly called Egay, was a transfer student at Phoenix University. She's currently a senior high school student who struggles in passing her grades to sustain her scholarship. Raegan was the chosen student to...