Kabanata 9 | Good Conversation, you want?

33 19 25
                                    

A Race To Your Heart | Phoenix University Series 2

Kabanata 9 | Good Conversation, you want?

***


"I reminded you a lot of times right?"

"I'm sorry Ma'am. HIndi po ako na-inform agad na may partner ako for the event you assigned."

"Show me the outline and the activity plan next time you go here, I need that for the event's budget."

Raegan can't avoid complaining in her mind while walking towards the door of admin building. Hindi siya dapat ang presidente ng event na 'to pero dahil siya ang binoto ng lahat, she was left no choice.

His professor in Contemporary Arts called him to talk about the progress of the event because he's one of the administrators of the Senior High event to be held next month. Mayroon pang natitira na tatlong linggo for her to prepare the event but until now, ang stage design at activity plan na naka-assign sa kaniya ay hindi pa nakahanda hanggang ngayon.

"Someone told me you need me."

Napatigil sa paglalakad si Raegan nang maalala niya ang sinabi ni Race nang puntahan siya nito sa classroom. Ang binata nga pala ang magiging katulong niya para sa event na ikinabilis ng tibok ng puso ni Raegan.

Tumakbo siya papunta sa college campus at tiningnan niya ang malaking building ng College of Business and Accountancy.

"E-Excuse me, nakita niyo po ba si Race Mendiola?" tanong ni Raegan at tinaasan siya ng kilay ng isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha.

Napatingin si Reed sa labas ng classroom at nakita niya ang kapatid na nakatayo sa tapat ng pintuan.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ni Reed at naglakad palabas.

"Kuya!" sigaw ni Raegan at ngumiti naman si Reed sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito? Diba may klase ka?" nakakunot-noong tanong ni Reed at umiling naman ang kapatid.

"Excuse ako sa klase dahil sa event." wika ni Raegan at ipinakita ang papel na hawak niya na agad naman tiningnan ni Reed.

"Bakit mo hinahanap si Race? For senior high event naman pala 'to." tanong ni Reed at napakamot naman sa ulo niya si Raegan.

"S-Si Race kasi 'yun sinabi ni Miss Garcia na tutulong sa 'kin." kwento ni Raegan at napa-ah naman si Reed sabay tingin sa loob ng classroom.

"Nagpapa-photocopy ng handouts namin si Race. Puntahan mo nalang sa photocopier malapit sa love bridge." sabi ni Reed at agad na nagpaalam si Raegan.

Raegan walked towards the artificial lagoon and started to pass through the bridge. Hindi pa man siya nakakalapit ay nakita na niya si Race. She knew that of all the people, Race was the only one who's tall enough who always wears a magnet earring and has black-colored hair.

"H-Hello." bati ni Raegan.

Race was busy reading the handouts he's holding. Napatigil lamang siya sa ginagawa nang maramdaman niya ang presensya ni Raegan at marinig ang boses nito. Hindi niya maiwasan na lumingon agad adhil parang musika ang boses nito sa kaniyang pandinig.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"I-I need your help.. Sorry for the inconvenience pero kailangan ko na talaga." sabi ni Raegan at napangisi si Race.

"Tinatanong ko lang kung ano kailangan mo, ang dami sinabi." natatawang sabi ni Race at nginisihan si Raegan na ikinasimangot nito.

"Look! I'm being polite because I need you and the event is the only reason why I approached you like this. If you don't want to help, okay." seryosong sabi ni Raegan at halos dumugo ang ilong ng mga estudyante nakarinig sa kaniya.

A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon