A Race To Your Heart | Phoenix University #2
KABANATA 19 | D-DAY
***
Naghahanda ang lahat ngayong umaga para sa Christmas Ball na magsisimula mamayang alas sais ng gabi. Maaga nagising sina Irene dahil may practice sila ngayong umaga. Nauna na din sina Race sa eskwelahan dahil sasabayan nila sina Irene sa pag-eensayo.
Samantala si Raegan naman ay mamayang hapon pa.
"Egay! Gising na." sabi ni Rocco at tinapik-tapik ang kapatid niyang tulog na tulog sa kwarto nito.
Hawak ni Raegan ang cellphone niya kaya't kinuha ito ni Rocco na ikinamulat ng mga mata ni Raegan.
"Kung hindi ko pa kuhain 'to, hindi ka gigising." natatawang sabi ni Rocco at umupo sa kama ni Raegan na agad naman umisod para magkaroon ng espasyo ang kapatid.
"Kumusta kayo?" tanong ni Raegan at nagkusot ng mga mata.
"Ayos lang. Kayo ni Race kumusta na?" pang-aasar ni Rocco at sumimangot naman ang dalaga.
"Kuya, kagabi niyo pa ako inaasar tungkol dyan. Nakakasawa kaya." inis na sabi ni Raegan at bumangon naman ito kaya't tumayo si Rocco.
"Ito naman, binibiro lang eh. Boto naman kami kay Race e." seryosong sabi ni Rocco at tiningnan siya ni Raegan na nakakunot ang noo.
"Hindi ko nga boyfriend 'yon." Walang ganang sabi ni Raegan at napailing naman si Rocco.
"Wala naman ako sinabi na boyfriend mo na ah." sabi ni Rocco.
Hindi sumagot si Raegan sa sinabi ng kapatid bagkus nilayasan niya ito. Lumabas siya ng kwarto at bumaba ng hagdan. Naabutan niya si Reed na umiinom ng kape samantalang si Ronan ay nagluluto ng ulam.
"Tanghali ka na ah." sabi ni Reed.
"Diba dapat maaga ka sa school? Performance niyo na mamaya." Sabi ni Ronan at umiling naman si Raegan.
"College lang naman daw ang required na pumunta dun ng maaga. Kayo bakit nandito pa kayo?" tanong ni Raegan at tumingin sa wall clock na nasa ibabaw ng pinto ng banyo nila.
11:45 A.M.
"Mamaya pa kami pupunta ng school. Sumabay ka na sa amin. Hindi ka masusundo ni Race." May kahulugang sabi ni Ronan na ikinatingin naman ni Raegan dahil nakangisi si Reed at si Rocco.
"Mayroon ba kayong alam na hindi ko alam?" naguguluhang tanong ni Raegan at nasamid naman si Reed.
"W-Wala, bakit?" tanong ng kapatid at nagkibit balikat naman si Ronan.
"Ang weird niyo." mahinang kumento ni Raegan at umupo sa tapat ng dining table nila.
Kumuha ito ng sinangag na kanin at itlog at saka nagsimulang kumain. Nagtinginan naman ang tatlong kapatid dahil mukhang tama nga sila na walang idea si Raegan sa mangyayari mamayang gabi.
"Anong susuotin mo mamaya?" tanong ni Rocco sa kapatid at napailing naman si Raegan.
"Hindi ko alam."
"Ngek. Bakit hindi mo alam? Baka mamaya may costume pala kayo hindi ka informed." Sermon ni Ronan at tumawa si Reed. "Parang lutang ka ngayon Egay, may problema ka ba?" ani Reed.
"Wala. Wala lang ako sa mood. Ang lamig kaya." mahinang sabi ni Raegan at tumingin sa labas na sobrang init naman ng sinag ng araw.
"Ang lamig ng ano? Pinagpapawisan na nga kami dito tapos malamig pa din." reklamo ni Rocco.
BINABASA MO ANG
A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2
Novela Juvenil[ON-GOING] [UNDER EDITING] Raegan Alonzo, mostly called Egay, was a transfer student at Phoenix University. She's currently a senior high school student who struggles in passing her grades to sustain her scholarship. Raegan was the chosen student to...