A Race To Your Heart | Phoenix University #2
KABANATA 20 | End of D-DAY
*****
"Raegan, gusto kita."
Natahimik ang paligid, naghihintay ng isasagot ni Raegan. Tumigil ang musikang tumutugtog ng malakas. Tanging mga paghinga lamang ang naririnig.
"A-Anong ginagawa mo?" naguguluhang tanong ni Raegan.
Hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Ang lalaking parang kuya na niya ay nasa harapan niya ngayon at umaamin ng totoong nararamdaman.
"Ano ba? Nagkoconfess na ako itatanong mo pa din anong ginagawa ko. Lutang ka ba?" naiinis na tanong ni Race na ikinatawa naman ng mga estudyanteng nanonood.
"Sino ba hindi magtatanong bigla ka nagpeperform sasabihin mo lang pala gusto mo ako?" bawi ni Raegan na ikinainis lalo ni Race.
"So anong gusto mong method na pag-amin sa 'yo? Ito na ang pinakamagandang naisip ko na hindi mo makakalimutan. Isang Race na sobrang gwapo ang umaamin sa iyo." seryosong sabi ni Race na ikinakunot ng noo ni Raegan.
"Ang kapal ng –"
"Ano na? Sumagot ka nalang kaya kung gusto mo din ba si Race?! Raegan naman eh!" pagmamaktol ni Jilliane at pinigilan si Raegan na ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin.
Natawa ang mga nasa paligid dahil mukhang inip na inip na ang lahat na marinig kung anong isasagot ng dalaga. Kinabahan ng sobra si Raegan. Inalala ang mga payo sa kaniya ni Irene nitong nakaraang araw.
"Ang hirap naman eh! Pero sige na nga gusto na kita!" seryosong sabi ni Raegan na ikinakunot ng noo ni Race imbis na matuwa.
"Parang napipilitan ka pa ah. Sa mukhang 'to?!" reklamo ni Race at sinamaan siya ng tingin ni Raegan.
"Oo na! Gusto din kita! Okay na? Happy?!" nakasimangot na sabi ni Raegan at sumibol ang mga ngiti sa mukha ni Race. Halatang masayang-masaya ang pakiramdam ng binata na mababakas mo sa mga mata nito na nakangiti din gaya ng mga labi niya.
****
Nang matapos ang tagpong aminan ni Race at ni Raegan, nagpatuloy ang party ng Christmas Ball. Samantalang ang dalawa naman ay lumisan saglit sa nasabing venue. Sina Jilliane naman ay abalang kumakain sa food area ng party. Magsisimula na ang performance ng Old Winds sa stage kaya't tinawag na pabalik ng emcee na si Sir Lloyd ang mga estudyante na muling pumwesto sa kani-kanilang table para manood ng performance.
"Let's welcome The Old Winds!" masayang wika ni Sir Lloyd.
Nagpalakpakan ang mga estudyante nang lumabas sina Irene mula sa backstage. Kaniya-kaniyang hiyawan ang mga ito dahil ngayon ay masisilayan nilang muli ang mga talented na miyembro ng Chamber Winds.
Nagsimulang tumugtog ang kanta at kitang-kita si Irene na nasa gitna. Nakangiti ang mga nanonood habang sumasayaw ang mga ito. Nagmukhang concert ang performance ng mga dalaga dahil sa energy na ibinibigay ng mga manonood. Nakita naman nina Wendy sina Kiefer na naglalakad pabalik ng backstage at mukhang sila na ang kasunod na magpeperform.
"Pumunta ka na kaya sa backstage." ani Wendy at sinamaan ng tingin si Kevin na inaagawan siya ng macaroons.
"Hindi pa tapos magsayaw sina Irene. May second song pa." nakangiting sabi ni Kevin at kumuha uli ng pagkain sa plato ni Wendy kaya't nakasimangot ang dalaga.
"Hindi na ako natutuwa sa 'yo ah." mahinang sabi ni Wendy at sinamaan ng tingin ang binata. Inilayo din niya ang plato sa kaniya dahil alam niyang hindi siya ang uubos ng mga pagkain na kinuha niya kanina sa counter.
BINABASA MO ANG
A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2
Genç Kurgu[ON-GOING] [UNDER EDITING] Raegan Alonzo, mostly called Egay, was a transfer student at Phoenix University. She's currently a senior high school student who struggles in passing her grades to sustain her scholarship. Raegan was the chosen student to...