Kabanata 10 | Side by Side

30 19 20
                                    


A Race To Your Heart | Phoenix University Series 2

Kabanata 10 | Side by Side

***

Hindi mapakali si Race sa loob ng silid ng Chamber Winds dahil hindi niya mapigilan ngumiti. He kissed Raegan as if it's the cue to do it. Alam niyang yayariin siya nina Ronan once na malaman ng mga ito na nahalikan na niya ang bunso sa magkakapatid.

Daig pa ng isang kamatis na pulang-pula ang mukha ni Raegan nang mahalikan niya ito noong isang araw. Agad siyang tumakbo palabas ng classroom nang maka-recover si Raegan dahil alam niyang hindi lamang isang suntok ang matatanggap niya.

Tawa naman ng tawa si Jackson sa ginawa ni Race kahit na pinsan niya si Raegan ay hindi nito mapigilan na matawa sa kalokohan ng kaibigan.

"Nag-iisip ako ngayon kung first kiss ako ni Raegan e." nakangiting sabi ni Race habang isinisiksik ang sarili niya sa sofa na nasa loob ng silid.

Tumawa si Kevin na hindi niya usual na ginagawa kaya napailing si Race. "Kapag nalaman nina Ronan 'yan, I suggest you shouldn't go out your house." nakangiting sabi ni Kevin.

"Bago pa malaman ni Ronan na ginawa ko 'yon, nakarami na ako kay Raegan." biro ni Race at humagalpak ng tawa si Kevin.

"Hinay-hinay ka lang Race. Wala ka naman talagang intensyon kay Raegan. Baka mamaya ma-fall sa 'yo 'yun tao. Malaking problema 'yan." payo ni Irene at nag-thumbs up naman si Jackson.

"Her lips are soft, I can't say she's an ordinary teenager." napapailing na sabi ni Race at inalala ang itsura ng dalagang nahalikan niya.

He doesn't know why he's being like this but he's sure about one thing. He's happy every time he sees Raegan and the happiness he feels doubles when he has the opportunity to joke around with her.

Alam niyang yari siya kina Ronan pero handa siya sa kung ano man ang resulta ng mga kalokohan niya. Sa ngayon, alam niya sa sarili niya na hindi pa niya gusto si Raegan.. Hindi pa.

***

"Mas maganda siguro kung color combination mo ay bright colors. Pero kung gusto mo magmukhang teenager talaga, I suggest 'yung pastel colors." payo ni Iza, ang kaibigan ni Race na miyembro ng Chamber Winds.

"This is an evening event po so sa tingin ko mas maganda kung bright colors na may touch of black ang stage." sabi ni Raegan at ngumiti si Iza.

"That's a good choice. Kaya siguro gusto ka nila because you know what you want." nakangiting puri ni Iza at napaiwas ng tingin si Raegan dahil sa hiya.

"Paano mo po nalaman na kailangan ko ng tulong?" nagtatakang tanong ni Raegan at ngumiti ang dalaga sa kaniya. "Race asked for a favor and that is to help you. I'm his good friend, member din ako ng CW." nakangiting pakilala ni Iza at napatango naman ng marahan si Raegan.

"Ikaw po ang sinabihan niya na tulungan ako?" tanong ni Raegan at tumango si Iza.

"Hindi ka kasi mapupuntahan ni Race ngayon. He has a lot of business meetings to attend to. Are you aware that Race is the heir of Nano Entertainment?" sabi ni Iza at namilog ang mga mata ni Raegan nang marinig ang detalyeng iyon mula kay Iza.

"Hindi po.." mahinang sabi ni Raegan.

"So just beep me anytime if you need help, I'm more than willing to help. I'll see you later. May klase na ako." paalam ni Iza at pinisil ang kamay ni Raegan bago siya umalis.

Raegan heaved a sigh when Iza left. There's a lot more to happen before the senior high event and wala pa siya sa kalahati. Hanggang ngayon hindi pa niya naaasikaso ang permit to fund the event na ipinapasa sa presidente ng unibersidad.

A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon