21

14 0 0
                                    

Clarrisse's POV:

Galing lang ako sa opisina nang makita ko si Emma na nakahiga sa bed niya

Nakatalikod siya sa'kin ngayon kaya hindi ko alam kung natulog ba o hindi

Hindi ako umimik nang makita ko ang hearing aids niya sa mini table na nasa tabi niya.

Lumapit ako sa kanya, nakatulog pala pero malinaw sa'kin na galing siya umiyak.

I smiled at her sleeping face.

It's been really hard for her, she's even stressed out for her friends

She may not show it fully pero kitang kita ko na mahirap talaga sa kanya.

Emma is not the kind of girl that just minds her own business. Yes, she got that kind of attitude but she actually cares and think about others

Kaya kahit sa mga bagay na hindi niya naman kaylangang isipin, iniisip parin. Hirap ngang intindihin e, pero mahal na mahal ko siya.

Sana nga hindi niya makakalimutan 'yon.

Kumilos nalang ako patungo sa komportableng upuan at sinubukang mag relax at matulog.

Nakakapagod ang araw na'to

-----------------------------
Marcus' POV

"Ano?!", gulat ang nasa tono ni Felix habang tinatanong niya ako

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina.

"Pano yan pare?", tanong naman ni Ghenel

Bumisita sila sa'kin, tapos na exams nila e.

"I don't know, wala pa akong plano"

"Wag mo nalang planohin", sabi ni David, "hindi naman sa lahat ng bagay kaylangang may plano, diba?"

"E kasi nga pare, natatakot 'tong si Marcus, kaylangan niyang planohin. Plan A, plan B, ganon, gets mo?", sabi ni Felix

"E kung sa phone nalang kaya?", sabi Chad habang kumuha siya ng Happy na peanuts sa snack cabinet ko

Sinapak ni David yung ulo ni Chad, "gago ka ba? Hindi yan gusto ng mga babae "

Humarap siya sa'kin, "Pare, wag mo na siyang pakinggan"

Alam ko na 'yon, sinabi 'yon ni Meryl sa'kin. Sino ba kasi lalakeng nagcoconfess through chat? Napaka inappropriate naman.

"Wag niyo nang isipin 'to, mas mabuti pa umuwi na kayo, gabi na oh, galing pa kayo sa exams", sabi ko

"Okay lang pare, ginusto naman namin 'to e", sagot ni Ghenel

"Alam mo ba?"

"Hindi", sabi ka habang nakatingin sa ibang direksyon

"Si JM", dugtong pa ni Felix

Tumingin ako sa kanya, "oh bakit?"

"Nahihiya na sa'min, hindi na nga makipag hang out e"

"Totoo pare, bumalik na siya sa mga girl friends niya", dugtong pa ni Chad

I feel bad about it, I mean, sure, I could just forgive her as time goes by, she doesn't have to really distance herself like that

Pwede namang sa'kin lang, hindi na kasali sila Felix.

Hindi nalang ako umimik.
-----------

Dito nalang sila kumain ng dinner, nagpa deliver sila nang pagkain dito sa isang fast food restaurant

Habang kumakain kami, nakita kong pumasok si Meryl

"Oh kamusta?", sabi ko

"Shhhhh, tumahimik ka", sabi niya habang pa tingin2 sa maliit na window sa pintuan

Lumapit ako sa kanya, "oh bakit?", pabulong kong sabi

Natigilan rin sa pagkain ang mga kaibigan ko, puno ng tanong rin ang mga mukha nila.

Hindi nagtagal, rinig na rinig kong umutot si Meryl

"Bastos!!", napasigaw ako

She laughed so hard, "y'all just got fooled"

"Putang Ina", rinig kong sabi ni Ghenel

"Oy! Nandito pala kayo", sabi ni Meryl with a joking tone

"Nawalan na ako nang gana", sabi ni Felix

"Nag act ka pa", sabi ni Chad kay Meryl

"Sorry Felix, bumuto yung bomba e", nag jojoke na naman si Meryl

Bumalik ako sa higaan ko, nakita kong naglilinis na sila sa mga kalat nila.

"Alam niyo naba ano ganap sa buhay ni Marcus, guys?", tanong ni Meryl sa kanila

"E ano pa ba?", sabi ni David

"Ano ang masasabi niyo?", tanong na naman ni Meryl

I let out a weird laugh

Hindi nila sinagot ang tanong niya.

"Right!", sabi ni Meryl, "it's Emma who's being a scaredy cat again"

Nagpatuloy nalang sila sa ginagawa nila at hindi pinansin si Meryl

Maybe Emma will just realize how fear is destroying her again

I know and I can sense the hidden and untold feelings. They are just certain things that holds us back, certain events that keeps it from happening and maybe, one day, we'll both realize that fear didn't bring any good things.

Hindi sa nag aassume pero baka nasasaktan rin si Emma sa ginawa niya.

We all have that hidden sorrows that we don't really want others to know and I understand that

I guess I'll just have to wait for the right time.

"I'll wait for her", I said with a low volume voice while looking downwards

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko silang nakangiti sa'kin

Bright and warm smiles

Just Too Sick To FunctionWhere stories live. Discover now