02

33 2 0
                                    

Nandito na ako sa car, hinihintay si mama.

Ano ba naman ang nagpapatagal sa kanya?

Ang boring nga e, kaya nagpa music nalang ako. Fan ako nang mga kpop groups tulad ng BTS, Twice, Blackpink at iba pa.

Nag eenjoy ako sa music at habang nag eenjoy ako, innexplore ko yung sasakyan na parang hindi sa amin to haha

Habang ginugulo ko yung luob ng glovebox, may nakita akong envelope.

"Ano to?" parang tangang may kinakausap.

Resignation letter

Nagulat ako, kay mama to ah

Narinig ko na si mama lumabas sa bahay kaya ibinalik ko nalang kung sa'n ko yun natagpuan.

"Okay, buckle up, honey" sabi niya
Tinitingnan ko siya, ang saya niya,
"Oh anong meron?, okay ka lang ba?" tanong niya, habang inaayos niya sarili niya.

Gusto kong umiyak, pati ba naman trabaho niya?, pero nagpilit ako ng ngiti, "oo ma" at inayos ko na rin sarili ko.

Hindi mawala wala sa isip ko kaya napatunganga nalang ako habang nagbabyahe.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Nasa labas kami nang office ng doktor ko, may naunang patient kaysa sakin, kaya pinahintay kami.

Friends ko na yung mga nurse dito kaya ang bait nila, "Goodmorning ganda, okay ka lang ba ngayon? Kamusta feeling mo?"

"Okay lang naman, nag hahalf day class parin. Ang hirap pa" sabi ko

Chineck niya yung blood pressure ko, "okay lang yan, ikaw naman kasi eh, mag full time kana kasi rito" suggestion niya.

I let out a soft chuckle, full time

Hindi ako naka tulog nang maayos kagabi sa kaka isip nito. Pero after nung nakita ko yung letter ni mama, parang ang desperada ko na.

Ang weird ko kasi, hinding hindi ko gusto yung mga pinapagawa sa akin kasi nga feeling ko hindi ako free pero iniisip ko rin si mama, hindi ko gustong mag iisa siya sa buhay niya kaya mapa isip ko ring gumawa sa meds and anything.

Alam mo yung mga ganitong mga movie?, ang mga characters ay may sakit, ma bubwesit ako sa kanila noon dahil nga hindi nila finofollow yung mga gawain nila, e yun lang naman ang magpapabuhay sa kanila ah, ngayon gets ko na yung feeling sa feeling ng walang freedom. Hindi madali.

Hindi talaga madali kaya hinayaan nila sarili nila para sa minamahal nila, ang pathetic, kung iisipin.

Rhedd, he appeared in my head. How the hell could I think about love at this time?

"I've been really thinking about it Rosa", I said.

Na shock ako sa sinabi ko, na shock si Rosa, na shock si mama, na shock yung ibang nurse. Let's just say na na shock kaming lahat, ang O.A

"Well, that's great honey", Rosa said politely.

"Sure kaba anak? What made you do it?"
Alam mo? Nakakalito talaga tong si mama, hindi ko alam kung ano gusto niya, mamatay or mabubuhay ako?

"Oo ma, wala lang, parang its time na e" ang char ko, pero oo, may inspiration na akong mabuhay, at yun si mama, kaylangan kong magpakalusog kay mama.

Napa ngiti si Rosa sa'kin, ginuide niya ako sa weighing scale para mag record sa weight at height ko.

Napatingin ako kay mama at nag smile siya, yung smile na nagbibigayng pag-asa, she hugged me. Rosa hugged me too.

Just Too Sick To FunctionWhere stories live. Discover now