Prologue

84 3 0
                                    

I felt the softness of my pillow as I welcome the cold air this morning, it's gonna be a great day, I thought.

I open my eyes and stretch my body as I welcome the new day but never in my 16 years of existing have I ever felt my lower back suffer in so much pain, inisip ko nalang na baka sa sleeping position ko to, at yun, napatawa ako sa thought.

Nan dun si mama sa kitchen, nag prepare siya nang breakfast, amoy palang, mabubusog kana.

"Goodmorning anak, kamusta tulog mo?" ani niya,
"Okay lang, medyo masakit lang lower back ko"
"Lower back mo?" naririnig ko yung worry sa boses niya
Napangiti ako, "Ma, okay lang ako, baka sa sleeping position ko lang 'to, wag mo na isipin"

Oo, na isip ko yung sabihin, alam ko naman si mama, she's been worrying about me kasi nga may history kami sa kidney diseases, nakakatakot nga isipin eh.

"Sure ka? Ngayon mo lang ba na feel yan?" tanong niya. Ito naman si mama o, ang worried talaga niya, halatang halata na sa mukha niya.

"Oo ma, pero wag kang mag alala, sure kong wala lang 'to, alam mo naman, ang weird ko ngang matulog no" pag me-make sure ko sa kanya,
"O sige, sabi mo eh, basta sabihin mo sakin ha---" hindi ko na siya pinatapos, yinakap ko siya at dun siya natahimik,

My mom's emotional when it comes to me, especially now that Im already 16 years old.

"Mahal kita anak" nakita ko ang maganda niyang smile, maganda talaga mama ko, sobra. "Mahal din kita Ma" sabi ko

Feel kong pumunta sa CR, kaya kumawala ako sa yakap.
My mom left out a soft chuckle, "hurry up, the food will be cold if you don't"

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa lakad ko, ang layo ng CR namin sa dining room, (hindi naman malayong malayo, 'di naman malaki bahay namin, sakto lang) kasi nga pag may bisita, baka mawalan sila nang gana kumain, kaya I find the design of our house weird pero matalinong decision yun.

I miss you dad, I thought as I reminisce the moments when we didn't have the house yet, my dad was an architect. He died a few years back, and this explains why my mom worries about me.

Before lang naman ako nakapasok sa CR, ang hapdos ng lower abdomen ko, ang sakit, rason kung bakit ako napahinto sa paglalakad.
I sighed, "ba't ba puno ng sakit ang umagang ito?", agad namang nawala siya kaya tuluyan na akong pumasok.

Nang naka upo na ako sa toilet at umihi, ang sakit, sobrang sakit kaya napapikit ako. Natapos lang siya ng madali, "ang dali ah" sabi ko. Nawala na yung sakit, which Im happy about.

Yun lang pala katapat, nakakatawa.
As I fix myself up, napansin kong may dugo sa ihi ko.

Kinakabahan ako, at dahil sa kaba, napaiyak ako.

Sign naba 'to?, isip- isip ko. Nakakatakot, nakakaiyak.

Sabihin ko ba kay mama?, nakakabahan na talaga ako.

Napansin yata ni mama na ang tagal ko na rito kaya narinig ko siya just a few inches away from the CR

"Anak, okay ka lang ba jan?" ani niya.
Hindi ko na maitago ang kaba, kaya lumabas ako ng CR nang may luha sa mga mata ko, napatitig si mama sakin.

"Anong nangyari anak?" narinig ko na naman yung worry sa boses niya, I hate it, I hate how she always worry about me.

"Ma, may--- may--" my voice is shaking
"May ano anak? Anong meron?" ngayon, my mom sounded desperate, she's desperate to know what it is.

"Ma, may dugo sa ihi ko" napaiyak ako nang todo.
"Ha?" She ran quickly towards the CR and checked it, pero habang patungo siya dito-

"Ma, ang sakit ma, ang sakit" bumalik yung sakit, ang sakit talaga, di ko na keri.

Napatingin si Mama sa kin, ngumiti siya, ang weird. "Baka meron ka ngayon"

Ang positive ng iniisip niya, sabi ng utak ko
"Pero ang sakit Ma", naglakad siya papalapit sa akin,

"Baby, you're not ill, okay? Wala kang sakit, hindi ka pwedeng magkasakit", at napatitig ako sa naluluha niyang mata, "kaya mag linis ka at mag bihis para kumain na tayo, gutom na ako" pinilit niyang ngumiti pero halatang halata na na hindi siya okay.

Ikaw pa tong sobrang worried sa akin ma, pero bat ngayon, bat parang hindi mo accept na magkaka ganito ako?, alam ko, ang negative ng iniisip ko.

I nodded and walked towards my room, pero as I walk towards it, unti-unti ako nawalan ng malay, hindi na ako makarinig ng ano man, tapos ang hina na ng mga paa ko, hindi ko narinig clearly yung tawag ni mama pero sure 'kong tinatawag niya ako, the next thing I knew, nasa floor na ako, nakahiga, pikit mga mata.

'Anak! Anak! Gumising ka' narinig ko si mama, 'anak! Gumising ka please! Tulong! Tulongan niyo kami' pagsisigaw niya.

Hindi ko nakikita vividly, pero sure kong umiiyak na si mama.

Tuluyan na ako nawalan ng malay at dinala sa hospital.

I hate it, I hate it when I see her cry.

Just Too Sick To FunctionWhere stories live. Discover now