Tracy's Pov
Pagkatapos ng meeting ni Xy dadaan kami ngayon sa restaurant para magdinner. Halos three hours Ang tinagal ng meeting nila dahil marami daw silang pinagusapan Lalo na sa next week aalis daw si Xy at pupuntang France dahil may project daw sila Doon. Malaking deal daw iyon Kaya Hindi daw pwedeng sayangin. Okay Lang Naman sakin na umalis sya at mawawala sya ng ilang araw pero Sabi sakin ni Xy. Hindi lang ilang araw daw sya mawawala baka one month or higit pa. Iniisip ko pa Lang na mawawala sya Ng ilang araw nalulungkot na ako paano pa Kaya Yung ilang buwan?.
"Baby? Are you with me?" Napatingin Naman ako rito ng bigla ako nitong tinanong.
"I'm sorry." Nalulungkot parin ako. Ilang araw pa lang na magkasama kami tapos aalis sya agad parang Ang unfair Naman.
"Baby? Kung iniisip mo pa rin yung sinabi ko kanina. Maybe I cancelled it." Lumaki naman ang Mata ko sa sinabi nito. Seryoso? Kung ika-cancel nya ang project Dollar Ang mawawala sa kanya.!
"No. I'm fine. Wag mong icancel para Lang sakin. Importante Yun at Hindi pwedeng mawala" seryosong Sabi ko rito.
"It's okay. Meron pa naman ibang project" hinawakan nito Ang kamay ko at pinisil.
"Hindi. Okay Lang ako atsaka pwede Naman tayong mag Skype diba?"
"Are you sure?"
"Oo Naman." Ngumiti ako rito para maipakita na okay Lang talaga sakin. Kahit na ayuko talaga.
"Okay. Just wait me here okay? Don't worry magdadala ako ng pasalubong sayo at sa triplets." Tumango na lang ako para tapos na ang usapan. Sakto Naman na dumating na Yung order namin na beefsteak my favorite.
Tahimik lang kaming kumakain at wala Sami'ng dalawa ang nagtangkang magsalita. Natapos na Ang dinner namin at tahimik na nagbabyahe na kami papunta sa bahay ko. Pagdating sa tapat ng bahay ay bumaba na ako agad ng pigilan ako ni xy.
"Baby? Are you mad?" Umiling ako rito at ngumiti.
"Hindi xy. I'm sorry pagod Lang Kasi ako" Sabi ko rito. Tumango Naman ito sakin at marahan ako nitong hinalikan sa noo.
"Just rest okay?. Goodnight I love you baby"
"I love you too. Ingat ka sa paguwi." Tumango ito at pumasok na agad sa loob. Bago ito umalis bumisina muna ito at pinaandar na nito Ang sasakyan.
Pumasok na ako sa loob ng may nakalimutan pala ako. Magkikita pala kami ni Aziel ngayon ittxt ko na Lang Kaya sya na sa malapit na Lang kami magkita? Halos 7pm na din Kasi ng Gabi. Nagtxt muna ako Kay lili na malelate akong umuwi dahil may dadaanan pa ako. After txting Lili nagtxt Naman ako Kay aziel na magkikita na Lang kami malapit dito sa may park. Nagsimula na akong maglakad papuntang park. Nagulat ako na nandoon na sya agad samantalang kakatxt ko Lang kanina pero nauna talaga sya kaysa sakin e halos ang lapit lang nitong sa bahay namin. Hindi parin talaga sya nagbabago kahit pa noon kapag may gala kaming dalawa lagi sya Ang nauuna saeeting place namin.
"Wow Naman aziel Wala ka paring kupas sa bilis" asar ko rito. Tumawa Naman ito nang Makita akong papalit sa kanya.
"Of course. I'm always me" Sabi nito. Inaya ako nitong umupo sa swing Kaya sinunuod ko Naman ito. Umupo rin ito sa kabilang side ng swing.
"Ano nga pala yung sasabihin mo about my parents?" I ask him. Ang seryoso kasi ng mukha nya.
"Actually it's not about your... Parents." Nagtaka naman ako sa kanya Sabi nya Kasi may sasabihin sya about my parents tapos ngayon Hindi Naman pala.
"I though-"
"I'm sorry Tracy. It's not about your parents. It's all about Xyron." Nagulat ako sa sinabi nya kaya napatayo ako sa pwesto ko. Seryoso pa rin itong nakatingin sakin. Ano Naman Kaya sasabihin nya about Kay Xyron?. Maybe sa business.
BINABASA MO ANG
She's Pregnant By The Billionaire CEO
RomanceSa isang gabi nang pagtatalo nila ng kanyang fiancee ay magbabago ang takbo ng buhay ni Tracy dahil na rin sa pagpunta nito sa isang pribadong bar ay doon nya rin makikilala ang isang lalake na magpapaapekto ng kanyang buhay.